~2015-2016

3 0 0
                                    


With Jenna

Year 2015

Hi I'm Mara 10 years old ako nung 2015...nung mga panahon na yon wala pa akong alam sa best friend best friend na yan...dati kasi para sakin best friend ko kapag lagi kong kasama.

Wala pa akong pake dati sa mga taong naka paligid sakin...yung tipong kahit mawala sila wala akong pake...

Basta para sakin..kaibigan ko lahat ng nasa paligid ko..

I was in grade 4 when I meet Irish..akala ko nun magiging true friend ko sya..pero nung tumagal tagal lumabo na...

Tinuring ko rin sya nun na best friend..kasi yun yung akala ko...pero hindi pala..

Sa parehong taon...naging malapit din ako kay Jenna

isa rin si Jenna sa mga tinuring kong best friend...as in sya lang talaga yung pinaka tinuring kong best friend nun...

Kasi sya yung lagi kong kasama...sya yung lagi kong karamay...at sya lang yung pinagkakatiwalaan ko... sa kanya ko lang sinasabi yung mga sikreto ko...

Naalala ko nung sinabi ng teacher namin na pinaka ayaw nya yung nagtuturo sya tapos may nag dadaldalan..kaya ang ginawa namin...nagsusulat nalang sa papel..kung ano yung gustong sabihin..

Meron kami nung kaklase na gustong gusto akong kaibiganin..girl din sya...lagi nya akong binabati nun...pero minsan ko lang pinapansin...pinipilit nya talagang maging kaibigan ako..

Ginagawa nya talaga lahat ng makakaya nya..pero ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa kanya...naging friend ko naman sya..pero di nagtagal...

Naalala ko pa nun...card day namin yung ate nya yung kumuha ng card nya..bago magsimula yung meeting...pinakilala nya ko sa ate nya..

Sabi nya pa.."ate si Mara..Mara si ate..sya po yung sinasabi ko sayo na kaibigan ko.."sabay turo sakin..then ngumiti naman yung ate nya..

Mga ilang lingo yung lumipas..napa layo ulit yung loob ko sa kanya..hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ganun eii...

Basta naisipan ko nalang na wag sya pansinin..untanga ko diba..??

Tapos nagbigay sya sakin ng sulat kung pwede daw ba makipag kaibigan..

Tas sinabi ko na ewan..yun lang..😂

Baliw kasi kami ni Jenna eii...ewan ko kung trip lang ba namin yun.😂

Ok back to Jenna tayo..

kapag absent si Jenna...hindi talaga ako nagpupunta sa canteen pag recess..di ako sumasama sa iba kong kaklase..kasi si Jenna lng yung gusto ko nun kasama eii..

Lumalabas lang ako ng room kapag mag c-cr.

Simula ng makilala ko sya nagbago ako...hindi na ako yung dati na walang pake sa iba...simula ng makilala ko sya..natutunan ko na dapat ang kaibigan pinapahalagahan...

Feb. 14,2015 naisipan kong gawan sya ng letter..naiinis ako nun sa sarili ko kasi hindi ko alam kung pano ko sisimulan...pero natapos ko pa rin naman...basta sinulat ko kung ano yung gusto kong sabihin sa kanya...nagpasalamat dahil naging kaibigan ko sya...pati nag sorry sa mga maling bahay na nangyari samin...

Ilang araw na nalang magbabakasyon na...nalulungkot kami ni Jenna na baka sa susunod na pasukan hindi kami magkaklase..kaya dinasal talaga namin na sana magkaklase pa rin Kami...

Nagpromise kami sa isa't isa na kahit di kami magkaklase sa susunod na pasukan...mananatili pa rin kaming magkaibigan...

Then ayun na nga...dumating na yung araw ng fare well na namin...

Matapos nung araw na yun...nawalan kami ng conversation...kasi di sya laging nag o-online..ako din naman...minsan online sya pero ako naman yung hindi...

----------------------------------------------------------

Sana patuloy nyo pa rin suportahan..

I-share nyo rin toh sa mga friends nyo...pero di ko naman kayo pinipilit kung ayaw nyo.😊

Best FriendWhere stories live. Discover now