~2016-2017

3 0 0
                                    

                 With Jenna,Jea,Louie and Nicole
                                         (Jorta)

-----------------------------------------------------------

Ilang days nalang enrolan na...pero wala pa rin kaming pang enrol...

Akala ko nun malilipat na ako sa public school...kasi 2 days nalang tapos na enrolan...

Hanggang sa dumating na yung last day ng enrolan...paggising ko dapat sasabihan ko yung parents ko na last day na nung time na yun...

Pero di ko sila makita sa bahay...nagtanong ako sa tita ko kung nasan sila...sabi ng tita ko lumuwas daw para mag-enroll..nasa Laguna kasi kami tuwing bakasyon..kaya lumuluwas pa pag mag-eenroll

And then...dumating na din yung first day ng school...

Pagdating ko sa school...nagkita agad kami  ni Jenna then syempre..nagyakapan tapos habang naglalakad kami nagkukuwentuhan...

We decided na sabay na kami maghanap ng section namin...inuna namin tignan sa section 1 pero wala..pagkatapos sa section 2..nakita namin dun yung name ni Jenna pero ako wala...

Nalungkot kami nun kasi di kami magkaklase...

Sabi ko sa kanya samahan nya ako maghanap ng section ko...

A few minute had passed but we still not know my room...

Buti nalang di pa nakakaalis yung mama ko...so sinabi namin sa mama ko na wala sa listahan yung name ko..

Tinanong ni mama si Jenna kung san yung room nya...then nakiusap nalang si mama dun sa teacher na dun nalang din ako room ni Jenna...

Pumayag naman yung teacher...ang saya saya namin nun...

Pagpasok ko ng pinto...nag hi agad sakin yung girl sa gustong gusto akong maging kaibigan...nginitian ko naman sya...and umupo na agad sa tabi ni Jenna...

Pag-upo namin...ang saya saya pa rin namin...kasi akala namin di kami magkaklase...

Late na kasi nag-enroll si mama kaya di napa sama sa listahan yung name ko...

Maya maya..dumating yung principal...tinanong yung teacher kung ilan kaming students sa room...

Sabi ni ma'am 43

Napaisip muna yung principal...bago nagsalita ulit..

Ang sabi nya...dun daw sa section 4 halos puro lalaki...onti lang ang babae...kaya ang sabi nya...ilipat nalang daw yung 3 babae..

Tinignan ni ma'am kaming lahat...nag-isip sya kung sino yung ililipat nya...nakatawag na sya ng 2...
Then maya maya tinawag nya rin ako...sabi nya kung ok lang ba daw na ilipat ako...

Nag-aalangan sya kasi nakiusap sa kanya si mama eii..bago nya ko palipatin...nag-isip muna ulit sya..ang sabi nya...sabihin ko nalang daw kay mama na sobra daw kasi ng tatlo sa section 4 kaya 'ko nilipat...nag  opo naman ako...at dumiretso na sa section 4..

Na disappointed ako nun...kasi akala ko ok na yung usapan nila ng mama ko..

Pagpasok ko dun sa section 4 ang init...sobra...tapos puro lalaki nga talaga halos...tapos ang gulo...madilim...di maaliwalas tignan...

***********
Pagka uwi ko...sinabi ko agad kay mama yun...tapos tinanong nya ko kung ok lang ba sakin..??sinabi ko na mainit sa room...tapos madilim...

Sabi nya naman...pupunta daw sya bukas para pakiusapan ulit yung teacher...

Bawal kasi ako sa masyadong mainit...may hika kasi ako dati...

Best FriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora