CHAPTER 23: Center of Attraction

38 0 0
                                    

Yoobin's POV
Lalaladidadidadida, oh yeah yeah~~

Lalalalalalalalafalalalalalalala, walang magawa. =__=

Hmmm...kausapin ko na lang muna ang salamin.

"Oy Yoobin? Ba't ang ganda mo?" tanong ko sa salamin. "Oo maganda ka nga pero di ka naman gusto ni Axle." respond ng salamin sa akin. Hays. Bakit nga kaya ayaw sa akin ni Axle? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then wh---

*tok tok*

Epaaaal.

"Sino yan?"

"Seo."

"Pasok." at ayun, pumasok na nga sya at sabay higa sa kama ko. "Alam mo pabibo ka. Nagmomoment ako dito mag isa tapos bigla kang eentrada."

"Sungit nito. Nahawa ka ba sa 'Axle Flu'?"

"Hay nako. Wag mo ngang banggitin yan. Nabwibwiset ako."

"Hahaha. By the way, humihingi nga pala ng help sa atin si Calvin."

"Help?"

"Oo. Help as in tulong."

"Bakit daw?"

"Di sinabi eh, bukas na lang daw nya sasabihin sa atin."

"Okay. Teka, andyan na ba si Yuu Anne?"

"Oo. Kadarating lang."

Pagkasabi ni Seo na dumating na si Yuu Anne, pumunta na ako sa baba at nakita ko ngang nag-uusap si Yul at Yuu Anne sa sofa. Nakapout si Yuu Anne while si Yul nakakunot ang noo meaning nagalit na naman ang dragon. Buti naman bumalik na sa dati ung ugali nya.

"Ganun? Bigla bigla ka na lang nang-iiwan? Ano ban--"

"Sshh...wag ka maingay. Nag-uusap ung dalwa, makinig tayo. Hihi." sabi ko kay Seo kaya ayun nakinig kami sa usapan nung dalwa. Syempre, nagtago kami para di kami makita. Hehe.

"At bakit mo naman kasama ung kumag na un? Gabi na ah." -Yul

"Eeeeh, kasi may itatanong lang daw sya sa akin."

"Gaano ba kadami ung kanyang tinanong sayo at inabot kayo ng gabi ha?!"

"Eh bakit ba? At least umuwi ako ng safe."

"Kahit na! Di ka dapat sumasama dun ng mag-isa ka lang! Baka mamaya kung ano nang binabalak nung masama sayo."

"Ano ka ba? Di ako nun pag nanasahan, ikaw pwede pa."

"Awan sayo. Ah basta! Wag ka nang sasama kay Vin!"

"VIN?!"

"Vin. As in Calvin. Duh."

"Wow. May nickname na pala sya sayo. How sweet naman."

"Anong sweet dun? Nakakaasar lang banggitin ung kanyang pangalan kaya pinaiksi ko babo!  (stupid!!)" at ayun, umakyat na si Yul sa kwarto nya, buti na lang di kami nakita ni Seo.

"Ano daw yun?" sabi ni Seo habang nakaderp face.

"Awan. Tara nga kay Yuu Anne." umupo na kami sa sofa katabi si Yuu Anne.

"Ansaveh sa sermonan portion ninyo ni Yul? Masaya ano?" -Ako

"Nakinig kayo?" minsan ang sarap ding batukan nito ni Yuu Anne sa sobrang obvious ng tanong eh 'no?

Opposite Attracts (Me and You)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora