take thirty (last chapter)

Start from the beginning
                                    

"Kaya lang naman ako pumayag na sumama rito...eh dahil may cancer...may cancer ako," humagulgol na sambit ko. Kitang-kita ko kung pa'nong natigilan si Lucio sa narinig. Namula ang kanyang mga mata at naikuyom niya pa ang kamao. Maya-maya pa ay masagana na ring tumulo ang luha sa mga mata niya.

Kung sabihin ko rin kaya sa'yo ito ng harapan, ano kaya ang magiging reaksyon mo, Andrew?

"What the heck, Nicole! For one month, nakaya mong hindi sabihin sa'kin? Bestfriend mo ako! Akala ko, sumama ka kasi binibigyan mo na ako ng pagkakataong ipakita sa'yo na kaya kong higitan si Andrew, na kaya kong iparamdam sa'yo ang pagmamahal na kaya niyang ibigay pero ano 'to? Tinago mo sa'kin 'to?" Na-ihilamos niya na ang palad sa mukha at nanginginig na tumingin sa'kin. Wala akong ibang magawa kundi ang lumuha dahil alam ko namang mali ako.

"I-I'm...so...rry," paputol-putol na sagot ko.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang magkasakit ako. Hindi ko sinasadya.

Habang tinitingnan ko si Lucio, ikaw ang naiisip ko. Kung nasasaktan na nga akong makitang nagkakaganito ang bestfriend ko, pa'no na lang ikaw? Baka hindi ko kayanin. Siguro nga, tama na rin ang naging desisyon kong paniwalaing si Lucio ang pinipili ko kasi mas masasaktan ka kapag nalaman mo 'to. Sa unang pagkakataon, mukhang tumama rin ako sa wakas.

"Kailan pa? Nagpa-check up ka na? Baka maagapan pa. We're here in US, everything's possible here," muling sambit ni Lucio. Ginagap niya ang kamay ko at marahang pinisil ito.

"No, Lucio. Kahit anong gawin natin, mamamatay pa rin ako. Yes, it may prolong my life. For how many? Months, years? Hindi ko kaya. I can't bear that. Kahit anong gawin natin, mamamatay pa rin ako. Let's just accept it..." maluha-luhang sagot ko.

Tulirong bumitaw si Lucio sa pagkakahawak sa kamay ko at yumuko. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagka-gano'n. Nabalik lang ako sa wisyo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming nagtinginan ni Lucio. Kinuha ko ito mula sa coffee table at tiningnan ang screen. Isang overseas call.

Kahit nagdadalawang-isip ay sinagot ko na ang tawag at nanlaki na lang ang mata ko nang marinig kung sino ang tumawag sa'kin.

"Julienne!" sigaw ng nasa kabilang linya. Halos mabutas na nga ang eardrum ko sa lakas ng sigaw nito. Isa lang ang kilala kong ganito, si Jessie. Isang biology student, pre-med. Kaklase ko sa Natural Science dati.

"Jessie?"

"I'm sorry! Patawarin mo ako. I'm sorry talaga! Hindi ko naman kasi sinasadya 'yun, nagka--" Nakakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya kaya agad ko munang pinutol ang kwento niya.

"Teka nga. Pa'no mo nakuha ang contact ko?"

"Kay Andrew, nasa kanya ang phone mo eh," masayang turan niya. Napalunok ako. The mere mentioning of your name makes me shiver in pain.

"Bakit ka napatawag?"

"Kasi ano, gusto kong mag-sorry. May facts na na-omit ako. Busy kasi ako nang tinext mo ako tungkol du'n sa problema mo. Hindi ko nakitang may period ka pala nang mga panahong 'yun, hindi ko nabasa eh. Masyadong maraming ang iniisip ko ng mga panahon na 'yun kaya nag-jumble na sa utak ko ang mga pinag-aaralan ko," may bakas ng panghihinayang na sambit nito. Muling kumunot ang noo ko. Si Lucio naman ay nakatingin lang sa'kin ng diretso.

"Eh ano naman kung may period ako nu'n? Will that change anything? Hindi naman, 'diba?"

"Of course, it will change everything!" masayang sambit niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Eh ano?"

"Binasa ko ulit 'yung concern mo. At inaral ko rin ang possibilities. I saw the possibility that a woman's breast can be lumpy whenever she have a period. Teka, nagpa-mamogram ka na ba?"

KuyaWhere stories live. Discover now