take one (andrew)

605K 6.9K 2.9K
                                    

A cliche story, I swear.

----x

Kuya, pakiabot nga nun.

Kuya aalis muna ako.

Kuya bibili ako ng pagkain.

Kuya, gawa mo naman ako ng assignment.

Napakamot na lang ako sa ulo sa sunud-sunod na pag-uulit ng takteng tawag na yan. Unli ka ba? Makatawag ka naman, wagas pa. Buti sana kung sa pangalan mo ko tinatawag, eh hindi naman.

Kuya. Kuya. Kuya.

Rinding rindi na ako Juniper!

Bakit ba di mo maintindihan na yang tawag mo sakin na yan ang pinaka-kinamumuhian ko sa lahat?

Bakit?

Simple lang, dahil yan ang tawag mo sa'kin.

Takte naman Juniper!

Utang na loob, isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo ah? Ba't kuya ang tawag mo sa'kin? Hindi naman kita kapatid, di nga tayo magkapamilya e.

Bakit sina Jan, Paulo at Dagul? Ba't di mo sila tinatawag na kuya? Dahil ba mas pogi sila? Dahil ba mas may appeal sila? Dahil ba mas type mo sila?

Tangna, ba't ako hindi?

Gwapo naman ako ah, may dating naman ako. Ba't di na lang ako ang maging type mo?

Ba't di mo mapansin? Ba't mukhang ayaw mo sa'kin.

Di nga na-friend zoned . . . na-kuya zoned naman. Mas masaklap yun, alam mo ba hah? Mas masakit yun. Potek, nakakainis na pero ano bang maggagawa ko?

Eh sa gusto kita eh. Tangna, ba't ba ikaw pa?

Kulot buhok mo, mataba ka pa tapos ano, tinatawag mo pa kong kuya?

Hindi naman ako driver ng jeep na pinag-aabutan mo ng pamasahe mo. Di rin ako tindero ng kwek-kwek na binibilhan mo tuwing uwian. At lalong di naman ako yung tabain mong pinsan na sumusundo sa'yo kapag late ka na umuuwi.

Juniper, ako si Andrew. Andrew, hindi KUYA kundi Andrew. Dalawa lang din naman ang syllables nun ah? Di naman mahaba.

Kuya ka ng kuya, mukha ka ng kuya. Tsk.

"Itagay mo na lang yan tol, ano? Inuman tayo?" Alok ng isa kong alcoholic na kaibigan na si Jan. Inirapan ko lang sya, ang adik nya eh.

"Si Juniper na naman iniisip mo no?" Anas ng playboy kong kaibigan na si Paulo. Jusko, bakit ganito mga kaibigan ko?

"Naririndi ka kasi laging kuya tawag sa'yo." Sabat naman ng Psychology Major na si Dagul, hindi sya pandak pero tawag natin sa kanya, Dagul. Mukha kasi syang Dagul, ang hilig sa maliliit.

"Ewan ko sa inyo! Di kayo nakakatulong eh." Sagot ko na lang sa kanila habang binabasa ang mga text mo sakin na puro kuya lang naman ang laman. Huy Juniper, wala ka na bang ibang alam na sabihin?

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila ng tropa sa'kin. Di na ko nakapalag kaya sumunod na lang ako sa kanila. Nakarating kami sa ilalim na puno ng Acacia, dito madalas tumambay ang barkada pag tumotoma. Alam mo yun diba? Kasi minsan ka na ring nakitambay dito?

Patago lang kami kung uminom dito, bakit? Nasa loob ito ng school.

Bihira lang naman kasing dumaan ang mga tao dito sa puno na to kasi medyo liblib na din ang lugar na ito, siguro nga eh kami-kami lang namang tatlo ang madalas dito eh. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang katambak na bote ng beer at kung ano-ano pang bote ng alcohol dito.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon