Chapter 13 Mom Soon

1.2K 37 1
                                    

Chapter 13

"Asan na yung mga bisita"? tanong ko sa asawa ng makitang nasa kuwarto ako.

"Nahimatay ka sa simbahan kanina kaya they decided na iuwi na lang muna kita dito sa bahay"! sabi ni Wyngard habang hawak niya ako sa kamay.

Suot pa din niya yung suit nya.

At naka wedding gown pa din ako!

"Nahilo lang ako"! sabi ko na lang

"Na-istress ba kita"?

"Wala nga akong ginawa di ba"! nangingiti kong sabi.

"Hey wait! Hindi ka pa nagkaka-monthly period"! mas siya pa yung naka-alala na dapat nagkaroon na ako ng monthly visit ko last week pa.

Alam niya kasi sinasabi ko naman.

Siguro dahil sa naging busy siya for the preparations for our wedding hindi ko nasabi na delayed ako and besides this time hindi na ako nag-expect.

"Hindi pa"! casual ko lang na sabi.

"We need to see a doctor right now"! bigla parang gusto niya akong buhatin at dalhin sa doctor.

"I'm okey now! Pumunta na tayo sa reception" sabi ko, although kahit ako na- eexcite ng malaman ang dahilan kung bakit lagi akong nahihilo lately.

"Hindi tayo pupunta dun until hindi natin nalalaman if you're pregnant or not"! madiing sabi ni Wyngard.

"Nakakahiya sa mga bisita"! apila ko naman

"They would understand"! sabi niya habang nagda-dial ng numero. After a few seconds may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello ate ibili mo ako ng pregnancy kit"! utos niya sa ate niya.

"Hey! Masyado pang maaga" saway ko naman.

"We need to know"! he insist

"Para lang ma-disappoint ulit" sabi ko, Ilang beses na nga ba kaming nakaramdam ng disappointment.

Ilang beses na kasing na-false alarm!

"Think positive lang baby"! he said habang hinihimas ang buhok ko.

"Okey! Pero gusto kong pumunta sa reception" insist ko naman.

"Let's make a deal! Kapag nakapag-check ka na tsaka tayo pupunta"! sabi niya.

Dahil wala namang choice pumayag na din ako.

"Kapag nagka-baby na tayo hindi ka na magwo-work"! sabi ni Wyngard.

"Sayang yung trabaho ko"! apila ko pa din.

"I want you to be a full time mom"!

"Pero paano ako tutulong sayo sa mga finances natin"! bigay katwiran ko.

"May trabaho naman ako and besides may sideline pa sa business ni Papa"

"Paano kung hindi sapat"?

"Ako yung lalake kaya ako dapat ang magprovide lahat ng kailangan mo at ng mga magiging anak natin" seryoso niyang sabi.

Sa bagay na yun hindi ko na kinontra, alam ko naman na hindi ako mananalo.

Sasagot pa sana ako ng biglang iluwa ng pinto ang ate ni Wyngard.

Ngiting- ngiti siya!

"Positive yan"! sabi pa niya sabay abot sa akin ng kit.

"Sana"! sabi ko na lang.

"Bumalik ka na sa reception ate, nakakahiya sa mga bisita" taboy ni Wyngard sa ate niya.

"Gusto kong malaman yung result"!

"Later Ate"! sabi ni Wyngard tsaka itinulak ang kapatid palabas ng kuwarto.

"Think positive baby! I-claim na natin yung blessing"! sabi ni Wyngard bago ako hinalikan sa labi.

"Tulungan mo ako"! natatawa kong sabi. Hindi ko kasi alam kung paano iihi nang naka-wedding gown sa sobrang excitement nakalimutan ko nang mahihirapan akong umihi wearing this one piece gown.

"Hey wait! Baka matumba ka"! sabi ni Wyngard habang hinuhubad yung gown ko.

"Bilisan mo at maiihi na ako"! sabi ko naman, kung may nakakakita lang siguro sa amin, malamang pinagtawanan na kami.

Awkward kasi yung eksena namin!

Nang mahubad niya totally yung gown kong suot.

"Huwag na nga kaya tayong bumalik sa reception"! pilyong sabi pa ng asawa ko bago kumindat sa akin.

"Tse"! sabi ko tsaka umiirap sa kanya.

Without any hesitation, hinubo ko yung panty ko sa harap niya. There's no point para mahiya.

"Baby naman eh! Iayos mo yung hawak mo sa tabo" sita ko kay Wyngard. Obvious naman kasi na nagnginginig yung kamay niya.

"I'm nervous"! sabi niya habang nakangiti.

Kung kinakabahan siya!

Mas doble yung nerbyos na nararamdaman ko.

I've been waiting for this blessing.

"Nihihilo ako"! sabi ko ng makaramdam ulit ako ng pagkahilo.

Attentive naman siya na tinulungan pa niya akong tumayo, at siya na din ang nagtaas ng panty ko.And without saying anything, binuhat niya ako pabalik ng kama.

"Just lay down here! At kukunin ko yung urine mo"! pawisan niyang sabi.

Nakatalikod na siya ng tawagin ko ulit.

"You need anything"? tanong niya nung humarap sa akin.

"I love you baby"! sabi ko, no words can describe yung nararamdaman ko ngayon.

I'm so happy having him in my life and gusto kong laging sinasabi.

"I love you more baby"! sabi niya, bago pumunta ulit ng CR.

Ilang minuto lang,kaharap ko na ulit siya.

"Magbihis ka muna" sabi ni Wyngard at tsaka nya sinuot yung damit ko for the reception. Pakiramdam ko tuloy para akong bata na binibihisan niya.

"Now let's try this" sabi niya matapos niya akong bihisan.

Ilang beses na naming ginawa ang pag- test pero iba yung pakiramdam ko this time.

And he's right iki-claim ko na ang blessing na to.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng finally nag-drop siya ng urine ko sa kit.

Sobrang kinakabahan ako anticipating kung ano ang resulta.

Hindi din naman agad nagsalita si Wyngard.

"Nakita mo na ang result baby"? tanong ko pero nakapikit pa din.

Ilang segundo na hindi siya umimik, lalo tuloy akong kinabahan.

Until finally!Sinabi niyang

"Thanks for this wonderful blessing Bro!"

Tsaka lang ako nagmulat ng mata and then I saw the pregnancy kit na may dalawang guhit.

It's positive!

I'm going to be a MOM soon!

Friends With Benefits (Friend Zone 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon