Chapter 6 Disappointments

2.2K 33 2
                                    

Chapter 6

**LEANNE's POV**

"Ang stupid ko ba"? tanong ko kay Maisie. I'm back to work again pero naiwan pa si Wyngard sa Sta. Maria, may importanteng tao pa daw siyang kaka-usapin pero babalik na din dito sa Manila after.

"Ay naku Leanne! Kung pwede lang kitang batukan ng pagkalakas lakas para matauhan ka, siguro matagal ko ng ginawa"! naiiling na sabi ni Maisie .

"Mas magiging madali para sa aming dalawa kapag ganun ang sitwasyon"!

"Kelan pa naging madali ang maging kept wife Leanne! Asawa ka nya at hindi parausan lang"! masakit yung sinabi ni Maisie pero tama lang yung sinabi niya.

Ayaw ni Maisie sa set-up namin ni Wyngard! Mas ginawa ko daw kasing kumplikado ang lahat,

"Sabihin na nating masaya ka! Kasi sabi mo nga mahal mo siya! Pero sana hindi ka pumayag sa friends with benefits na yan! Na everytime na kailangan niyang mag-release ng init ng katawan ikaw yung pupuntahan niya"!

"Shhhhh! Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo" saway ko kay Maisie.

"Pwede naman kasi na pumayag ka na lang na magsama kayo sa isang bahay! Mag-asawa pa din naman kayo"! medyo mahina na ang tono ni Maisie this time.

"Okey na sa akin yung ganitong set-up! Paano kung hindi ko pala siya kayang bigyan ng anak tapos iwan lang niya ako" bigay katwiran ko naman.

" Ayan ka na naman sa negative mong pag-iisip eh"!

"Nagiging practical lang ako!"

"Pero sa nangyayari ikaw yung talo! Hindi lang kasi puso mo ang naka-invest ngayon kundi pati yang katawan mo"! sabi ulit ni Maisie

Sandali akong hindi nakapagsalita!

Wala na kasi akong masabi sa mga sinabi ni Maisie dahil tama naman siya sa lahat ng sinabi niya.

"Never pa niyang sinabi na mahal ka nya"? tanong ni Maisie.

"Kung sinabi niya na mahal niya ako nung gabing iyon!Pwede naman na i-consider na magsama kami ulit sa iisang bahay pero wala siyang sinasabi"! sabi ko na lang. Kasi iyon lang naman talaga ang hinihintay ko, but unfortunately hindi nga nangyari.

"Nasabi mo na ba sa kanya na mahal mo siya"? tanong ulit ni Maisie.

"Gusto ko sana kaya lang sa tuwing maiisip ko na wala naman akong puwang sa puso niya, bakit pa? Okey na ako sa magiging set-up namin! Kapag nabuntis niya ako, tsaka na lang ulit ako magdedesisyon"!

"Tapos sasabihin nyo sa akin na magsasama kayo ulit para sa bata! Sana dumating yung araw na maging matapang ka para ilaban yang feelings mo!" naiiling na sabi ni Maisie.

Yun naman dapat talaga ang plano ko eh!

Liligawan ko pa nga sana siya !

But twist of fate ganito na yung set-up naming bigla.

Stupid na ako kung stupid!

Pero hindi maitatanggi na masaya ako sa tuwing nag-niniig kami ni Wyngard.

Dahil everytime na kasama ko siya at nagiging isa kami!

Nadadaya ko ang sarili ko na baka nga mahal niya ako!

Na baka darating yung araw na mamahalin niya din ako!

Parausan na kung parausan!

Pero masaya ako!

**WYNGARD's POV**

"I'm sorry if I failed all of you"! sabi ko habang kaharap ko ang mga magulang namin ni Leanne. Sinadya kong hindi sabayan si Leanne pagluwas ng Maynila dahil gusto ko pa silang maka-usap.

Friends With Benefits (Friend Zone 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن