Chapter 2 Sa Kubo ni Lolo

4.5K 41 2
                                    

**LEANNE's POV**

I don't know if this is fate pero parang pinaglalaruan kami ng tadhana!

At pilit pinaglalapit ng pagkakataon.

Kung bakit sa dami ng lalaking makikita ko ngayon

It was him pa.

Hindi pa man din ako ready na makita siya.

Although darating naman kami talaga sa puntong magkakaharap kami ulit but hindi ko ini-expect na ganito kaaga.

Two years was not enough para makalimutan namin pareho ang mga nangyari.

And how dare him para offeran ako ng friendship ngayon Gayong nung magdecide ako na maging bestfriend na lang kami,siya itong may ayaw!

Magkalimutan na daw kami!

Siya na nga ang binigyan ko na ng pabor para maging malaya sa pakikipagrelasyon kay Ella, siya pa yung galit!

Siya pa itong may ganang lumayo papuntang America!

I gave up our marriage para sumaya siya!Kahit na ang totoo iyon ang pinakamasakit na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko!

Tinalikuran ko yung taong mahal ko kahit na alam kong nasa akin ang karapatang angkinin siya.

Pero inisip ko din na magiging selfish ako kung papatagalin ko pa !

And besides dinig na dinig ko ang usapan nila ni Ella.

May plano na sila for their future!

At wala akong dahilan para hadlangan si Wyngard!Maaring akin ang apelyedo niya pero hindi ang puso niya.

Mahal niya ako!

Given na yun!

Pero bilang kaibigan lang!

With our current situation sana nga posible pang maduksungan yung friendship namin.

Kahit for the sake na hindi namin mabigyan ng sama ng loob ang mga nanay namin.

Kahit na till now hindi ko pa din ma-gets kung bakit hindi ko pwedeng sabihin kila Mama ang totoong estado nang marriage naming dalawa.

And worst! Everytime na binabanggit ni Papa ang tungkol sa pag-aasawa nagi-guilty na ako!

For two years pareho naming niloloko ang mga nanay namin, na okey kami!

All the while akala nila nagpunta si Wyngard sa America para sa trabaho!

Ka-kailanganin pa tuloy naming magpanggap ngayong parehas kaming nasa probinsya.

Wala pa kami sa kalagitnaan ng paglabas sa ilog nang biglang lumakas ang ulan.

Halos sunod-sunod din ang pagkulog at pagkidlat kaya pansunod din ang pagyakap ko sa kanya.

"Dun muna tayo sa kubo ni Lolo Damian" lucky enough ilang hakbang na lang ang kubong sinasabi niya mula sa pwesto namin.

Si Lolo Damian yung nanghula sa amin noon, kami daw ang magkakatuluyan! Siya din yung nagsabi na hindi magiging madali sa umpisa yung magiging pagsasama namin kaya maghihiwalay din kami pero tadhana yung magbabalik sa amin pabalik sa isa't isa.

Kami daw ang nakatakda sa talaan ni Kupido.

I don't believed him, pero ngayong andito kami ulit sa kubo niya, para tuloy gusto ko ng maniwala.

At talagang dito pa kami sa kubo niya dinala ng pagkakataon.

"Lolo Damian! Lolo Damian"! tawag ni Wyngard sa pangalan ng matanda. Pero walang sumasagot.

Friends With Benefits (Friend Zone 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon