CHAPTER 40

41.1K 615 16
                                    

Angeline POV

Naging masaya ang pagsasama namin ng asawa ko sa isang buwan na lumipas at alam kung bumabawi siya sa akin dahil halos araw-araw na kaming mag-date, kahit saan niya ako dinadala mapa resort for short vacation. Gumawa rin kami ng instagram account bawat isa, hindi pa nga gusto ni Lance pero na pilit ko rin siya na gumawa. My account was @Angeline_Montefalco and Lance was @Montefalco_Lance.


Ang una kung post sa instagram ay picture namin na nakatingin kami sa isa"t-isa habang ang isang kamay ni Lance ay nakayakap sa akin tapos ang caption ng picture ay "Thanks for making me happy, Love.". Habang si Lance, nag-post din sa instagram na ako ang nasa picture pero nakatagilid ako kaya half face lang makikita sa picture pero ang ganda ng pagkakakuha niya at ang nasa caption ay "My Half, My Love, and My Everything." Na kina-saya ko lalo at marami na rin siyang followers at marami na ring nag-like at comment sa picture na yon, nakita ko rin comment nila Rex, Cole, Steve at pati na rin si Marj ay nakisali at agad ko rin sila finallow at nag follow back rin sila agad.


Nandito lang kami ngayon sa bahay dahil sabado at walang trabaho sa opisina si Lance kaya nasa sala lang kami nanonood sa malaking tv naming habang naka higa naman si lance sa lap ko at sabay sinusubuhaan ko rin siya ng apple na hinati-hati ko sa malilit at may chocolate dip na kasama.



Habang nanonood kami ay biglang naisip ko na malapit nap ala ang wedding anniversary naming at gusto ko sana siyang surpresahin araaw na yon. At naalala ko pala ang suggestion na isang bagong kakakilalang kaibigan ilang buwan na kakalipas.



Biglang may tumawag sa phone ni Lance kaya napabangon siya tapos sinagot niya at nagpaalam siya na sa office lang saya kaya napa-tango na lang ako at patuloy sa pagkain ng apple na may chocolate dip. Inabot ng 30 minutes na hindi pa bumabalik ang asawa niya mula sa opisina niya kaya hindi ko rin namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa.


Lance POV

Nandito pa rin ako sa loob ng opisina ko dahil tumawag ang secretary ko sa MGC at sinabi niya na kailangan ako sa Palawan for final preparation para sa nalalapit na opening ng bagong resort na "Angelirr Paradise Resort", kapapalit ko lang ng pangalan nito at originally "Paradise Resort" lang dapat ang tawag rito pero simula ng magkaayos na kami ng asawa ko ay pinabago ko na ito combination ng pangalan naming dalawa.



Ng matapos ko na ang tawag ay lumabas din agad ako para bumalik sa sala pero nadatnan ko doon na natutulog ang asawa ko na may hawak pa ng tinidor na may apple na may choco dip. Napangiti na lang ako at binuhat ko siya kaya nagising siya pero pinatulog ko rin siya agad at dinala ko na sa kwarto namin. Lumabas din agad ako at dumiretsyo sa opisina at inayos ang kailanganin ko para sa opening ng Angelirr Paradise Resort.


Balak kung isama si Angeline para hindi siya maiwan dito ng mag-isa kahit na saglit lang ako doon at ayaw ko rin namang iwan siya dito.


Nagpa-deliver na lang din ako ng makakain namin sa hapunan.


Angeline POV

Mag-aalas syete na ng magising ako at nakita ko si Lance na kakalabas lang ng banyo at bagong ligo.

"Kakain na tayo, nagpadeliver na lang ako ng pagkain" sabi niya habang pinapatuyo ang buhok niya.

"Bakit hindi mo na lang ako ginising para nakapagluto ako"

"Ayokong gisingin ka at ang hingbing kaya ng tulog mo. Tulo layaw ka nga eh hahaha" pabirong sabi niya at sinuot ang sando niya.


Dahil bigla akong nainis ay dali-dali akong sumangpa sa likod niya at niyakap ko ang braso ko sa sa leeg niya.


"Sino tulo layaw ha. . . ha. .?!" sabi ko na pagalit kunwari at sabay lahit ng marami sa pisngi niya.


Nagtawanan lang kami habang pasan pa rin niya ako sa likod niya at binibiro pa niya akong ihuhulog pero agad rin niya ako hahawakan. Bumaba kami sa baba at dumiretsyo sa kusina na pasan pa rin niya ako sa likod niya.
Nang kumakain na kami ng pinadeliver niyang pagkain ay tinawag niya ako.


"Wife!, I need to go back in Palawan for final preparation for opening of our new resort"

Napatigil ako sa pagkain at tinignan ko lang siya.

"Kailan ka aalis?" sabi ko sa kanya na malungkot.

"Sa susunod na araw na at isasama naman kita kung gusto mo"

Biglang sumaya ako ng malamang gusto niya ako sumama sa Palawan kaya sumagot agad siya.

"Sasama ako Lance, pero may pasok pala ako sa D'Sung"


"As much as possible wife, you don't have to work. I can buy whatever you want."

"Pero nagtratrabaho naman ako dahil gusto ko at wala naman akong ginagawa ditto sa bahay pero I'll think about that"


Nagtuloy lang kaming kumain sa gabing iyon.

Author~nim POV

Dumating ang araw ng pagpunta nila sa Palawan at sakay ng privae plane nila Lance at hindi gaano katagal ay nakarating din sila tapos dumiretsyo sila sa Coron kung saan nakatayo ang kanilang bagong gawang resort.


Sinalubong sila ng mga empleyado doon at gulat si Angeline sa pangalan ng resort na "Angelirr"tapos niyakap niya si Lance at nginitian lang niya ito pabalik.


Wala pang katao-tao dahil hindi pa siya officially open kaya mga empleyado at bilang lang na tao na mga investor pala ng MGC ang nandito sa resort. Magkahawak kamay silang nagmasyal sa boung resort at pinagtitinginan kami mapa investors o empleyado pero hindi na lang namin pinansin at nagpatuloy sa pag-iikot.



Magtatanghalian na ng makarating sila sa dalawang palapag na private villa ni Lance gawa sa matibay na kahoy na sementado ang pader na malapit sa dagat at may duyan din na nakaharap sa dagat, medyo malayo ang private villa ni Lance sa pinaka-resort pero nalalakad naman at mas tahimik dito tapos mas gusto ko dito dahil kami lang ni Lance dito hindi pwede puntahan sa parte ng island na yon kung baga off limit dahil na rin sa kahoy na bakod nito. May suite naman si Lance sa resort pero sa villa niya ito dinala.


Kumain na rin sila tapos nagpahinga bago bumalik sa resort para simulan ang preparation. Magkasama ma silang bumalik sa resort at sinalubong sila ng mga investor at pumasok sila sa isang function hall at may malaking lamesa na pahaba at maraming upuan. Umupo si Lance sa gitna pero tumayo din ng makitang nakatayo pa si Angeline kaya agad siyang nagtawag ng staff at inutusang maglagay ng isa pang upuan sa tabi niya. Una niyang pinaupo ang asawa niya bago siya umupo at kita kay Angeline ang pagkailang dahil sa tingin ng mga taong nasa loob noon bukod sa secretary ni Lance na nameet niya lang kanina.



Hindi pa nagsisimula ang meeting ng may pumasok na babaeng naka-summer dress at umupo sa kalapit na upuan sa pwesto nila ni Lance. Nakatinginan lang sila ng babae at namukhaan ko siya ni Angeline, hindi niya akalain na si Rebecca pa la na kaibigan niya noong college sila pero tinarayan lang siya at kina-usap ang katabing investor.


Nanahimik na lang si Angeline at tumayo naman si Lance at pinakilala ang asawa niya sa mga investor at mabait naman si Angeline na ngumiti at masuyong nagpakilala.


NEXT CHAPTER

Don't forget to Vote and Comments...

P.S. (gawa-gawa lang yong mga username ng Instagram account nila. Hindi po iyon totoo)

Happy Reading!!!!

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon