CHAPTER 4

48.6K 974 49
                                    


Angeline POV

Naglilinis ako ng bahay sa sala, kitchen, garden, swimming pool, bathroom at sa mga kwarto ko pati na rin kwarto ni Lance nilinis ko na rin.

Pagpasok ko sa kwarto niya. Namilog na lang ang aking mga mata ng makitang para binagyo, nagsikalat ang mga papeles, lamp shade, books pati na rin collection niya na mini cars. Lahat inayos ko sa dating ayos, nilabhan ko na rin yong mga labahan niya para isahan na lang ang labahan.

Pagkatapos kong linisin at ayusin ang kwarto niya ay naglaba na ako, inuna ko yong kay lance ng may nakita ako sa isa sa mga polo niya na may lipstick stained biglang nanikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko at nagbabadya na rin ang luhang pinipigilan ko pa kanina. Matagal ko nang alam na nambabae siya pero masakit isipin na makita ang proweba na tunay ang sinasabi ni Marj tungkol sa asawa ko.

(si Marj ay isa sa mga bestfriend ko at katrabaho ko dati noong nagtratrabaho pa ako sa fashion industry).

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalaba kahit kumikirot ito right arm ko at medyo na mumula pa ito pero binalewala ko na lang.

Ala sais na ng gabi ako natapos kaya dumiretso ako sa kusina para magluto ng hapunan, caldereta ang linuto ko, favorite din yan ni Lance habang nagluluto ako biglang nakaramdam ako ng hilo kaya napa-upo muna ako sa upuan at uminom ng water para mahimasmasan ako at bumalik sa pagluluto.

After 30 minutes ay natapos na akong magluto at na unang kumain kasi eto pa lang ang unang pagkain ko sa buong araw kasi pinagpatuloy ko lang maghapon ang paglilinis dito sa bahay. After kung kumain ay hinugasan ko lang ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto, naligo at natulog na ako kasi sobrang napagod ako sa araw na ito.

"aaahhhhh!!!" sigaw ko ng maramdaman kong may sumabunot sa akin at pilit akong ibinangon sa pagkakatulog ko at lumabas kami sa kwarto

"sino nagsabing pumasok ka sa akin kwarto.... You bitch!!" sigaw niya sa akin, sinampal at sinuntok niya ako sa tiyan.

Nawalan ako ng lakas doon sa pagsikmura niya sa akin kaya napahiga ako at pinagtatadyakan ako sa may hita.

"ulitin mo pa yon pakikielam mo baka lumpuhin na kita sa susunod"  sigaw niya bago siya lumabas ng bahay.

Umiiyak ako kanina pa, halos mag-iisang oras na dito sa labas ng kwarto at wala akong lakas para tumayo, nanghihina na rin ako.

Dalawang oras na ang lumipas, nakahiga pa rin ako rito sa labas ng kwarto ko, pinilit ko na lang gumapang hanggang pintuan ko. Sa sobrang sakit parang namamanhid yong kaliwa kung paa, nasa tapat na ako ng pinto at gumapang pa rin ako. Hindi ko na kinaya kaya sumandal na lang ako sa gilid ng pinto, nahihilo na rin ako, nauuhaw pa ako at unti unting pumikit ang mga mata ko.

NEXT CHAPTER
Don't forget to Vote and Comments...


Happy Reading!!!!

😃😃😃😃😃😃

😘😘😘😘

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon