"Leandro, that day..." napalunok muna ako bago nagpatuloy. "Ella showed up that day, she wanted me to go with her for a talk. Nag-alangan ako nang mga sandaling 'yon but knowing how sincere she was for saying sorry and she's sacrificing just for us to be happy, Leandro, sumama ako para maayos na ang lahat. I know, after I drink that water I just felt myself passing out. Pagkagising ko nalang nasa kama na ako at kasama si..Duke. He was Ella's lover, ginawa ni Duke ang inutos ni Ella sa kaniya na dapat ay hubad ako kasama siya. Duke told me the truth that nothing happened between us, hindi niya raw maaatim 'yon kaya ginawa niya ang lahat mapakiusapan lang si Ella na pictures nalang naming dalawa na m-magkasama habang h-hubad" it was too hard to say every word, napakahirap lalo na at kay Leandro ko sinasabi ang lahat but I needed to say all of this para malinawan na lahat.

"She's really a cunning b itch. I didn't know she's capable of doing such things" maging siya ay hirap na magsalita.

I tried to continue talking but he stopped me. Hinila niya ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Bakit ko hinayaang mangyari ang mga bagay na 'yon. I even talked shits about you. I am so sorry, Harrietta. Please, forgive me for every word I said to you"

Napayuko ako, isiniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Doon ako lumuha ng lumuha, nanatili kaming ganoon ng ilang minuto. Magkayakap, habang hinahaplos-haplos niya ang aking buhok at ako'y patuloy parin na umiiyak.

"I love you, I never forget how much I love you,Harrietta"

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang kaming ganoon hanggang sa tumunog ang aking cellphone. Mabilis kong kinuha 'yon at napakurap ng makita ko ang pangalan ni Duke na nakarehistro roon. Hindi agad ako nakagalaw.

"Oh f uck it" mura ni Leandro nang mabasa rin ang pangalan ni Duke sa screen ng cellphone ko.

"I'll just answer it" baka importante at ang kambal. Oh Jesus Christ, I just forget my sons, what kind of mother I am!

Lumayo ako sa kaniya at bumitaw. Bumalatay ang sakit sa kaniyang mata kaya agad akong nagsabi na sasagutin ko lang at babalik rin naman.

Sa hindi kalayuan kay Leandro ako pumwesto. "Where are you!?" Duke's voice filled my ear. Halos ilayo ko ang tainga ko sa lakas ng boses niya.

"I am.." anong sasabihin ko?!

"No, don't answer it. Alam ko na" pagak na ani nito. Napalunok ako. "You are with him" tila naramdaman ko din ang sakit sa huli niyang sinabi. I am hurting him again and I am not proud of that.

"Duke..just this night,please? We just need to talk" pakiusap ko.

PERO tila sarado ang kaniyang utak. "Sabihin mo lang kung ihahanda ko na ba ang sarili ko sa matinding sakit,Harrietta. Tell me if I need to go back to Paris alone after that f ucking talking because I am telling you,Harrietta, I am done with your f ucking excuses and soothing words, tell me exactly if you don't want me anymore in your life and I'll leave without saying anything"

With that, he ended the call. Hindi niya manlang ako hinayaang makapagsalita at magpaliwanag. Kilala ko na si Duke, once he's mad sarado talaga ang utak niya. Ganoon naman yata lahat ng lalaki. Even Leandro who didn't trust me before. Bakit? May tiwala na ba siya ngayon sa akin?

Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin at naghihintay parin doon. Ngumiti siya nang makita akong nakatingin na sa kaniya. I smiled back. Tila walang nangyari pero sa loob loob ko, inuusig na ako ng aking konsensya.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at dinampot agad ang pouch ko. Hindi pa ako nagsasalita nang unahan niya ako.

"You're going?" Kunot noong tanong niya.

"I have to" mababa ang boses na ani ko.

"But I thought we're okay now? We explained our sides and we both know what happened before, Harrietta, tell me, magiging akin ka ulit"

Natahimik ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya, pilit kong siniksik sa isipan ko ang pangalan ni Duke pero habang nakikita ko ang mata ni Leandro na puno ng pag-asa at pagmamakaawa para sa akin. Tila nilalamon nanaman ako ng pagiging makasarili at alam kong makagagawa ako ng pagkakamali.

Hindi ko nakayanan, hinablot ko ang kaniyang batok at hinalikan siya. Nang una'y nagulat pa siya pero hindi rin nagtagal ay humalik na rin siya sa akin. I cried while kissing him, savoring the feeling of his lips against mine. His kisses I miss in almost five years. His both hands grabbed my waist to pulled me closer to him. Napaungol pa ako ng mas lalo niyang palalimin ang halik but I need to stop him.

Sa lakas na natitira pa sa akin ay itinulak ko siya. Napatitig siya sa akin nang hindi makapaniwala.

"Really? You kissed me first and now you're pulling away?"

Napaiwas ako ng tingin. "I have to go"

Nagmadali akong tumakbo sa pintuan ng restaurant pero napahinto ako ng magsalita siyang muli.

"Why? Don't you love me anymore,Harrietta? Do you love that asshole now?" I can feel so much pain in his voice.

Napaharap akong muli sa kaniya. "Huwag na huwag mong tatawaging ganyan si Duke,Leandro!" bumadha sa aking dibdib ang sobrang inis. Wala siyang karapatang sabihin kay Duke ang salitang 'yon dahil grabe ang sakripisyo ni Duke para sa aming mag-iina.

He laughed sarcastically. "You're protecting him, huh? He's an ass! Alam natin kung ano ang ginawa niya noon,Harrietta! Why did you let yourself be with that man?! Ang daming lalaki diyan bakit siya pa?! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon! Knowing that you are with him, sa lalaking kasamang sumira sa atin noon!"

Hindi na ako nakatiis. "Ang hindi sapat na tiwala mo sakin ang sumira sa atin Leandro! Ang pagiging duwag natin pareho ang hindi nagpatibay sa pagmamahalan natin noon! Huwag mong sisihin si Duke dahil naging kasangkapan lang siya ni Ella!"

Hindi makapaniwala siyang nakatingin sa akin. Ang tingin niyang gulat sa akin ay nawala. Wala ng mababakas na kahit anong emosyon ngayon sa mukha niya.

"Yeah, maybe it's all my fault. You can blame it all on me. I am the one who didn't trusted you, yeah, maybe this is my karma for not trusting you and being a coward. I am the real ass here. I am the one who ruined everything" pagkatapos noon ay tumalikod ito at mabilis na inunahan pa ako sa paglabas ng restaurant.

Tila doon lang nagsink in sa akin ang lahat. Nanghina ako kasabay ng aking paghagulgol sa sobra-sobrang pagsisisi at sakit na nadarama.

Nanatili ako roon, walang pakialam sa paligid. Hindi pansin ang mga mata at bulungan ng mga crew na naroon.

Pinilit kong humakbang at lumabas sa lugar na 'yon. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang nang may malalakas na kamay ang pumangko sa akin. Leandro's scent filled my nostril. Napapikit ako, hinayaan na lamang siya na buhatin ako.

"I'll bring you home. You don't have to go with him,Harrietta. Akin ka, akin ka lang at hinding-hindi ka magiging kaniya. Once you entered my life there's no in hell you can turn your back" ibinaba niya ang kaniyang labi sa aking tainga at doon ay bumulong siya. "Harrietta, I owned you, you are mine. Mananatili kang akin kahit sa ikalawang buhay mo pa"

Naramdaman ko nalang ang katawan ko, lalong-lalo na ang puso ko na sumusuko. Tama ka,Leandro, hindi ko magawang tumalikod sayo because my heart is beating for you, hindi ito titibok kung wala ka. Isa lang ang ibig sabihin n'on, ikamamatay ko kung wala ka.

Closing my eyes, thinking about what I am going to do after this, I just felt myself being whole again. Lost pieces were finally back and building my heart wholely again.


Unedited

Dedicated to:

WildRose25
simply_jessel
HunnyLC
machuute

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now