Gamay na niya ang kabayo. Alam niya kung paano ito amuhin at kung ano ang mga bagay na ayaw nito. Sanay na rin si Batik sa kanya. Alam niya sa sariling wala siyang nagawang maaaring ikapahamak nila.

"I-I knew how to ride horses, Mang Hugo. Naturuan ako sa isang maayos na riding school sa ibang bansa. Alam kong wala ako'ng ginawang mali para mangyari ito."

"Oo at naturuan kang mangabayo sa ibang bansa. Pero baguhan ka pa rin, Liberty, kaya hindi imposible ang sinasabi ko," sagot nito habang napapa-angat ang gilid ng mga labi. "Wala rin namang nakitang kahit na ano sa katawan ni Batik bilang indikasyon na sadya ito gaya ng ibig mong sabihin. Walang rason para magwala siya maliban na lang kung ang sumakay mismo ang may nagawang pagkakamali."

Her cheeks heated more. Bumuka ang kanyang mga labi para depensahan pa ang sarili pero walang salita ang namutawi. Naiinis din siya na may punto ang tiyo ni Donny. Lalo na dahil na-imbestigahan na pala ang katawan ni Batik at walang pruweba para patunayan ang hinala niya.

Sa huli, bumagsak ang kanyang mga mata sa kandungan. She felt another batch of tears coming but she fought them. Ayaw niyang magmukhang mas lalong guilty sa harapan ng mga ito.

"Sa susunod, mag-iingat ka na, Liberty. Huwag kang masyadong kampante. Kung ang tao nga mahirap pagkatiwalaan, mga hayop pa kaya..." may himig ng pagbibiro ang tono ni Mang Hugo.

Hindi niya na tinanaw pa si Mang Hugo nang magsalita.

She never really liked him. Dahil ito ang kanang-kamay ni Donny sa rancho, madalas niya ito'ng makita roon at sa bahay nila. But as much as possible she'd stay out of his way and not interact with him.

Noon pa man ay iba na ang pakiramdam niya rito. Hindi niya lang sinasabi pa kay Donny dahil ayaw naman niyang magkaroon ng problema ang dalawa dahil lang sa simple niyang pakiramdam.

"Tama na, Hugo. Huwag mo nang pasamain pa ang loob ng asawa ko," may pagbabanta na ngayon sa tinig ni Donny.

"Mas mabuti siguro kung iwanan muna natin sila Donato rito para makapagpahinga pa si Lily, Benjamin, Hugo," si Aling Mirasol bago siya muling binalingan. "Lily, magpagaling ka. Madalas ako'ng bibisita rito."

She offered her a warm and sincere smile. "Salamat po, 'nay."

Tumango ito at ngumiti rin. Maingat ito'ng yumakap sa kanya upang huwag matamaan ang kanyang pinsala habang nagpapaalam. Simpleng tango lang ang ibinigay ni Benjamin sa kanya. While Mang Hugo looked sternly at her with hooded eyes. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam na ibinibigay nito sa kanya.

Nang mapag-isa na sila ni Donny doon ay naging magaan na rin ang pakiramdam niya kahit paano. Mula sa sumarang pinto ay hinarap niya ito ngunit sinalubong siya ng malambot nitong mga labi. He kissed her tenderly. Pumikit siya at ninamnam ang mabini nitong halik sa kanya. How could a simple kiss soothe all the pain and worries away, she doesn't know.

Mapungay ang kanyang mga mata nang tumigil ito at isandal lamang ang noo sa kanya. She watched him lick his wet lips making it redder. Umangat ang isa niyang kamay para damhin ang pisngi nito.

She thought she's going to die. She's so afraid that she'll not be able to touch him like this again. She's afraid she'll not be able to kiss him again. Maikli pa ang panahong pinagsamahan nila. Hindi pa sapat para bawiin ang sampung taon na nawala mula sa kanilang dalawa.

"Damn it, you scared me to death, baby," anitong tila batang nagmamaktol sa kanya.

"I'm sorry..." dahil iyon lang naman talaga ang kaya niyang sabihin.

Suminghap ito at mariing pumikit. Umangat ang kamay nito patungo sa kamay niyang nasa pisngi nito upang mas idiin pa iyon. Pagkatapos ay kinuha nito ang kanyang palad para halikan. After raining kisses on her palm, binigyan siya nitong muli ng halik sa kanyang mga labi na marubdob niyang tinanggap.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now