CHAPTER 21

5.4K 125 35
                                    

WARNING: R18

A/N: Bago niyo ako gerahin, sa maniwala kayo o hindi kailangan siya sa istorya hahahaha! But you already know the drill if these scenes make you uncomfortable. Skip the last part na lang ;)

-----------------------------------------------------------------

She lost her ability to process what Donny told her. Masyado siyang naguguluhan sa nangyayari. Hindi niya alam kung ano ba ang una niyang dapat isipin. Ang presensiya nito roon, ang 'di pamilyar na daang tinatahak ng kabayo o ang sinabi nito sa kanya. Ngunit pansamantala siyang napakalma no'n.

His arm moved to tighten his embrace on her waist before focusing his attention on the reign. Pinatakbo nito ng mas mabilis si Bangis dahilan para salubungin din siya ng mas malakas na hangin. She's still on her two piece red bikini. But Donny's solid and warm body prevented her from feeling cold.

Wala na naman ito'ng pang-itaas na damit. Naiwanan pala niya sa dalampasigan kanina dahil sa pagpa-panic sa biglaan nitong pagdating. She didn't expect to see him today. Lalong-lalo na ang ganap na ito.

Huminto ang kabayo sa kalagitnaan ng gubat. Ang lagaslas ng tubig na bumabagsak sa talon ang nagpalingon sa kanya roon. Her eyes roamed a little more and she saw a small wooden house not far from the falls. Isang malaking puno ang nasa tabi nito at halos natatabingan pa ng mga dahon.

Bumaba si Donny sa likuran ng kabayo at sinunod siya nito. Tinangala niya ito para sana tanungin kung saan siya nito dinala. Ngunit hindi natuloy iyon nang kunin nito ang kanyang gamit bago hinila ang lubid ni Bangis patungo sa puno upang itali roon ang kabayo.

"W-Where are we?" she asked him. Ngayong malayo na ito at hindi na nababalot ng mainit na bisig, unti-unti siyang nakaramdam ng ginaw.

Patapos na ito nang tignan siya. Bumaba ang tingin nito sa kanyang paanan kaya napatingin din siya roon. Her feet were bare of any covering. Bumalik ito sa kanya para ibigay ang kanyang tsinelas. Mabilis niya iyong sinuot upang maharap ito'ng muli.

"Where is this place?"

"Nasa hacienda pa rin tayo," tipid nitong sinabi saka siya tinalikuran.

"Give me back my things, Donny! Uuwi na ako!" pagmamaktol niya habang sumusunod dito papasok sa loob ng maliit na bahay.

Sandali siyang na-distract sa tanawin ng loob nito. The bamboo flooring of the house creaked on their weights. Maayos at maaliwalas ito sa loob. Isang maliit na mesang kainan, papag at cabinet ang tanging matatagpuan sa loob.

Donny put her bag on the bed. His moves were slow and careful. Kinuha nito ang kanyang cover up saka ito nagtungo kung nasaan siya malapit sa pintuan. The dark fire on his eyes wasn't extinguished yet. If anything, it only burned brighter.

Iniabot nito sa kanya iyon. Sa wakas. Mabilis niya iyong binawi para isuot. Para naman magmukha siyang disente habang kaharap ito kahit paano.

He closed the door before facing her again. Pinagmasdan nito ang pagtatali niya sa kanyang cover up. Suminghap ito bago ibinalik sa kanyang mga mata ang tingin. His exquisite lips were in a very firm line.

Dumagundong lamang ng husto ang kanyang puso. Sila lamang dalawa nito sa bahay na iyon. Sa kalagitnaan ng gubat. Hindi na niya magawang mapakalma ang sarili.

"N-Nasaan ba talaga tayo? Why did you bring me here?" pilit niyang pinapa-tapang ang tono kahit sa loob-loob ay matindi ang kaba. It's not because she's afraid, though. It's for something else that she couldn't name.

"Malapit lang sa bukid ang bahay na ito, huwag kang mag-alala. Ibang daanan lang ang tinahak natin. Dito ako natutulog kapag inabot na ng dilim sa hacienda at hindi na makauwi..." paliwanag nito sa kanya.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum