CHAPTER 32

3.4K 120 18
                                    

Ibinaba niya ang make-up brush matapos maglagay ng sapat na make-up sa kanyang mukha. Before going out sinipat niya ng mabuti ang sarili sa salamin ng banyo upang siguruhing walang kapintasan sa kanyang anyo.

She's wearing a spaghetti strapped silk top in lavender shade. Pinarisan niya iyon ng puting pants at nude heels. The gold layered necklace she's wearing completed her look. Bumuntong-hininga siya. Pinagmasdan pang muli ang sarili sa salamin bago nangunot ang noo at nagtaka sa ikinikilos.

Bakit ba ang tagal niya rito sa banyo para mag-ayos? Oo, matagal siyang mag-ayos pero hindi ganito katagal! She's been here for almost an hour! Baka nga lagpas na for all she knows! At kahit ganoon, para bang hindi pa rin siya kontento sa kanyang itsura.

Maybe she should retouch her make-up? Make it darker or what. Siguro dapat niyang palitan ng pula ang lipstick sa halip na kulay pink na halos katulad lamang ng totoong kulay ng kanyang labi? Dapat din siguro ibang damit ang kanyang isuot. Does she look too plain and formal? Siguro dapat iyong katulad ng suot niya kagabi ang isuot niya ngayon? What the hell!

Kung hindi lang nanghihinayang sa oras na ginugol sa pag-aayos ay kanina niya pa tinampal ang mukha at ginulo ang buhok dahil sa inis sa sarili. Ano ba 'tong ikinikilos niya? Why is she becoming so conscious of herself all of a sudden? Dati nama'y siguradong-sigurado siya sa sarili! Ngayon, kahit wala naman, ay nakukulangan siya sa kanyang itsura!

Get your fucking self together, Lily! Alam man kung bakit nagkakaganito ay hindi niya iyon kayang tanggapin sa sarili. Kaya naman inayos niya ang kanyang tayo at sinikap itabi ang mga emosyong hindi niya kinakailangang maramdaman. Nilinaw niya rin sa isip ang magiging plano sa araw na ito. She'll leave for Paris as soon as possible. Hindi iyon magbabago. Wala nang rason para manatili pa rito.

Wala na...

With squared shoulders and an indifferent expression on the face, she went out of the bathroom holding her luggage with one hand. All her fucking nerve endings tingled in awareness when Donny made his way to her. Bago pa bumuka ang mga labi niya upang pigilan ang balak nito'y nabawi na sa kanya ang hawak niyang maleta.

Naamoy niya ang panlalaking pabango nito at ang natural na amoy na tanging dito lamang niya natatagpuan dahil sa nagkalapit nilang mga katawan. Her instinct told her to flight, so flight she did. Umilag siya rito at naunang lumabas sa banyo para hindi na mapalapit pa sa katawan nitong pinahihina ang kanyang dipensa.

Tumikhim siya para lang kalmahin ang sarili at ang pusong awtomatikong nagwala. Nag-iinit ang kanyang pisngi hanggang bumbunan at nasisiguro niyang wala nang kasing-pula ang kanyang mukha.

"Akala ko nakatulog ka na sa loob. You've been inside the fucking bathroom for an hour and a half, Liberty," his tone was laced of irritation and amusement.

Mula sa naka-set up na table kung saan nakahain ang pagkain ay nilingon niya ito. Nailabas na ni Donny ang dalawang maletang inihatid nito sa kanya kanina roon. Nang maalala ang ginawa nito kanina ay hindi rin niya napigilang mas bumilis pa ang tibok ng kanyang puso.

He doesn't want anyone to see her almost naked. Wala lang naman sa kanya iyon. Naka-tapis naman siya ng tuwalya kanina. Isa pa, maraming beses na rin siyang rumampa sa runway na tanging underwear lang ang suot na halos wala namang natakpan sa kanya. What's the difference?

Ngunit ganoon kadali ay napasunod siya ni Donny sa gusto nito. And his gesture made her heart jump and flutter in glee. This is not good. Ayaw niya ito'ng nararamdaman. Ayaw niya ito'ng ikinikilos. Pamilyar na ito sa kanya. At hindi siya tumakas ng ilang taon para lang mahulog sa parehong bangin na kinasadlakan niya noon.

She made her expression look even more formal. Donny stared back with all his six feet and so height and massive, iron-clad built. Naka-postura na siya at naka-heels pa pero sa harapan nito ay para bang nanliliit siya.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now