CHAPTER 6

3.3K 117 4
                                    

Natameme siya sa sinabi ni Donny. Did he just...say that she has a pretty face? Hindi naman iyon bago sa kanyang pandinig ngunit nakakapagtaka kung paano nito napabilis ng husto ang kanyang puso.

"Wala ka na ba talagang balak na bitawan ako? Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ko kay Bangis," Donny in a cocky tone.

Mabilis niyang inilayo ang mga braso kay Donny na tila napaso sa katawan nito dahil sa sinabi. Matalim niya ito'ng binigyan ng tingin. Naputol lamang iyon nang bigla na lamang tumalon ang kabayo.

"Ay!" Napasubsob na naman siya sa dibdib ni Donny at napayakap sa bewang nito.

"Mukha ngang nage-enjoy ka masyado sa posisyon mo," he commented again.

"It's unintentional! Stop teasing me, will you?" inirapan niya si Donny matapos muling bitawan ito.

Ngunit hindi naman nagtagal ang pagmamatigas niya dahil nananatili siyang natatakot na baka mahulog sa kabayo. She anchored her hand on his arm. His manly chuckle told her that he noticed it too. Pinag-initan siya ng pisngi ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang pagmamahal sa buhay kaya hindi siya bumitaw.

"How old are you again, Liberty?" tanong nito pagkaraan.

"Eighteen..." naka-nguso niyang sagot.

"Mas mukha kang bata kaysa sa edad mo."

Tiningala niya ito. Hindi niya alam kung compliment ba iyon o pang-iinsulto muli mula rito. Ngunit sa halip na magsimula muli ng sagutan ay ibinalik na lang niya ang tingin sa harap.

They were surrounded by trees. Everywhere. Halos hindi makatakas ang sinag ng araw dahil sa mga dahon na tumatabing sa kalangitan. Kahit tuloy alam niyang magta-tanghali na ay hindi ganoon ka-init.

"How about you? How old are you?" her turn to ask.

"Twenty-three," he answered in a stoic tone.

"Oh! Like Turs!" she blurted.

"Boyfriend mo?"

Napamaang siya. Hindi niya sinasadyang mabanggit si Turs dito. Not that she wanted to keep Turs a secret to him. Bakit naman niya gagawin iyon?

"No," she said. "Arturo is just a...friend."

Dahil gubat ang dinaanan ay walang gaanong tao. It was peaceful and quiet except for the sound of the horse's hooves against the land as it leisurely walked. Maingay din ang pagsayaw ng dahon sa mabining hangin at ang mahinang tunog na nagmumula sa mga hayop 'di kalayuan.

Hindi nagsalita si Donny. Inisip niya tuloy na baka hindi ito naniniwala. Dapat ba sinabi na lang niya ang totoo na nanliligaw sa kanya si Arturo?

Teka, bakit niya ba pino-problema ang iniisip ni Donny tungkol sa kanila ni Arturo? Para namang mahalaga ang opinyon nito!

"T-Tapos ka na bang mag-aral, Donny? What course did you take in college?" tanong niya na lang para malihis na ang kanilang topic.

"Agricultural Business," tipid muli nitong sagot.

Tama lang pala na dito ito sa hacienda nagta-trabaho. "What specific job do you do here? Manager ka ba? Supervisor?"

"I do all sorts of job, Lily. Nakikipag-usap ako sa mga buyer, gumagawa ng paper works, nagsasaka, nagka-karpintero...lahat. Hindi ito tulad ng sa kompanya, Lily. Dapat marunong ka ng maraming gawain dahil hindi lang naman iisang trabaho ang pupuwedeng gawin mo."

Talagang ginagawa nito ang lahat ng iyon?! Nakakamangha naman ito! Well, halata naman sa katawan ni Donny ang pagiging banat sa trabaho. His hands were rough too. Ebidensiya ng mabigat na trabaho. Malayo sa malambot na mga kamay ni Turs. But Arturo is also hard-working. Magkaiba nga lang ang linya ng trabaho ng dalawa.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon