-ANNIKA NICOLE-
Dalawang linggo nalang birthday na ni harris. Nagiipon ako. Hindi ako bibili. Gagawa ako ng effort. Syempre. Nagpapatulong din ako kay terrance at ysai. Hindi pa umuuwi si terrance, pero malapit na. Sabi niya sa december. My namomoo yatang kalandian, este pagibig sa dalawa kong bestfriend na si ysai at terter eh. Biruin mo nagpupuyat para lang magusap. Ang galing. Inunahan pa ko. Lumalovelife. Naunahan pa ko. Pinupush tuloy nila ko lalo kay harris. Para daw hindi na ko mainggit. Mga walang hiya. Pati tong pinsan ko araw araw akong nireremind. Kaya eto ako. Nagpapraktis. Okay na din kami ni harris. Matitiis ko ba yung tababoy na yun? Napaka kulit na din nun eh. Weekend ngayon. Nagiisip padin ako ng pwedeng ibigay sakanya. Biglang tumunog phone ko.
"Lampayatot"
"Oh bakit?"
"Nood tayo dito sa bahay, sunduin kita"
gusto ko sanang um-oo, kasi namimiss ko siya kahit araw araw kaming magkasama.
"Hindi ako pwede eh, maraming ginagawa"
"Tulad ng ano?" Ano bang pwedeng ipalusot?
"Tulad ng.... Uhm, naglilinis kasi ako. Tska magaaral"
"Tapos na exam ah? Wala naman assignments"
"Oo nga, pero gusto ko mag aral eh"
"Sus. Ayaw mo na ko kasama?"
"Hindi ah. Busy lang talaga"
"Tsk"
"Babawi ako, promise"
"Punta nalang ako dyan?"
"Wagg!"
"My tinatago kaba?"
"Ako? Wala ah?"
"Talaga? Bat ayaw mo ko papuntahin?"
"Busy lang talaga ako, sige tababoy. Bye" hay. Kahit gusto ko siyang papuntahin, kailangan kong umisip ng pwedeng iregalo.
Tinext ko si ysai, mautak to sa mga ganito eh.
"girl, samahan mo naman ako"
"Where girl?"
"Sa mall."
"Sure. San tayo magkita?"
"Sa mall na din"
-------
Ilang minuto lang pumunta nako sa mall, nagpaalam na ko kay mama. Nagkita agad kami ni ysai. Ilang oras na naikot namin yung mall kaso wala akong mahanap. Wala man lang akong napili, wala din siyang nasuggest kaya kumain na muna kami kasi pagabi na din.
"Girl. Eh kung pag bake mo nalang siya?"
"Oo nga noh. Ang talino mo" nag apir kami
"Ako pa"
"Pero hindi ako magaling, isang beses lang niya ko tinuruan"
"Edi... Naaalala mo pa ba yung steps?"
"Oo naman"
"Edi gawin mo. Sample lang muna. Tapos ako titikim"
"Ikaw talaga?"
"Oo naman. Syempre, nagsasabi ako ng totoo pag hindi masarap eh"
"Napaka supportive mo talaga"
"Sabi nga nila samahan mo lang ng feelings o love, para masarap"
YOU ARE READING
When I'm with you.
RomanceHi! Eto po yung first story ko. Sana po magustuhan niyo =))
