-ANNIKA NICOLE-
Pag dating na pag dating namin dun, may salo salo. Bigla agad nawala sa paningin ko si harris. buti nalang nakita ko si cole cole.
"Ate, buti nakapunta ka"
"Nangako ako eh, nasan pala sila lola?"
"Nasa loob, tara samahan na kita ate"
"Si tita?"
"Ah- hindi mo ba alam bukas na yung kasal niya?"
"Talaga?"
"Oo hindi nasabi ni kuya sayo?"
"Hindi eh"
"Hindi bale, ngayon alam mo na at nakapunta ka sige ate. Ayun na si kuya labas na ko"
Nag bless ako kay lolo at lola
"Buti nakabalik kapa... Annika"
"Nangako po ako eh" sabay tingin ko kay harris, umalis siya ng tingin sakin.
"Mukhang hindi na namin maabutan yung apo namin"
"Siguro nga po, kasi hindi na po kami ni harris" napatingin sakin si harris nagulat siya, gusto ko lang aminin sakanila. Kasi malay mo hindi na nga maging maayos lahat, atleast kahit papaano eh alam nila. Hindi yung pati sila niloloko ko, sarili ko nalang papaasahin ko. Hindi ko na sila idadamay.
"Annika!!!" Masiglang sabi ni tita
"Tita!!" Niyakap niya ko agad
"Buti nandito ka pa, sabi naman sayo eh. Kayo padin" ngumiti lang ako
-----------
Kinagabihan salo salo na. Magkatabi kami ni harris pero hindi kami nagkikibuan. Hanggang matapos yung kasal, ako yung nakasalo nung flower. Tuwang tuwa sila. Nung kainan na... Bigla nilang naopen yung topic about samin ni harris.
"Kamusta na pala kayo ni harris?" -tita
"Walang kami tita" -tita
Halos maiyak ako sa sagot niya pero pinigilan ko, ngumiti lang ako pero nahalata yata ni tita.
"Stop joking harris" sabi ni tita
"Seryoso po ako tita...." Napatingin nalang sakin si tita, halos lahat sila natahimik. Ako? Hindi ko na napigilan umiyak. Biglang nagsalita ulit si harris.
"Matagal na din, iniwan niya ako eh. Anong magagawa ko? Pinaghintay ako buong magdamag, yun pala ipapamukha lang sakin na iiwan niya na ko." Halos lahat kami natahimik, umiyak nako ng tuluyan. Biglang tumayo si harris, tapos pumunta siya sa kwarto.. Hindi ko nakinaya kaya sinundan ko siya sa loob.
"Harris- ano bang problema mo?" Sabay tulo ng luha ko, pakialam ko? Hindi na ko makatiis eh! Kung makapagsalita siya parang alam na niya na lahat. Ni hindi pa niya nga ko tinatanong kung ano ba talagang nangyari.. Bigla siyang humarap sakin.
"Ikaw anong problema mo, aalis alis ka tapos babalik ka?"
"bumalik ako kasi.... Nangako ako sayo"
"Wala na yang pangako mo, wala na yan. Hindi mo na nga natupad diba?"
"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?"
"Umalis kana. Dapat nung umalis ka hindi kana bumalik. umalis kana eh, tapos babalik kapa?"
"Si-sige.... Kung yan yung gusto mo.. Pero gusto kong malaman mo kung ano talaga yung dahilan, wala akong pakialam kung makinig ka o hindi. Kung maniniwala ka o hindi, harris. Hindi ko alam na sa airport deretso namin nung mga panahon na yun, kaya ko sumama kasi sabi ni papa gagala lang kami. Pero--- hindi ko alam.... Harris, alam mo bang halos mamatay ako nun? Halos hindi ako kumain ng mga panahong yun? Halos gusto kong bumalik sayo... Hindi ko pinamukha sayong aalis na ko, hindi mo alam kung gaano kasakit mawala sayo. Kung gabi gabi umiiyak, ako din. Pero alam mo kung bakit ko kinaya to? Kasi... Nangako tayo sa isa't isa na kahit anong mangyari. TAYO PADIN. pero matagal na yun, kung ikaw wala na sayo yun. Sakin meron pa. Sakin kahit kelan hindi ko nakalimutan. Sa loob ng apat na taon, lahat ng sinabi mo pinanghawakan ko. Nilakasan ko loob ko para lang makabalik sayo, tapos eto pala dadatnan ko? Papaalis mo din pala ko? Etong singsing na to? Iningatan ko to, para sayo. Kasi sakin lahat my saysay pa to eh, pero ikaw pala tinapon mo na to..." Sabay punas ko ng luha ko
"Sige harris, kung yan gusto mo sige. Tutuparin ko, etong singsing na to? Kalimutan na natin to" tinapon ko yung singsing sa harap niya bago ako lumabas hinarap ko ulit siya, pinunasan ko yung luha ko "harris, mahal na mahal na mahal kita."
Sabay takbo ko iyak ako ng iyak, hindi ko alam gagawin ko. Bakit pa ba ko bumalik kung ganito lang pala mangyayari? Lalong sumakit eh. Paano na? WALA NA YUNG LALAKING PINANGARAP KO. LAHAT NG PANGARAP AT PANGAKO NAMIN SA ISA'T ISA NAWALA NA. PAANO NA KO? Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayuko. Bumyahe ako magisa, oo malayo. Eh pakialam ko? Pag pasok ko sa bahay. Nakita ko si mama't papa. Niyakap ko kagad si mama.
"Mama----" iyak lang ako ng iyak sakanila pagkatapos ko nagipon ako ng hininga para lang makapagsalita. Tumigil ako sa pagiyak.
"Papa, alam niyo po tama kayo. Dapat hindi ko nalang pinilit, mas masasaktan lang ako. Dapat hindi nalang ako umuwi. Dapat sa apat na taon nag move on na ko, dapat hindi ko sinayang----" bigla akong napaiyak ulit biglang lumuhod si papa sakin, umiiyak din siya.
"ANAK, sorry wala kang kasalanan. Kasalanan namin to, kasalanan ko to kasi pinagkait ko sayo maging masaya, nilayo kita sa taong mahal mo. Kasalanan namin kung bakit ka nasasaktan" bigla kong niyakap nila mama't papa. Umiiyak lang ako, ngayon masasabi kong ayos na kami.
--------
Kinabukasan tinawagan ko sila ysai, terrance patricia tska si lance.
"Uuwi na ko bukas"
"ANO?" Sabay sabay na sabi nila
"Akala ko hindi kana uuwi?" Sabi ni terrance
"Akala ko din eh, pero mahihirapan ako kung hindi pa ko lalayo."
"Annika, huwag na" iyak na sabi sakin ni patricia at ysai
"Aalis lang ako, ha?" Sabi ni lance
"Kita mo yun, aalis kana. Aalis pa siya" sabi naman ni ysai
"Huwag ka nang umalis, andito naman kami eh!" Sabi ni patricia
"Oo nga" sabi ni terrance
"Kailangan eh! Pero salamat ha?"
----------
Sinulit ko yung isang araw para makasama yung mga kaibigan ko. Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko, kasi napasaya nila ko. Promise ko pagkabalik ko dito. Kaya ko nang ngumiti ng walang sakit na nararamdaman.
YOU ARE READING
When I'm with you.
RomanceHi! Eto po yung first story ko. Sana po magustuhan niyo =))
