CHAPTER 10 (When I'm With You)

102 1 3
                                        

-ANNIKA NICOLE-

Papunta na ko sa school. Ang ganda ng gising ko dahil si harris nag turo sakin at alam ko kasing nasa utak ko pa lahat ng tinuro sakin ni harris. Siguro iniisip niyo na my gusto ako sakanya, oo hinahangaan ko na nga siya. Sino ba naman hindi hahanga sa lalaking yun? Kung sila nga sa itsura palang nagustuhan na nila. Ngayon pa kayang nakilala ko na siya.
...
Pag pasok ko sa room binati agad ako ni ysai "goodluck annika"
"Goodluck din ysai"
Nakita ko si harris. Nakatakip ng libro sa mukha, tapos my earphones sa tenga. Paupo na ko pag tingin ko my papel sa table ko, ano kaya to? Dumi? Kaso baka hindi kaya naisipan kong buksan.
"Goodluck lampayatot :)" ano daw? Napatingin ako kay harris, bigla niyang tinanggal yung libro sa mukha niya tapos tinapik niya likod ko "goodluck lampayatot"
Hindi ako naasar. Napangiti nalang ako bigla. Sino ba namang hindi matutuwa pag ginoodluck ka ng crush mo. Habang nagsasagot ako, nakangiti parin ako. Nagkakatinginan kami tapos mag ngingitian lang kami.
....
Tapos na exam namin, isa ako sa mga highest. Nag apir kami ni harris. Si harris naman yung highest.
"Ang galing mo harris"
"Syempre, ikaw din" sabay gulo niya sa buhok ko. Napangiti nalang ako sakanya
...
Pauwi na kami ni harris, ewan ko kung bakit hindi kami naka kotse. Edi nag lakad kami.

"Dahil isa ako sa highest, ililibre kita" sabay ngiti ko sakanya
"Huwag na. Gusto ko luto nalang ni tita. Ipunin mo na yang treat mo sakin" sabay kindat niya sakin. Halos malaglag panga ko kakangiti. Ehhh? Ang gwapo gwapo niya.

Pag dating namin sa bahay tuwang tuwa si mama, kaya pinagluto niya kami. Habang naghihintay kami ni harris. Inaya ko siya sa bubong.
"What? Seryoso ka? Delikado yan"
"Hindi yan. Ang arte nito"
"Ayoko nga, baka mamaya mahulog pa tayo"
"Hindi tayo mahuhulog wag kang oa"
"Tsk"
"Ano sasama ka ba o hindi?"
"Tara na, bilisan mo"
...
Humiga agad ako sa bubong. Siya naman umupo lang sa tabi ko.
"Hay. Palubog na yung araw, makikita na natin yung stars"
"Stars lang inaabang mo dito?"
"Oo lagi kong tinatanaw stars dito, hindi ko pa nga natsempohan na my shooting star eh"
"Ibig sabihin nun tumigil ka na daw"
"Ayoko nga. Hindi ako susuko"
"Maghihintay ka lang sa wala"
Napatingin ako sakanya
"Iniisip mo na naman kasi si nikay eh, alam mo naniniwala ako sa shooting star na yan. Mag wish nalang tayo."
"Kalokohan" bigla siyang tumayo
"Oy san ka pupunta?"
"Kakain nalang ako" biglang my
"Shooting star!!! Harris mag wish ka dali!" Pumikit agad ako at nag wish...

Sana ako nalang... Sana ako nalang... Sana makita mong nandito ako...

Pag tingin ko sakanya nakatingin lang siya sakin
"Anong winish mo?"
"Naniniwala ka talaga dyan?"
"Ano? Hindi ka nag wish?"
"Hindi, hindi naman totoo yan"
"Sayang yung pagkakaton"
"Sus bahala ka"
"Ano ka ba. Mag wish ka kasi."
"Ayoko nga"
Humiga kami parehas sa bubong... Pinagmamasdan namin yung shooting star.
Sa totoo lang, sobrang saya ko kasi kasama ko siya. Pangarap ko talagang pagmasdan yung star kasama yung taong gusto ko. Kaso.. Iba yung gusto niya.

"Miss mo na ba si nikay?" Ewan ko kung bakit ko natanong yan, ang adik ko talaga sinasaktan ko sarili ko. Hay.
"Hindi, sanay naman na kong wala siya eh."
"Ako miss ko na si papa."
"Babalik naman siya eh, mabilis lang yan"
"Nabigla talaga ko nung aalis siya"
"Ganon talaga, hindi mo alam kung kelan mawawala yung mahal mo sa buhay"
"Kaya dapat, habang nandyan pinapahalagahan mo"
"Ang drama mo, nicole. Kumain na nga lang tayo"

Pag baba namin nagulat ako kasi my maingay na babae, pag tingin ko sa kusina.

"JANA!!!!" Niyakap ko agad siya
"OMG!!! Annika!!!" Niyakap niya din ako
"Kelan kapa umuwi?"
"Kahapon lang"
"Hindi mo man lang sinabihan"
"Eh kasi gusto kitang i suprise" bigla siyang napatingin sa likod.. Bigla niya kong binulungan
"Sino yun? Boyfriend mo?" Narinig yata siya ni harris
"Hindi ah! Kaibigan ko lang yan! Harris si Jana, Jana si Harris"
"Hi Harris!!"
"Hi" matipid na sagot ni harris

Pag tapos din naming kumain umuwi na si harris, naOOP yata siya samin ng pinsan ko. Si jana, galing siyang states. Grabe. Namiss ko talaga tong babaeng to. Sobrang saya ko kasi dito siya matutulog. Makakapagkwentuhan kami.

"So, kaibigan mo ba talaga yun?"
"Oo, jana"
"Weh?"
"Pero gusto ko siya.." Mahinang sabi ko, bigla ba naman akong hinampas.
"ARAY AH?"
"Nakakakilig kayo. Ang gwapo gwapo ng boyfriend mo!" Tinakpan ko yung bibig niya
"Shhh, marinig ka ni mama hindi ko pa siya boyfriend."
"Eh ano?"
"Wala, kaibigan pa nga lang"
"Ang bagal mo naman"
"Ha?"
"Alam niyang gusto mo siya?"
"Hindi"
"Sabihin mo, baka maunahan kapa"
"AYOKO NGA" binatukan naman ako nitong pinsan ko "Aray"
"Halata naman sa mukha niyang gusto ka din niya, baka nahihiya lang"
"Ayoko nga"
"Isa, ako mag sasabi o ikaw?"
"Pwede bang pag isipan muna?"
"Oh sige, basta aaminin mo sakanya ha?"

Napaka kulit talaga nitong pinsan ko. Ang hirap hindian. Kung di mangbubugbog. Siguro ganon siya sa states. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Pinagkwentuhan din namin kung paano kami naging close ni harris, kilig na kilig naman. Ang bruha. Halos magkapasa ako sa braso kakahampas niya. Akala mo talaga siya ako eh, kung kiligin. Wala kasi akong kapatid kaya sabik ako sa kakulitan. Hanggang sa natulog na kami. Napagod na din kasi kaming magbugbugan. Joke lang.

When I'm with you.Where stories live. Discover now