-ANNIKA NICOLE-
dahil nandito si jana, madalas kaming gumala. Lagi naming kasama si harris. Feeling close pa nga siya kay harris. Buti hindi naiinis si harris. Pumunta kami nila harris, jana, terrance at ysai sa enchanted kingdom. Weekend naman eh. Pag pasok namin sobrang hyper ni jana at ysai. Tuwang tuwa sila, pinagtitinginan na nga kami eh. Akala mo talaga first time makapunta dito eh noh? Nag rides na kami. Magkasama kami ni harris. Ewan ko ba dito sa pinsan ko. Sa mga rides lagi kaming tabi ni harris, ang lakas kasi ng trip ni jana eh. Lalo na dun sa ewan ko ba. Makalaglag panty, este makalaglag puso. Hindi dahil kay harris ha? Dahil sa rides. Pag tapos naming mag rides. Kumain nalang muna kami. Bumili sila naiwan kami ni harris. Kakain na dapat ako bigla niyang inalis.
"Ang dumi ng kamay mo, tapos kakamayin mo yan?"
"Ano gusto mo paahin ko? Ganon?" Kinuha niya bigla yung barbeque ko
"Akin na nga. Nganga"
"Ha?"
"Susubuan kita, dali na" hanggang sa yun nga sinubuan niya ko, ramdam ko na naman ang init sa mukha ko. Tapos biglang sumigaw sila ysai nung nakita nila. Mga loka loka talaga to. Nagkailangan tuloy kami ni harris. Papasok daw kami sa haunted house. Tama ba? Ewan. Eh matatakutin ako. Umisip ako ng palusot syempre.
"Ah? Sige kayo nalang, cr lang ako"
"Wehhh. Kj mo." Sabi ni jana
"Naiihi tlga ako. Promise"
"Sige, ihi kana muna. Hintayin ka namin" sabi naman ni ysai
"Hala wag na? Baka mahaba pila"
"ANNIKA!!! wag kang kj. Mag cr kana" sabi nila ysai, terrance at jana. Wow kailangan sabay sabay?
"Samahan ko na siya" sabi naman ni harris kilig naman sila, ang haharot nitong mga to. Pero deep inside gusto ko nang sumabog. Papasok palang ako sa cr
"Wag kang mag tagal ah? Alam ko na yang style mo eh" hay. Edi yun nga no choice ako eh. Pag dating namin papasok na kami. Anak ng tipaklong. Nanginginig ako. Nasa likuran ko si harris. Pag pasok na pag pasok hindi ko kinaya. Napayakap ako sakanya. Sigaw ako ng sigaw.
"Shhhh. Andito lang ako. Lumakad ka lang."
Oo, magkayakap kami. Nakatalikod ako maglakad, nakayakap ako ng mahigpit sakanya. Nakayakap din siya. Kinikilig ako na natatakot, hanggang sa biglang makalabas na kami. Nahuli kasi kami. Nakita nila Ysai. Ang weweird ng reaksyon nila. Kaya bumitaw agad ako. Hanggang pauwi na kami, medjo late na din. Naka private car naman kami, mayaman tong pinsan ko eh. Tapos pinagtabi na naman kami ng bruha kong pinsan ni harris. Eh antok na antok ako. Dahil sa pagod pero Ayoko sumandal sakanya, dahil nasa dulo ako. Nauntog ako sa bintana.
"Aray!!!"
"Sakin ka na nga lang sumandal" Bigla niyang nilagay yung ulo ko sa balikat niya. Nanlaki mata ko, feeling ko naiihi ako na ewan. Kinikilig ako. Alam kong pulang pula ako. Hanggang sa makatulog na din ako.
-------
Dalawang buwan na din ang nakalipas. Madalas nananaginip padin ako. Si terrance? Nasa probinsya na. Malapit na birthday ni harris. Paalis na sa pilipinas si jana. Babalik na naman siya sa states. Kami ni harris? Ganon pa din. Walang pinagbago siguro pinagbago lang eh mas naging close lang kami. Bestfriends. Yung feelings ko sakanya? Oo mas lalong lumalim. Sa apat na buwan na magkasama kami. Siguro masasabi ko na ding lalo akong nahuhulog sakanya. Hindi na tulad na paghanga nalang.
..........
Nasa airport na kami ngayon. Kasama namin si harris, naging close na din kasi sila ni jana dahil sa ka FChan ng pinsan ko, jokeeeee.
YOU ARE READING
When I'm with you.
RomanceHi! Eto po yung first story ko. Sana po magustuhan niyo =))
