CHAPTER 16 (When I'm With You)

65 1 0
                                        

-ANNIKA NICOLE-

Ang ingay. Ilang beses nang tumunog alarm ko. Tinatamad ako. Hay. Ano pa nga ba? Wala nang inspiration eh. Dapat nang malate ulit. Sino nalang susulyapan ko sa araw araw kong pag pasok? Tamad na tamad akong kumilos. Ang bagal ko mag toothbrush. Ang tagal ko sa cr. pero nakatunganga lang ako. Punyetang pag ibig yan. Ang lakas ng epekto sakin. Nakakabwisit. Nasangga tuloy yung basong babasagin. Ano pa nga ba? Sa paa ko tumama. Hinayaan ko lang. Mas masakit pa dyan pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko nalang pinansin, kahit masakit talaga yung pag bagsak nung baso sa paa ko. Ang drama lang noh? Pumasok ako mag isa, medjo naninibago kasi dati lagi kong kasama si harris. Siya kasi eh. Ay ako pala, ang tanga mo annika. Habang naglalakad ako, bigla kong nakita si lance tumatakbo papunta sakin. Papunta yata siya sa bahay.

"Oh? Lance?"

"Sorry nalate ako"

"Ah- ayos lang" hindi ko alam na susunduin niya pala ko. Habang naglalakad kami, nahuhuli ako. Ang sakit ng paa ko eh. Hanggang makarating kami sa school.

"Annika? Okay ka lang ba? Bat ganyan ka maglakad?"

"Ako? Oo okay lang ako. Una kana, mag ccr pa ko eh" pero totoo talaga hindi ko na kaya yung sakit, naiiyak na ako sa sakit. Ang baliw mo annika nicole. Bakit kasi hindi mo pinansin? My nalalaman ka pang mas masakit pa dito nararamdaman ko, ang adik ko. Tinanggal ko agad sapatos. Pag tingin ko naging red na medyas ko, DAHIL SA DUGO. Napasigaw ako sa court. Pinagtinginan tuloy ako. Umiyak nalang ako. Takot din kasi ako sa dugo, ewan basta my phobia ko sa dugo. Maraming taong pumagilid sakin. My tumulong sakin na ibang students, binuhat ako dinala ko sa clinic, kaso sarado. Oo nga pala mamaya pa dadating yun pag start ng klase. Boba mo annika. Biglang sumulpot si...

"Harris?"

"Tsk" bigla niyang pinaalis yung mga nagbuhat sakin, oh diba? Siga lang. Mga lalaki kasi eh. Selos ba siya? Joke. Aasa na naman ako eh. Dumudugo na't lahat aa ko. Ang harot ko padin. Umupo siya sa harapan ko, pero sa sahig siya nakaupo. Binuksan niya agad yung bag niya.

"Bakit ba napaka careless mo, nicole?" Galit na naman siya sakin. Napayuko nalang ako. Tinanggal niya yung medyas. My mga bubog sa paa ko. Napapikit nalang ako. Kinuha ko sa bag yung unan ko nung bata pa ko. Bigla siyang natigil, gulat na gulat itsura niya. Anong meron? Pag tapos niya kong gamutin tinignan niya ko ng masama, tumalikod siya.

"Iuuwi na kita"

"Pe-pero?"

"Gusto mong lumala lalo yang sugat mo?" Yumuko nalang ako tapos sumakay na ko sa likod niya. Hindi ako msyadong nakayakap sakanya, ayoko. Ang plano ko move on na eh. Pero bakit ganito? Napaka naman nitong tadhana na to. Pinapahirapan ako. Pag sakay namin, awkward padin. Hindi kami nag uusap. Hanggang sa nakarating kami. Nag taka ko nasa bahay niya kami. Bubuhatin niya na ko ulit kaso hindi ko mapigilang magtanong

"Te-teka?"

"Hinahanap ka kasi ni cole cole. Pinagbigyan ko na"

Pag pasok namin nakaupo lang ako lumapit agad si cole cole sakin. Niyakap niya ko ng mahigpit. Napangiti ako, naluluha na naman ako. Namiss ko na siya. Bago mag birthday si harris. Hindi ko na siya nakita.

"Kamusta cole cole?"

"Okay lang ate, ate tignan mo oh. Drawing ko. Ikaw ako si kuya"

"Wow ang ganda naman niyang drawing mo, kelan mo to dinrwing?"

"Bago pa po mag birthday si kuya"

"Oh bakit ka malungkot?"

"Ate miss na kita. Bakit hindi kana pumupunta dito?" Nagkatinginan kami ni harris

When I'm with you.Where stories live. Discover now