12.1

66 1 3
                                    

Pagkatapos ng performance ni Graye at Shin ay sobra sobra ang kaba ko.

"Sunnie and Blake." nakangiting kumaway muna samin si Sunnie bago pumasok sa cubicle.

Ako nga kabang kaba na dito tapos sila----!?

"ready..." mahinang sambit ni sir.

Hinila ni Sunnie yung necklace nya at naging gintong bow yun! Hinila nya yung string at automatic nagkaroon ng arrow. Just wow!

Lumabas na yung mga giants at sunod sunod na silang inatake. Masyadong malalaki yung giants, halos kalahati na ng totoong giants.

Yes, hindi pa sila yung totoong giants. Kunwari nalang baby giant pa yan.

Sumugod na rin si Blake na sunod sunod hinahagis at binabalian yung mga giants. Minsan tumatalon pa sya sa balikat nila at binabali yung leeg. Nasa likod naman nya si Sunnie na sunod sunod ang pagtira.

Nakakaamaze panoorin si Sunnie kasi natry ko na rin yung archery dati,  ang bigat na nga, ang hirap pa makabulls eye! Pero si Sunnie, sunod sunod pero lahat tumatama. Sabagay, magagaling naman talaga yung descendants ni Apollo.

Pansin ko na parang hirap gumalaw si Blake. Parang may masakit sakanya at pinipilit nya lang gumalaw.

Habang patagal ng patagal dumidilim din doon at yung ibang mga giants napapaupo at napapaungol nalang. May sinabi ni si Blake kay Sunnie at tinanguan yun si Sunnie. pinagdikit ni Sunnie yung kamay nya at nilagay sa dibdib nya at tsaka pumikit.

Pagkatapos gawin ni Sunnie yun, tuluyan na nyang dumilim sa loob ng cubicle. Medyo nawawala wala pa yung ilaw dito pero mas madilim pa rin yung sa cubicle.

Pagbalik ng liwanag wala na ring giants an natira sa loob. At si Sunnie, nakahawak sa dibdib ni Blake na nakasandal sakanya.

Ang sweeeet! Kaso may nararamdaman talaga akong mali eh.

Lumabas na sila sa cubicle pero kay Sir sila dumeretsyo. Nagusap muna silang tatlo saglit.

"ako lang ba o parang may mali?" tanong ni Camm habang nakatingin din sa tatlo.

"may mali." sagot ni Graye sakanya. Nagtanguan kaming lahat dito.

Lumabas na sila at tsaka lumapit samin si Sir.

"Sir ano nangyari?" tanong ni Camm, nag aalala.

"nagsorry sila. Masama daw kasi pakiramdam ni Blake kaya hindi sya nakalaban ng maayos. Papunta na sila ngayon na clinic, sasamahan muna sya ni Sunnie."

"ahh kaya.." tango ni Camm.

Pero alam ko may kulang. Napapansin ko kasi na kahapon pa, hanggang kaninang naguusap sila ni Sir, pansin kong patingin tingin sakin si Blake sakin.

"let's proceed. Raine and Camm, hit the stage."

"eyyyyy" sigaw pa ni Camm habang naglalakad papasok sa cubicle. Sinundan lang sya ni Raine na natatawang umiirap. Baliw lang?

Baliw sya kay Camm hihi!

"ready.."

Hinawakan ni Camm yung kwintas nya at para syang anghel na unti unting nakaron ng pakpak at malaking...... Feather??

Pinindot na ni Sir yung control pagkalabas ng pakpak ni Camm.

Habang si Raine naman, ewan ko kung nahihirapan syang ididikit pa sa kalaban, o hahawakan nya pa yung pendant nya para makaatake pero mukha namang sanay na sya. Minsan pa nakikita ko syang iniikot yung kamay at yung giants unti unting papayat hanggang sa parang nawalan na sila ng laman.

Si Camm naman, nasa ere, pinuputulan ng ulo yung mga giants at pinoprotektahan si Raine sa mga giants na na nalalagpasan nya.

Mabilis natapos yung training nila. Bumaba na si Camm at nawala rin yung pakpak nya. Nagapir sila ni Raine bago lumabas sa cubicle.

"nice job. I like your performance guys."

Nakangiti silang bumalik sa pwesto namin.

Ayan na next na kami!!

"last but not the least.... Bella and Drake. Goodluck. "

Napatingin ako kay Harina na seryosong pumasok sa cubicle kaya sumunod na rin ako. Malakas pa rin yung tibok ng puso ko at ang hirap gumalaw dahil dun. Pero wala nanan akong choice kundi labanan yun.

"ready.." rinig kong boses ni Sir sa speaker sa loob nitong cubicle.

Shinake ko yung kamay ko at inikot ikot. Goodluck.

Nanlaki yung mata ko ng biglang may ugat na lumalabas kay Harina at naging daggers yun.

"what the--"

Hindi ko natuloy yung mura ko ng may malalakas na ungol ang lumabas galing sa corner nitong cubicle.

Sht!!

Hindi ako makagalaw agad dahil di ko alam yung gagawin ko sakanila. Hindi ko ineexpect to!

"Bella , come on! Para san pa yung training natin kung ganyan ka?!" natauhan ako sa sinabi ni Harina kaya tinaas ko yung kamay ko at pinisil ang ulo ng mga giants na sunod sunod na lumalapit kay Harina.

Habang si Drake naman, sinasaksak o pinapalipad sakanila yung mga daggers. Mabilis syang kumilos kaya mabilis nyang nauubos yung mga nakapaligid sakanya. Kung ngayon, magaling na sya, pano pa kaya yung sinasabi ni Graye na nagalit sya?

"Bella!" sigaw nya bigla kaya nabalik ako sa katinuan. Naramdaman kong may paparating sa dagger sa direksyon ko kaya agad akong yumuko. Pagtingin ko sa likod ay may giant na nakatusok sa mata yung dagger unti unting mawala.

So eto pala use nung sense na yun. Yung training namin ni Blake na nagalit pa sya.

Agad akong bumalik sa ginagawa ko. Malapit na naming maubos yung giants kaya palihim akong ngumiti. Pero nung dalawang giants nalang yung natitira, may mga wolves namang lumabas!

Ano to?! Lokohan?

Sa inis ko ay sunod sunod ko silang pinaghahagis pero ang dami pa rin!

PARANG TWO PACKS NA TO AH??

Galing sa likod, may wolf na dumagan sakin, at ramdam na ramdam ko yung pagalog ng mga loob ko sa pagtumba. Muntik nya pa kong sakmalin pero inunahan ko na sya.

Una kong binali yung leeg nya, at pinisil yung katawan nya. Hiniling ko na rin sa mapunit yung mga laman loob nya. Rinig ko yung pagdaing nya na ikinangiti ko. Sinaksak ko rin sya sa isip ko hanggang sa maghalo na sya.

Fuck you.

Nagangat ako ng tingin at nakapalibot nga sakin yung mga wolves. Nakita ko rin si Drake na madaming kinakalaban. Mukha ring nahihirapan na sya.

Napapikit ako ng mariin, pagdilat ko ay nakita ko na may wolf na muntik ng sakmalin si Drake. What a nice scenery.

"enough." gigil na sambit ko.

"don't move." parang huminto ang buong paligid na ikinatuwa ko naman.

"kneel." napaluhod silang lahat at rinig ko ang iyak nila. I don't effin care.

"die, you fucking wolves."

At napuno ng pagsabog na ingay ang cubicle.

*

Hii! Sinipag na ko pero kasi kailangan kong bawasan yung pagphophone. May migraine at vertigo na ko (yung symptoms palang, pero magpapacheck palang kami maybe next month) at dahil daw sa gadgets. Hayst. Wish me luck! Take care guys!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Where stories live. Discover now