8: CR

172 4 0
                                    

Bella's POV

"Bella tapos ka na ba?" Tanong ni Raine sa labas. "Malapit na!" Sabi ko habang sinusuot yung bracelet ko. Hmm?

Lumabas na ako at nakita ko silang nakaupo sa sofa. Si Harina nakatingin sa labas, si Blake naka cross arms, si Sunnie ayun shut up sunnie pa rin ng shut up sunnie, haha ang cute nya.. si Raine naka ngiti na halatang may iniisip.. kanina pa sya ganyan, ano kaya iniisip nya? Si Shin nakatitig kay Graye na nakatingin sa lamesa. Ang weird haha pero sweet hahaha.. si Camm kumakain ng piatos. "Ayan na pala si Bella tara na." Sabi ni Warren at walang tingin tingin saming lumabas.

"Tara na." Sabi ni Graye at lumabas na rin.

"Yiipeee!! Bilis tara na excited na ko!" Sabay talon nya patayo at patalon-talon pang naglakad palabas.

tumayo naman na silang lahat after tumayo ni Sunnie except kay Raine na tulala at nakangiti pa rin.. "Raine? Hello? Are you there?" Tanong ni Camm kay Raine at kumakaway sa mukha. "Yooohoo?" Sabi pa nya. Ayun natauhan din si Raine. "Ha?" Tnong nya. "Gwapo ko ba? Ako iniisip mo noh?" Ayun binatukan sya ni Raine. "Tara na nga.. tss." Sabi ni Camm at kakamot-kamot pa sa ulo nya. "Hay ewan.." sabi ni Raine habang nakatingin sa likod ni Camm na naglalakad na paalis.

Tumingin sya sa direksyon ko at naglakad palapit sakin-- nasa hagdan pa rin kasi ako nakatayo.

"Tara bella sabay nalang tayo." Sabi nya at inakbayan ako. "Oookay?" Sabi ko nalang.

Nasa labas na kami at di ko na sila nakita. "Nauna na yung mga yun.. hayaan mo sila." Sabi nya.

"Tara? Malayo-layo kasi yung room natin sa dorm." Sabi nya. Tumango lang ako. Ngumisi naman sya. "Bakit?" Tanong ko.

"Tara magsasakyan nalang tayo. nakakapagod naglakad." Sabi nya.

"tara." Sagot ko at nginitian sya.

"Ok. Wait lang." Sabi nya at huminto.

Tumingin ako sa paligid. Actually wala pa akong nakikitang sasakyan dito. Nasan ba yung sinasabi nyang sasakyan? Wala naman akong napapansing sasakyan dito sa loob ng school simula nung pumunta ako dito.

"Nasan ba yung sasakyan?" Tanong ko sakanya. Hindi sya sumagot at nakabuka lang yung kamay nya at nakaturo sa baba. Unti-unti nya tong inangat. Napaatras naman ako. May lumitaw kasing lumulutang na tubig galing sa sahig at naghugis board. Wow..

"Eto." Sabi nya.

"Ha?"

"Eto yung sasakyan.. tara na." Sagot nya at tumungtong sa tubig na hugis surfboard. Nilahad nya naman yung kaliwang kamay nya at yung kanan nagko-control sa surfboard na tubig. "Bilis."

Inabot ko naman yung kamay nya at unti-unting tumuntong sa board na tubig. Nang maapak ko yung dalawa kong paa sa board --

"Waaah!" Umandar nalang ng mabilis. Nakita ko yung mga nadadaanan naming tao na napapaymtingin samin. "Excuse!" Sigaw nya sa babaeng nasa gitna ng dinadaanan namin. "Woah!"

"Uy dahan-dahan lang!" Sita ko. "Geh lang! Mapalit na tayo!" Sabi nya at biglang nawala yung tubig. "Kyaaah!" At yun.. tutumba na sana ako sa lupa pero may sumalo sakin. Nanlaki naman mata ko.

Hmmm.. maganda yung brown na mata nya, talaga bagay sa eyelashes nya medyo mahaba.. Bakit hindi ko to nakita dati? ang sarap titigan ng mukha nya ng malapitan.. tsala hanggang ngayon kita pa rin yung pagiging pula ng labi nya. Pati ilong nya sakto lang naman sa hugis ng mukha ny---

"are you done checking my handsome face?" Natauhan ako sa sinabi ni Harina. at naalalang sinalo nya pala ako nung malalaglag dapat, tumayo na ako ng deretsyo at lumapit sakanila na nakasmirk..

"T-tara na nga." sabi ko at umiwas ng tingin at papasok na sana sa room. "San ka pupunta?" Tanong ni Sunnie. "S-sa room?" Patanong na Sabi ko at tinuro yung pinto ng room.

"Hmm? Cr yan?" Patanong din na sabi ni Graye na nakasmirk. Napatingin namaa ako sa taas ng pinto at nakalagay nga Cr kaya yumuko ako dahil sa hiya..

SA SORBANG HIYA..

"Tara na nga kawawa si Bella eh." Sabi ni Shin at naglakad na dere-deretsyo.. nagtawanan naman sila. Basta itong mga 'to eh! "g-guys.." sabi ko na parang kinakain na ng lupa.

"Hahahahhahahaha!" Tawa pa rin sila ng tawa except kay Harina na nakabored look lang. Lumapit sya sakin at hinila ako palayo. "Tara na.. hayaan mo sila sumakit ang tyan."

Tumingin ako sa likod at nakita ko sila tawa pa rin ng tawa except kay Graye na nakapameywang at nakasmirk na nakatingin samin. She mouthed me 'good-luck' then smile.

Bakit naman good luck?

******

Nakarating kami sa isang gold door na may nakalagay na Alpha Elite sa taas. Baka room na namin to.. siguro?

Pumasok na ako.. hmm? Maganda ang room.. Old fashioned na modern...? Pano ko ba ieexplain to?

White board, hiwa-hiwalay na 10 upuan na gawa sa metal at may mga decorations din unti..

Dumeretsyo ako sa bakanteng upuan sa likod.

Alam na?

"Good morning." Rinig kong bati ng pumasok.. "I'm Miss Gia, your Math teacher." Ohhh...

Kinuha ko yung list ng sched sa bag ko at binasa ulit yun ng paulit ulit para matandaan.

Mon-wed-thur

9:00-10:00: Math
10:00-11:00: Computer (using technology)
(Lunch) 11:00-12:30
12:30-1:30: History (mythology)
1:30-2:30: Science
2:30-4:00: Semideus

Tue - fri
9:00-10:00; History (reading greek)
10:00-11:00; Science
11:00-12:00;Computer(conneting achuchu)
12:30-1:30 (lunch break)
1:30-3:30; P.E.

Every end of month: battle training

Hmmm?

"Miss Foamrisen?" Napatayo naman agad ako. "Y-yes maam?" Tanong ko.. "are you listening?" Tumango namna ako at umupo. Naaalala ko nanaman tuloy yung nasa school ko ako dati..

Memories nga naman hahaha..nakakatuwang isipin kahit na ganun..

Tumingin ako sa bintana, nakita ko naman yung napaka gandang view sa labas. Ang ganda lang napaka peaceful.

Ngumiti ako at tumingin ulit sa harap. "Psst." Napatingin ako sa likod. Wala naman.. sa mga kasama ko,busy naman sila.. sa right ko, walang tao. Eh sino yung nag psst sakin?

"Psst" tumingin ako sa bintana. May nakita ako lalaki pero hindi ko nakita yung mukha kasi mabilis pa sa alas kwatro pag alis nya.

Nagkibit balikat nalang ako at nag solve na nung pinapagawa ni maam. Weird..

Nevermind..

******

*updated*

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Where stories live. Discover now