1: call

575 10 2
                                    

1: call

Bella Nicole's POV


"What?!" Pasigaw na tanong ko.

"Nicole. Umupo ka." Saway sakin ni tita na hindi ko pinakinggan.

Kahit ngayon lang..

"You have to." Sabi ng principal ng school. "Bakit?! Anong nagawa ko at naisipan nyo akong i kick out?!" Tanong ko ulit pero mas kalma na kumpara sa kanina.

"You slap the face of the daughter of the school."

"Yun lang?!"

"At palagi kang tulog na mga klase."

"Yun lang?!"

"Pls Ms. Foamrisen! Pls low your voice and sit down!"

Umupo ako at napahilamos ng mukha gamit ang dalawang kamay. harrrrr!!!!!

"At pababa ng pababa yung grades mo each term. Punong puno na ng record sa prefect. Sorry but you need to find a new school Bella." Sagot nya.

Napayuko ako at tumango. "Sorry for the mess of this child did Ms. Valdez." Mahinang sabi ko.

"Now you can go. We'll give you one week to prepare." Sabi nya kaya umalis na ako ng walang paa-paalam. Si tita naman siguro may sinasabi pa sa principal na yun o baka sinisiraan na ako nung principal. Tsh..

Nakakainis!!

I'm Bella Nicole Foamrisen. Wala na kong pamilya except sa tita ko na kapatid ni Daddy daw. And pasaway daw, sabi ng school.

"Nicole.."

Agad na tawag sakin ni tita paglabas nya ng office.

Agad nya akong inakbayan at sabay umalis sa mala-impreynong school na yun. Ang kasoo ang lakas ng ulan!

"ano ba yan! Talaga nga naman ohh!! Titaaaa!!"

"ano ba yang bata ka! Kumalma ka nga!"

"may payong ba tayo dyan?"

"wala eh. Hahaha ano susugod tayo?"

"hahaha sige ba tita!"

At tinakbo nga namin yung ulan.

-----

Nasa kalagitnaan kami ng ulan at tuloy tuloy sa paghohomily si tita.

"hay ikaw talaga bata ka! Tatlong beses ka ng naexpelled ah!" Hindi ko alam nung pinagsasabihan ba ako o ano dahil tawa sya ng tawa. "ikaw talaga.. Alam mo ba, ganyan din kami ng daddy mo. Lagi kaming naguguidance dahil na kabaliwan namin."

At yun nagkwento nanaman po sya hanggang makarating na kami ng bahay.

"Nics ko, may alam akong school na pwede mong pag enroll-an. Maganda dun" Ngiting sabi nya matapos humiwalay sakin sa yakap.

"talaga tita? Pano mo naman nasabi?"

"isa kasi ang mama mo kasi nagpatayo nun. Pati ang tat--- wait lang ang hirap buksan ng padlock" natatawang sabi ji tita sa dulo.

"haaaay alis nga dyan ako na" tawa-tawa ko ring ginawa. Nung nabuksan na ako na yung nagguide kay tita papasok.

"Oh ano na yung sasabihin mo kanina tita? Saan yun?"

"Sa semideus academy."

Pagkasabi ni tita nun ay bigla akong nahilo pero bumalik din sa dati. "Hala Nicole. Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya. "Na-nakaramdam lang ng hilo. Pero nawala din naman. Baka dala lang ng ulan" Sagot ko

"ikaw bata ka. Maligo ka na muna bala magkasakit ka pa"

"sige po" aakyat na sana ako ng may sabihin syang hindi ko maintindihan.

"Kailangan mo na malaman ang katotohanan. Pagpasok sa iskwelahan ang simulang hakbang."

Napatingin ako kay tita meicie ng sabihin nya yun. Anong katotohanan? Simulang hakbang?

-------

Nag-aayos na ko ng gamit ko tulad ng sabi ni tita. Sabi nya ay mamayang 11 ako susunduin papunta sa school na yun. Weird. 11 pm? Meganon pala?

Nakakalungkot lang kasi sabi ni tita malayo daw yun. Ngayon lang kami maghihiwalay ni tita ng malayo.

"Nicole? Tapos ka na ba?" Tanong ni tita. "Malapit na po." Sagot ko. Onti lang naman dala ko eh.. siguro mga 20 pairs lang ng damit. May binigay din sakin si tita na golden box na may laman na uniform, school supplies, scholl requirements etc.. May nakalagay din na pin na may A.E. gold sya ah.. may nakalagay pa na note. Sabi 'always wear this pin especially at the training hours/promoting events'. yaman naman ng school na yun?

Yung uniform naman.. hmmm.. maganda naman..kaso mahirap i-explain. Ganito nalang. Longsleeve tapos medyo fit sya. Wow alam nila sukat ko? Sakto eh..

may ribbon din na parang gold ang kulay. Tsaka yung palda rin.. parang gold ang kulay? Ehh? Puro gold?

Kinuha ko yung bag ko at umalis na. Bumaba na ako at nakita ko sa tita nakaupo sa sofa namin at may kausap na lalaking siguro ay mga nasa 40's na. Hindi muna ako nagpakita at pinakinggan muna sila. Curiosity kills po.

"Pls take care of her."

"Yes miss meicie."

"Uh.. Please, tell thrm that let me help them. And the prophecy said, the war is yet to come. So pls.. guide my niece in that school."

"As you wish your highness."

War? Anu yun? Digmaan? Prophecy? AT SI TITA HIGHNESS?? Aaar weird nila.

"Oh Nicole nandyan ka na pala. Ingat ka doon. Wag ka magpapaapi katulad sa dati mong school. Okay?" Sabi nya at niyakap ako. Sinuklian ko naman iyon.

"Ahhh.. tita mamimiss kita." Sabi ko. Niyakap nya naman ako ng sobrang higpit.

"U-uhh.. hi-hind-di na a-ako ma-makahi-hinga." Utal na sagot ko. Tumawa naman sya at niluwagan ang yakap sakin.

"Hahaha ikaw bata ka. Namimiss din kita. Ikaw! Dahil sayo wala akong love life. Hahaha." Sabi nya at pinisil pisngi ko.

"Arouch naman 'ta. Ang sakit." Sabi ko habang hawak pisngi ko.

"Tita. I love you. thank you for everything." Sabi ko. Ngumiti naman sya. Nakita ko na may namumuo sa gilid ng mata nya or should I say, naiiyak.

"I love you more, Nicole." At tuluyan ng umiyak at niyakap ako. "Babye Nics ko."

Nakangiti naman ako. "Bye po." Sabi ko at kumalas na sa yakap. Hinatid nya ako sa labas. Nakita ko yung kausap nya kanina na nakatayo sa gilid ng sasakyan. Kinuha nya yung bag ko at pinagbuksan ang ng pinto. Wow gentleman si kuya.

Unti-unti ng umandar yung kotse. Sumilip ako sa likod at nakita si tita na kumakaway. Kumaway rin ako at nag flying kiss hanggang sa unti-unti na syang nawala sa pangingin ko. Umayos na ako ng upo.

Sa dati kong pinapasukan na school ay madaming gustong manligaw sa akin kasi ang ganda ko daw. Marami rin akong haters dahil dun lam nyo yun? Kasi kahit crush nila gusto ako. Hehe.. maganda daw ako?

I can't believe na maki-kick out ako sa school na yun. Yes sinampal ko yung anak ng owner ng school. Sabihan ba naman akong 'malandi' 'whore' 'bitch' and 'slut'. Ayun sa inis ko sinampal ko. Ewan ko pero feeling ko ang lakas ko that time. Imagine tumalsik sya sa sampal ko. Buti nga sakanya!

Palagi akong tulog sa paggawa ng assignment ko, mga ka-ekekan ng mga teachers ko na sakin pinapagawa yung mga trabaho nila.. Aaaaaarr.. ang dami kasi.. tinambakan ako ng trabaho ng mga teachers. Palagi ngang galit sakin. Ewan ko kung bakit wala naman akong ginagawa sakanila. Tsaka diba? Trabaho nila sakin pinapagawa? Sarap mag welga..

Yung mababa grades ko? Hindi ko alam kung pano nangyari yun. Kumpleto naman ako sa assignment,project at kahit mga test at seatwork perfect ako sa lahat nuh.. ako nga daw pinakamatalino dun pero ang baba ng score ko promise ako daw pinakamababa.

"Madam Bella Nicole. Pwede po muna kayong matulog dahil matagal din ang byahe." Tulad ng sabi ng driver, natulog nalang ako. Antok na ko nuh.. 11 na kaya.

------

"Lady Bella, wake up. We're here." Dinig kong sabi kaya dumilat ako. "Ahh.. ok po." Inabot nya sakin yung bag ko at bumaba na ako.

Pagkaharap ko ay halos malaglag na ang panga ko sa nakikita ko.

Totoo ba to?

Isang kastilyo?

***-***

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Where stories live. Discover now