3: deity

300 8 8
                                    

3: deity

Bella Nicole's POV


Sinuot ko ito at sakto. May nakita din akong heels na box. Kinuha ko ito at sinukat. Kaya ko naman eh. Wag lang yung sobrang taas. Voilet yung shoes at may designs pa na butterfly and flowers sa mga gilid. Nagsuklay ako at lumabas na.

Pagkabukas ko ay nakita ko si harina na kakatok dapat sa pintuan. Pano ko nalaman? Nakataas kasi yung kamay nya. Yung tama lang nuh at kakatok dapat. "Uhh tara na. Nauna na silang lahat dun." Sabi nya.

Inirapan ko sya. "Ano ka sinuswerte?! Pagkatapos mo ko ipahiya sa harap nila!."

"edi maghanapin mo magisa yung Hall--"

"aba talaga! Che!" at nilagpasan ko sya.

Dala ko naman yung pin ko. Ano akala nya sakin obob??

"Ceremony hall" bulong ko sa pin.

*can't find ceremony hall.*

Nalaglag yung panga ko sa sagot ng pin. Pano na ko pupuntaa??

Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko nga si Harina na naglalakad.

Wala akong choice!

Hinintay ko muna syang medyo makalayo at tsaka ko sya sinundan. Nakakahiya pero mukha akong stalker sa ginagawa ko nakakainis!

Tuwing tumitigil sya ay nagtatago ako kung sino man pwede magtago. Medyo malayo nga lang pala 'tong hall.

Nung nakita ko na palapit na ng palapit sya medyo maingay at maliwanag ay napapangiti ako ng parang aso. Ang galing ko talagang magspy!

Biglang umikot ni Harina papunta sakin at hinila ako. Kaya yung puso ko parang aatakihin. Shhttt!!

"Ano ka ba bakit ka bigla biglang nanghihila?!"

"shut up. You're not cute."

Napatikhim ako.

Malayo kami sakanila syempre nasa pinto palang kami tapos sila nasa harap. Naglakad na kami papunta doon. "Ayy nandyan na sila!" Excited na sabi ni sunnie. "Uy bagay kayo." Sabi naman ni raine. Namula naman ako at yumuko.

"Ayieeee!" Sabay-sabay na sila nyan. "Tama na nga yan. Makinig nalang tayo. Kayo, umupo na kayo." Saway ni graye. Binigyan ko sya ng thank-you look pero inismiran nya lang ako

Umupo na kami. Pabilog kasi yung lamesa.

Narinig namin ang pagtunog ng mic kaya lahat kami ay napatingin doon. "Hello ladies and gentlemen. I'm Jonas your host for this year. So let's start the program. Let's start first at Class C."

Umayos naman ng upo yung Class C. Paano ko nalaman? Nakita ko sa table nila.

"Ester of Class C Silver!"

Naglakad naman sya papunta sa gitna at pagkarating sa harap ay unti unting may pumalibot sa kamay nya na baging at naging espada. Wow..

"The new oracle of apollo!"

yung isa naman sa nagkaron ng knife na gawa din sa baging. Ang tibay nga eh.. tinry nya sa daliri nya ayun nasugatan sya, dumugo at tumagos sa kamay nya. Pero after mga 5 seconds ay gumaling din agad. Sabi naman nung host ay pag sinugatan mo ang sarili mo gamit ang ibigay sayo ng deity o god mo ay gagaling din agad within a minute pero pag iba, ewan nalang daw.

May binibigay din sakanila na I.D. at kita ko yung tuwa ng mga seniors tuwing tinatanggap nila yun.

May tinawag din na mga silver daw ng Class C. Mga lima lang ata sila.

"Next is class B" katulad kanina banggit pangalan. Haaaaar.. kabagot naman.. onti.. pero nakinig pa rin ako..

"Sunnie, para saan ba tong ceremony?" Tanong ko sa katabi ko.

"Hmm!" Nilunok nya yung pagkain nya. "Ito kasi yung pagtanggap mo ng bigay sayo ng deity or gods mo. Kunwari new weapon ganun. Tapos alam mo ba, may laman na 10 million sa bawat I.D! Kaya nga tuwang tuwa yung mga seniors sa ID claiming! Hihi ang galing talaga!" Explain nya.

"Yung sectioning? Paano nila inarrange?" Tanong ko ulit. Curious lang kasi feeling ko masyado nila kaming manamataas.

"Buti naitanong mo. May alam ka ba tungkol sa mga gods? I mean mythology?" Tanong nya. Tumango ako. Masasabi kong medyo may alam ako sa ganyan kasi nung bata ako ay mahilig ako sa fantasy.

"So yun nga yung Class C ay mga indirect descendants ng mga gods. Sa bronze yung indirect descendants ng mga minor gods at sa silver naman yung sa major gods. Sa Class B ay direct descendants naman ng Minor Gods.  Sa Class A ang hindi ko alam yung pag-aayos nila kasi balita ko direct descendants rin naman ng minor gods yung nandyaan pero sabi ay yung mga demigod na may naitulong sa mundo ng myth o nang mortal. At syempre tayo! Alpha Elite. Alpha, first letter sa greek and elites kasi 'We are elites' daw tayo kaya ganun yung pangalan. Yun nga, As you see, ang onti natin kasi yung nasa AE ay yung mga direct descendants ng mga major gods." Mahabang explanation nya. Hindi nalang ako nagtanong ulit kasi masyado ng mahaba yung sinabi nya kanina at baka magalit na sya. Pero yung tinignan ko sya ay ngiting ngiti pa rin sya, mukha hindi uso ang bad vibes sakanya.

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Where stories live. Discover now