2: dorm mate

294 9 2
                                    

2: dorm mate

Bella Nicole's POV

Isang kastilyo? As in castle? Lumingon ako sa likod ko at nagbabakasakali na baka mali lang yung pinagbabaan sakin nung driver kaso wala na yung driver. School ba talaga to? Dito ako magaaral??

Pero iba yung napansin ko sa likod. Wala akong makita kundi mga puno, ang lalaki pa. Lumingin ako sa kanan at kaliwa, ganun rin.

Nasa gitna ba to ng gubat?

Huminga muna ako ng malalim at kumapit ng amigi sa bag ko at tsaka pumasok.

Habang naglakad ako papasok sa loob at nakita kong maraming tao kaya nagsimula na akong kabahan. Hindi ako sanay sa bagong environment, mukha kasi silang masusungit, at magaganda't gwapo lahat. Ni isa wala pa akong nakitang panget dito,ako palang hehe. Mga nakauniform din sila katulad ng akin. May bagay agad na pumasok sa isip ko..

Gold lahat? Ang yaman ng mga tao dito jusme..

Pero napansin ko lang, yung pin nila ay silver or bronze at CC, CB or CA imbis na AE. Nakakatagtaka lang lalo na kasi isang palang yung nakikitahan ko ng parehas na pin. Nalaman ko na parehas kami ng pin  dahil masyadong makinang yung amin kaya tumakbo ako papalapit sakanya at kinalabit sya. Tumingin naman sya sakin na mukhang nagtataka.

"Ngayon lang kita nakita? Bago ka?" Tanong nya. Ay pogi naman neto.. Smooth and glowing skin --mala whitening soap commercial-- natural lips, Pointy nose at yung hazel brown eyes nya. Bagay rin sakanya yung buhok nya na dark brown.

Natauhan ako ng bigla siyang kumaway sa harap ng mukha ko kaya medyo napaiktad pa ako.

"A-ahh.. o-oo.. napansin ko kasi yung pin mo, magkaparehas tayo ng pin kaya nilapitan kita." Sagot ko ng nakangiti.

Napatingin sya sa right side ng uniform ko kung saan nakalagay yung pin ko kaya tumingin rin ako dun. Hindi pa rin ako sanay na nakikita yun dahil makinang tapos nag re-reflect pa yung liwanag.

Binalik ko yung tingin sa lalaki at nagtaka ng gulat ang expression nya. "Alpha Elite ka? Diba sabi mo bago ka lang? Sino ba deity parent mo?" Tanong nya.

"Deity? Anong deity? Sinong deity?"

"Deity. Sino yung god/goddess na parent mo?" God or goddess? Anong sinasabi nito? Hindi naman diyos ang mga magulang ko. Ang alam ko patay na sila pareho dahil sa aksidente sabi ni tita. "Hindi ka makakapasok sa A.E kung hindi isa sa twelve Olympians ang deity parent mo." Sabi pa nya.

Something pop in my mind. Twelve olympians? Parang narinig ko yun sa subject namin sa dating school na nagpatalsik sakin..

Micology?

Mirology?

Mi---logy something yun eh. Hmm..

Mi---mithology??

Myth! Mythology!!

Nag-isip ako ng naaalala kong tinuro samin dati. Lumiwanag yung mukha ko ng may maalala akong isa. "Si Althea" kunwaring alam na sagot ko. Nagtaka naman agad sya.

"Who's Althea?"

"Di mo sya kilala? Yung god of warriors?"

"It's Athena, she's a goddess not god." Seryosong sambit nya. Napahiya naman ako.

Tumayo at ng deretsyo at sumeryoso. "Baliw ka na ba? Hindi diyos at dyosa ang tatay o nanay ko. Iisa lang naman ang diyos natin bakit naghahanap pa kayo?" Depensa ko.

"I'm not crazy. this world looks crazy but you're crazier. Where the heck did you get that name althea? And you can't see even just a one single tip of this world if you're parents are not a God or demigod" Seryosong anas nung lalaki. "or ikaw mismo" dagdag pa nya.

Yes I'm noseblooding.

"Lets just talk about it later. Looks like you don't know anything yet." Sabi nya.

"T-teka.. Kuya saan yung dorm?" Sigaw ko.

"Go to the Assistance desk first! Sya magtuturo sayo!" Sagot nya ng nakatalikod na sakin at umalis na talaga.

Nakanguso akong tumalikod at mag-isang hinanap yung ' Assistance Desk' daw. Nag-ikot pa ako and luckily, may nakita akong group of students na nakapila sa harap ng isang table na may nakalagay sa harap na 'Assistance desk'.

Lumapit ako at nakipila din. Habang nakapila ay inikot ko muna ng tingin yung lugar na to.

Grand staircase with maroon carpet, golden chandelier, sculpture and paintings of someone everywhere with a weird words out there. I don't like gold, but i don't hate it. I just don't like it.

"Pin" sabi ng Isang babaeng siguro nasa mid of 30's na kaya nabalik ako sa huwisyo. Tinanggal ko sa damit ko iyon at binigay sakanya. "Oh.. Alpha Elite. A New student?" Tanong nya. Tumango lang ako bilang tugon. "I wonder who's your deity." Sabi nya at inabot saakin ang pin patalikod. "Compass yan. Sabihin mo lang kung saang lugar pupunta at ituturo nya iyon." Sabi nya.

"Sige po." At nag bow ako tsaka umalis. Hindi pa ako nakakalayo narinig kong may sinabi syang "see you around, our highness " na nagpakilabot sakin.

Bumalik ako ng tingin sa pin na may compass. "My dorm" sabi ko pero nilapit ko ito para sure na rinig nya. "Alpha Elite dorm, activated." Sabi ng pin at nagsimula ng magturo.

Dinala ako nito sa isang door at pagpasok ko may tulay. Jusmeyo.. Papunta na nga lang ng dorm may tulay pa.. Humawak ako sa lubid at ng makarating sa dulo ay may pinto ulit. Wow todo security nila ahh.. I'm curious about my section.

I immediately looked at the right side of the door near the doorknob when a laser comes out there and scan my pin and the door opened automatically. "Welcome lady Bella." Sabi ng... dorm?

I'm tired.. Nilibot ko ng tingin itong... dorm? O bahay? Ang laki kasi mas malaki pa sa bahay namin. Sa right side ay nandun yung sofang L-shape tapos may malaking tv. Sa left ay nandun ang dining area at kitchen. Sa gitna ay may hallway at may  isa, dalawa, tatlo, lima, pito, walong kwarto at sa pinaka dulo ay may two glassdoor at sa tingin ko ay veranda. Good to know na may kasama ako dito sa dorm. Baka mamatay ako sa pagkaboring dito--- pero sana lang mababait sila.

Dine-activated ko yung pin para tumigil sa compass at tinusok ulit sa right side ng uniform ko. Umupo ako sa sofa at nilagay sa tabi ko yung bag ko. Nakakapagod naman to masyado..

naalala ko nanaman si tita.. pano kaya kung nalaman nyang ganito yung itsura ng dorm dito? Haha baka sumugod yun dito at makitira.. pero mas gusto ko pa rin doon kahit mas malaki to.. Mas maraming memories na nakatago doon, katulad nalang nung kasama ko daw sila mama't papa nung buhay pa sila..

Nakatitig lang ako sa chandelier hanggang sa dalawin na ko ng antok.

---------

"Woah.. chix to pre.."

Hmmm..

"Wag nga kayo maingay."

hm?

"I met her kanina sa lobby sabi nya pa nga si Althea---"

" tumahimik na kasi kay---"

"Shut up guys. Basta tumigil na kayo dyan."

"TCHE!"

"Holy styx!" Sigaw ko. Napabalikwas ako bigla ng bagon dahil doon sa sigaw.

"Tuloy, nagising sya." Sabi ng isang babae at lalaki. "Soo? What's your name? You know you're so beautiful. Who's your dei---"

"Ikaw yung girl kanina na sabi si Althea ang deity?" Nakasmirk na sabi nung lalaking nakita ko kanina.

"Althea who?" sabi nung may gray sa baba ng buhok nya. Cooool!

"your mom" napatahimik silang lahat at mamaya bigla nalang tumawa.

At ako naman, napayuko nalang sa kahihiyan. Walanghiyang harina yan!

Ang puti nya kasi kaya harina nalang hihi--shuttup nakakainis pa rin sya masyadong mayabang.

"Relax.. baka wala pa syang alam.." Nagtanguan naman sila.

"Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ko. Sasagot sana sila pero inunahan ng bahay.

"Alpha Elite. Be ready because the ceremony will start in 15 minutes." Sabi ng bahay. Wow ang cool talaga. May utak yung bahay?

"Ok. Wait! Walang tatakbo lalo ka na camm, son of Hermes, god of speed. Papakilala muna tayo. I'm Christina Raine. Raine nalang kasi ayoko ng christina. Tsaka mo nalalaman kung sino deity namin at sayo sa ceremony." Sabi sabay kindat nya. Hmm yung buhok nya straight na dark brown pero slight lang. Tapos may mga blue hair strands sya na medyo ikinataka ko.

"Sunnie Hellerie here! Waaaah.. ang ganda mo.." sabi naman nung isang cutie. Blubby rin. Haha.

"Olivia Graye. Hope you're not a distraction." I feel the authority between her. At feeling ko ay ayaw nya sakin, pero wag naman sana.. matapang yung aura nya tapos yung buhok nya sa medyo baba color like ash. Cool.. Natural kaya yung mga buhok nila o ganyan talaga?

"Shin Art. nice to meet you.." Tipid na sabi ng isang light ang aura pero mukhang naughty.

"Cammeron Christian. Hi." Sabi naman ng orange konti ang buhok. Some strands of hair nya lang yung may orange tapos black na lahat katulad nung Raine..

"Drake Warius." Sabi ng nakabunggo ko kanina na nakasmirk pa rin at kinindatan ako. Inirapan ko lang sya.

"Blake" Sabi ng black hair na ang mata ay masyadong malalim. Ako lang ba o ang bigat ng aura nya?

"Ikaw anong pangalan mo?"

"Bella Nicole. Hello.."

"Ok so tara na mag ayos na tayo!"

Tumakbo si Camm ng sobrang bilis na parang si flash na talagang nakakagulat. May gosh. Naglakad na rin ako papuntang room ko. May nakita akong maroon box na--- ha? San galing to? Nilapitan ko to at tinignan ang letter.

'Use it love.'

Sabi sa letter. Binuksan ko yung box at nakita ko ang napakaganda na dress, gad. Pink sya na parang flower petals yung dulo. Kanino kaya to?

Hindi naman masamang gamitin noh? Wala rin naman akong susuutin eh.. ok na to hwehwehwe..

Semideus Academy: School Of Demigods (Slow Update)Where stories live. Discover now