"Malay mo diba?! Bobo!" Sigaw niya pabalik.

Di na lang umimik si Kupeng kasi alam niyang hindi talaga nagpapatalo ito sa kanya kaya siya na lang ang nagpapaubaya minsan.

Maya maya pa ay nag ring na ang bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa kanya kanyang naming room.

"Kita kits na lang mamayang uwian ha. Dito uli sa tambayan" aniya ni Natasha na nauna na dahil malayo pa ang room niya.

"Byeeee!" Sigaw ni March at naglakad na silap papalayo ni Tamarra.

Nang makarating kaagad nang room ay saktong nandoon na ang teacher namin.

"So bago tayo magstart ng discussion. May iba akong ididiscuss about ito sa palaro natin dito sa school"

Nasiyahan naman ang lahat ng marinig iyon.

"So we've decided na magpalaro para hindi boring ang pananatili niyo rito. Ang gagawin natin ay mag eeliminate muna tayo bawat sections-" mabilis ang pangyayari sa isang kisap mata naputol ang ulo ng aming teacher. Lahat ay hindi makapaniwala at lahat ay nagtitilian.

Sumirit ang dugo sa leeg niya at lumipad ang ulo niya sa deriksyon namin.

Maya maya pa'y biglang bumukas ang monitor na nasa aming classroom. Lumabas ang nakaitim na tao. Hindi ko ma identify kung babae ba o lalaki dahil nakamaskara siya ng creepy face.

"HIHIHIHIHIH. Kamusta students of so called Limetician fucking University. Do you know me? HAHAHAHHAHAHA of course hindi" sabi nang misteryosong tao sa monitor.

"Sino ka?! Anong kailangan mo samin?!" Sigaw ng isa naming kaklase.

"So we will play a game. Are you ready? HAHAHAGAH pero wala naman kayong choice gustuhin niyo man o hindi itutuloy ko 'to." Sambit niya. Hindi niya pinansin ang tanong ng aming kaklase marahil ito ay recorded.

"Ang mechanics lang naman ng game ay dapat talasan niyo lang ang pag iisip niyo. Kung sinong makasagot in 60 seconds makakalabas and will move on to the next round, may keyboard diyan you can use that to enter your answer, three attempts only per person . At ang matira ay mamamatay. So let's start" tumikhim siya at biglang nawala ang mukha niya sa monitor. Napalitan ito ng isang katanungan na nagpaingay sa buong klase.

"The maker doesn't need it, the owner doesn't want it,  the user doesn't know that he's using it. What is it? ____________"

Iyan ang nakalagay sa monitor. May tumakbo kaagad papuntang monitor at nagtype. Coffin ang sagot. Bumukas ang pinto ng classroom at nawala ang tanong. Lumabas kaagad siya.

Napalitan ito ng panibago.

"-.-  .-  -.   -.--  ---  ..-   ... ---  .-..  ...-  .   --  .?  _______________"

"Morse code" bulong ko sa aking sarili.

May tumakbo na rin naman kaagad at tinype ang sagot. Can you solve me? Ang nakalagay. Nakalabas din ito kaagad. May mga lalaking nagtutulungang buksan ang pinto pero hindi nila kaya dahil gawa sa bakal ang mga pinto ng bawat classrooms.

Napalitan na naman ito ng panibagong tanong.

"BC-AA-CB-ED-CD-DE-DB-BB-CD-AD
______________"

Gagawa pa lang sana ako ng graph nang biglang may tumakbo at  tinype ang kaniyang sagot. I am your god. Yun ang sagot.

Merong nagkamali at nakatatlong attempts. Naputol ang ulo niya at nagtalsikan ang mga dugo saamin.

"Fuck!" Sigaw ng isa rin sa mga natira.

Madaming nagkakamali at madami ring nakalabas.

Lima na lang kami.

Last question na daw iyon dahil sa mga maling sagot ng mga iba.

"ZLKDOXQP VLR PROSFSBA  ____________"

Caesar cipher ito at bihasa ako kaya tumakbo kaagad ako para itype ang aking sagot.

CONGRATS YOU SURVIVED

Iyon ang hidden message. Hindi na ako nag alinlangan pa at lumabas na kaagad ng magbukas ang pinto. Nakita ko ang iba pang nakasagot. Maya maya pa may narinig kaming kalabog. Pagsilip namin sa bintana ay halos maduwal kami dahil nababalot ng dugo ang buong classroom.

Ang iba ay nag sisi iyakan na at ang iba ay tulala na lang. Habang nakaipon kami doon.

Bigla na lang kaming nahulog ng sabay sabay na para bang nakasakay kami ng elevator pero mabilis ang pag galaw.

Game OverWhere stories live. Discover now