"wait lang Sky, nawawala yung importanteng suot ko ngayon" sabat ni Yanna sa katahimikan ko
"what your panty?" i smirked then her face turned red, why does it turn to red?, is it true
"Stupid not that!. It's the bracelet given to me, by my mom" she said then rolled her eyes ceilingward
"Edi kunin mo" ayaw ko na kasi maglakad pagod na ako
"Sige hintayin mo ako ha?"
"oo na"
Umupo ako sa lumang troso sa tabi.
"Psshhh-pssshhh"
Napatayo naman ako sa narinig ko at tumakbo kaunti, shit ano yun?! ahas ba yun?
Pero mas malakas yung tunog na naririnig ko dito sa bagong pwesto ko, tumingin ako sa paligid ko at umosog pa ng kaunti sa bakod ng apartment hanggang sa dulo.
"PSSSHH-PSSSHH-PSSSHHH"
Bakit ba palakas ng palakas?!! natatakot na ako mamaya tuklawin na lang ako bigla.
Tumalikod ako at nagdahan-dahan pero nagulat ako dahil may isang nagva-vandals sa abandoned building, sa suot niya alam kong isa syang skater.
Uwwaahhh, ang galing niya, yung pangit na wall nung building napaganda niya.
Pero bakit parang mukha ko ata yung pinipinta niya?, yung akala kong ahas kanina ay, spray paint pala -___-
Umusog pa ako ng konti para malaman kung ako talaga yun, pero kung ako nga yun maiinis ako, ikaw kaya kung iva-vandals yung mukha mo, papayag ka bang nakanganga?
"ahhh!!" sa sobrang usog ko natapilok ako, dahilan para makita niya ako.
"What are you doing here?" tanong niya sa'kin bago humarap. Wait lang si Jiro ba to?
"ahhh Ha-ha-ha wa-wala" si Jiro nga, yung top 2 ng class A, psshh ang cool tignan pero sa tingin ko boring siya kung magiging boyfriend ko, mahilig daw yan sa aklat eh.
Well, ngayon ko lang napagtanto na kahit pala nagtransfer ako sa ibang school ay marami parin akong alam na chismis galing sa chismosa kong classmate, *smirk sa sarili*
Napatingin naman ako dun sa bina-vandals niya, kaya lang parang kumunot yung noo niya
"Pwede bang wag mo munang tignan yung gawa ko kasi hindi pa tapos?"
May point siya, kaya tumalikod na lang ako. Gusto ko masurpresa kapag makita ko yun ulit. Hindi ko narin natanong kung ako ba yun, Wahaha ang feeling ko naman!! natatawa tuloy ako.
"Sky, tara na" hinila na ni Yanna yung kamay ko at nagumpisa na kaming maglakad ulit. Hindi niya ba napansin si Jiro?
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga ungol na naririnig ko, Yuck masyado!!
"Huy bakit ka tumatawa mag-isa?" sabi ni Yanna sa tabi ko
"wala, pakinggan mo kaya yung paligid" natatawa kong sabi
"Puro ungol" sabi niya na malapit naring matawa
"HAHAHAHAHA" sabay naming tawa
/SCHOOL/
"waahhh bilis-bilis Sky ayun na yung bulletin board, para sa grade11 students!! hanapin na natin yung section natin!!" sabi ni Yanna habang hila-hila yung kamay ko
"huy ano ba ayaw kong tumakbo!!"
"sus!! ang arte-arte mo talaga!" hay nako, eto nanaman siya.
Wala na akong nagawa kundi magpahila na lang din, total konti pa lang naman yung tao haha! ang aga ata namin o late na kami?.
pagdating namin sa bulletin board ay agad ko nang hinanap yung pangalan ko alangan naman hanapin ko yung kay Yanna.
finlay-finlay-finlaaa.... AY!! putspa! who the hell is this!?.may bwisit na humarang antangkad pa naman din!!
"hala! kuya may naghahanap din po ng pangalan dito sa likod mo! wag naman po sanang bastos ahh.." pasimple ko nalang na sabi sa kanya, ayaw ko kasi ng gulo, baka gangster to o kung anuman, naka itim kasi ng pang-itaas tapos naka cap pa na black, di kasi uso sa school namin mag uniform, gagamitin lang daw yung uniform namin pag may mga bisita para mag observe sa pamamalakad ng school namin. Kung maganda ba o ano. Well syempre maganda!
"Uhmm sorry" he sincerely said.
"Forgiven" and with that he left.
I look up for my name again.
Finlay-finlay-finlay-finlay..... and.. BINGO! nahanap ko na din. Taylor Sky Finlay section... (o.O)./.
o...oohh, "this is not true right?" i asked myself with a faint tone.
"yes! it is... Taylor Sky Finlay section A. Haha magkaklase tayo. Ulit" pabulong na sabat ni Yanna sa likod ko, kagulat kala ko multo
para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko aaahhh! ang malas ko! bakit nasa section "A" ako? ganun naba ako katalino? ok naman ako sa section "B" ahh? pero bakit ako nalipat sa section "A"? ang hirap pa naman din sa section na yun!. hindi yung lesson ahh yung mga tao ang mahirap paki-samahan.
Syempre nandun din yung mga geek! yung tipong ginawa na nilang kasintahan yung libro!..
NGA pala, haha! anlakas ng loob ko magkwento sa inyo, pero di niyo pa ako kilala.
Taylor Sky Finlay, grade11th student this school year.
Habang naglalakad kami papuntang hagdan, as usual, madami na namang matang nakatingin pero di ko nalang pinansin. Third floor pa daw yung classroom namin tapos sira pa yung elevator, nasira ng mga grade 8, hmmp! naging homo erectus siguro kaya nasira! banas lang ehh dapat ngayon nandun na kami
.
Nandito na kami sa third floor, at sinisimulan ko na rin na hanapin yung room namin ng biglang sumigaw si Yanna
"Room #13 HAHAHA!! HOY SKY eto na yun!! bilis pasok na tayo!" bakit ba excited masyado tong kasama ko? kabwisit eh, ampangit na nga ng section namin tuwang-tuwa parin
Nung nasa harap na kami ng room ayun! nagambala ata namin yung mga geek sa kabilang dulo, nagtinginan ba naman? pano kasi ang ingay-ingay ng kasama ko hindi matahimik, inilibot ko nalang yung mata ko sa paligid para maghanap ng mauupuan pero tumingin na lang muna ako sa labas dahil sabi ni Yanna siya nalang daw muna maghahanap, papaalisin niya daw yung nandun sa harapan para dun daw kami at tumingin-tingin nalang uli ako sa labas,
then one guy caught my attention, he's talking to his new girlfriend, he laughed after he patted her hair like a little kid, he kissed her in the cheeks then flash a smile and leave her. *sigh i wish, i am the reason of that smile, the one he's talking to, that should be me, if i didn't leave him, but now i guess he's really happy with her, so i should be happy too right?.
"that should be me, holding your hand, that should be me making you laugh" kanta ni Yanna sa likod ko
"hay nako Sky tara na nga selos na selos ka na ehh matunaw pa yang likod ni Ken sige ka" sabi pa ni Yanna ng pabiro
"tumigil ka nga" iritable ko nalang na sabi.
CHAPTER 1
Start from the beginning
