We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

PAMILYA 1

7 0 0
                                        


"Daddy! Daddy buhatin mo po ako!!" sabi ko sa daddy ko habang hinihila ko ang pantalon nya kasi mas mababa pa ako dito.

"Mylene, bakit hindi mo dalhin muna ang mga bata at ipasyal sa playground?", tila sabi ni mama sa kasambahay at yaya naming magkakapatid.

Hinalikan kami ni daddy at mommy at masaya kaming lumabas ng bahay para makapaglaro sa playground. Tuwing hapon ay madalas kaming ipinapasyal dito ni ate Mylene at dito kami naglalaro nina ate Joy, at Ezra---ang aking mga kapatid.

Tatlong gulang ako noon. Tatlong gulang lamang ako pero tandang tanda ko pa kung paano ko binitiwan ang mga tunay kong ngiti, kung paano ako sumayaw ng parang wala nang bukas at ang mga huli kong masasayang pagbigkas ng pangalan niya.

Di ko akalain. Di ko akalain na aalis na pala si papa.

Lumipas ang gabi. Si mama lang ang dumating sa bahay. Masaya naming siyang sinalubong at hinalikan, ngunit napansin naming hindi niya kasama si daddy.

"Mama, si papa?" tanong ni ate Joy kay mama, na parang nabasa niya ang isip ko.

"Mga anak," huminga ng malalim si mama, "Magwowork muna si papa sa States, doon muna sya magsstay, pero babalik din siya pag nakaipon na."

Nagsimula nang mamula ang mga mata ko at umiyak, kasabay ng pagiyak ng nakakabata kong kapatid na si Ezra.

"Para din sa inyo kaya magwowork si Papa, kaya wag na kayong umiyak. Babalik din siya", pangako ni mama, kaya tumigil na rin kami sa pag iyak.

Mula noon, gabi-gabi kaming sabay-sabay nagdarasal kay Lord, na itinuro samin ni mama. Hindi kami natutulog habang hindi naming naipagdadasal na umuwi na si daddy, at makumpleto na kami ulit. Sa mga pictures lang namin sya nakikita, at hindi rin sya madalas nakakatawag sa telephone. Pero okay lang, babalik naman siya. Sabi ni mama, maalaga at mapagmahal daw si papa. Lalo namin syang namimiss, pero okay lang, babalik naman siya.

Nagpuntasi mama sa US at binisita si daddy ng ilang beses, at doon sila ay biniyayaanng isa pang supling. Ngunit dito ipinanganak ang kapatid kong iyon. Ang pangalan nya ay si Deane.    

To Love, Laughter and Happily Ever AfterStories to obsess over. Discover now