"Sinong may sabi sayong ipainom mo sa 'kin ang pineapple juice kagabi? Nanggigigil ako sa 'yo, sapakin kita d'yan eh!"

"What? You prepared that juice, of course I thought you wanted to drink it." irap niya sa akin. Tuluyan na siyang bumangon ng kama. Napalundag ang Fallopian tubes ko nang bumaba sa katawan niya ang kumot. Oh ulam. Nakahubad damit si Cole at tanging boxers lang ang suot. Oh kanin nalang ang kulang. Langhap sarap. Finger lickin' good. Masarap kahit walang sauce! Love ko talaga 'to! Nakagat ko ang labi ko. Kung hindi ako palpak kagabi malamang natikman ko na ang masarap na luto ng langit. Ang kaso shunga eh!

Nagpunta siya sa banyo, paglabas niya mamasa-masa na ang katawan at mukha niya. Habang hawak ang kapirasong towel na ginagamit niyang pamunas. Nagtungo siya sa parte ng kuwarto kung saan may nakainstall na silver bar at nagsimulang mag-pull ups. Napamura ako. Shit. Biceps.Triceps. Abs. Shoulder lines. Muscle display, parang last full show. Kapana-panabik ang pagbaba at pagtaas ng katawan niya. Tipong pag-uwi ng bahay hahampasin ka ng nanay mo kasi late ka ng umuwi pero ok lang sayo. Nagpapawis na siya. Nakailang beses niyang inangat-baba ang katawan sa bakal na kinakapitan. Ang lakas ng grip ni Cole, hindi napapagod. Hindi na talaga ako makapaghintay na magpasakop. Nakabuka na nga ang bibig ko eh.

Bakit ang gwapo ni Engr. Cole Ramirez? Hindi makatarungan.

Nang matapos siya sa ginagawa ay lumapit siya sa akin. "Nauuhaw ako." sabi niya. Dumukwang sa harap ng mukha ko, akala ko hahalikan ako. Pero isinara lang bibig kong nakabuka.

Bakit ngayon ka lang nauhaw? Bakit hindi kagabi?

Hindi naman niya ako inutusan na kumuha ng maiinom pero bakit tumayo na ako para kumuha ng malamig na juice sa ref? Nakasuot ako ng oversized niyang damit. Wala pa sa kalahati ng binti ko ang natatakpan noon. Bumalik ako at inabot sa kanya ang juice.

"May tanong ako." sabi kong nakatitig sa pawisan niyang leeg habang nilalagok ang juice. Lalaking-lalaki, nakakauhaw ng pagkababae. Pakiramdam ko lahat ng egg cell ko naglundagan na Adam's apple palang.

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Hinalikan mo ba ako kagabi? O imagination ko na naman 'yon?"

Umangat ang sulok ng labi ni Cole. Bahagyang sumingit ang mata niya, mga facial expressions nitong talagang nagpapa-gwapo dito ng husto. "Imagination mo na naman? Iniimagine mo 'kong hinahalikan ka?"

Napalunok ako. Ganun na nga. "Hi-hindi. Bakit ko naman gagawin 'yon? Feeling mo naman ang gwapo mo, eh kambing ka naman. Hindi ka gwapo noh. Walang gwapo sayo. 'Yang muscles mo, wala 'yan. Walang epek. 'Yang ngisi mo? Naku, nakakasuka. Hindi totoong hinalikan mo ako kagabi noh? Hindi--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hawak na ni Cole ang baba ko, at magkalapat na ulit ang mga labi namin. Lasap ko na ang tamis ng pineapple juice sa bibig niya. Tulala ako ng bitawan niya ang labi ko. Bakit ba niya ako hinahalikan ng ganito? Nasisiraan na ba ako ng ulo? Nasa totoong mundo pa ba ako? Kagabi ba namatay ako sa pool? Naku lagot!

Hindi totoong mundo 'to. Kung hindi ako na-deadz sa pool kagabi. Malamang tulog pa ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko, diniinan ko iyon hanggang bumaon ang ngipin ko sa ilalim ng labi ko at sumakit. Ginising ko ang sarili ko. Pero walang nangyari, sa halip hinapit ulit ni Cole ang beywang ko at muli akong hinalikan. Diyos ko. Patawarin mo na ako sa pagkakasala ko kagabi. Alam ko naman po na mali ang ginawa ko kay Naomi, pero kung nababaliw na ako sa mga oras na ito, gisingin mo na ako. Parang-awa mo na Lord. Ayoko pong ma-psycho. Virgin pa ako.

Feel na feel ko ang labi ni Cole sa labi ko. Lasang-lasa ko ang sarap ng dila niya sa loob ng bibig ko. Napahawak ako sa matipuno at pawisan niyang dibdib para kumuha ng suporta, pakiramdam ko kasi tinatangay niya ang buong lakas ko sa sarap ng halik na ginagawad niya sa akin. Nagbago na pala isip ko Lord, wala akong pakialam kung nasa ibang galaxy, ibang dimension o kung naitapon na ako sa Marawi, basta ganito ka-sweet ang halik at yakap ni Cole, ok lang Lord. Napapikit nalang ako at napakapit ng husto sa katawan niya. Nuot na nuot sa ilong ko ang kakaibang bango niya, nakakalibog, parang gusto ko na namang mag-hubad.

"Cole.." nagawa kong bigkasin iyon habang sakop niya ang bibig ko.

"Oh?"

"Pwedeng.."

"Ano?"

"Pwedeng umihi? Naiihi na kasi ako. Puputok na pantog ko. Pero promise babalik ako.."

Napangisi lang si Cole. Humiwalay ng bahagya sa katawan ko, pinisil pa ang ilong ko. "Go. Lalabas na din naman ako. Mag-uumaga na, madami nang tao sa labas. I don't want them to get the wrong impression about us kapag nakita tayong magkasabay na lumabas sa kwartong ito."

"Hanapin mo yung pakialam ko sa kanila ha. Mamatay sila sa inggit at sa kakatsismis. Bakunahan ko pa sila sa dila isa-isa. Mga kingin--"

Sinelyuhan niya ng daliri ang bibig ko.Hinalikan din ako sa noo. Madami pa dapat akong sasabihin pero nalunok ko na dila ko.

"I'll see you in the office later." sabay hawak sa buhok ko. Kenekeleg ako ng sebra-sebra, enebe????Neseye ne eng lehet. Neseye ne eng lehet. Nakakarinig ako ng kanta ni Daniel Padilla, pakiramdam ko high school ulit ako, enebeee???

Nilapatan niya pa ako ng isa pang halik sa labi bago pinayagang umalis. Nanibago ako kay Cole. Ganun kalakas ang gayuma? Wala pang isang patak ang nasipsip niya ah? Moist na nga lang yata 'yon eh. Napakamot ako sa ulo.

Pagkatapos kong maligo, magaan ang katawan kong lumabas ng kwarto. May malinis na dress na iniwan si Cole na sukat na sukat sa akin, excited ko pang isinuot iyon. Ang damit na palaban parang ako. May zipper sa gitna, isang dulasan lang hubad na! Paglabas ko ng kwarto. Nagulat ako dahil ilan sa mga empleyado ng R&R ang nakasalubong ko, nagbulungan pa ang mga ito bago yukong umalis nang pandilatan ko.

"Hindi kayo fuck buddy pero kiss buddy kayo? Anong kagagahan 'yan Isabel? Alam mo bang delikado yang pinapasok mo?" sermon ni Rushell sa telepono. Hindi ko kasi napigilang ikwento kaagad sa kanya ang progress namin ni Cole sa sobrang excitement ko. Malapit na siyang bumigay. Malapit na niyang ibigay ang ligaya.

"Ano bang sinasabi mo, wag ka ngang nega. At please lang wag kang epal! Ito na nga't malapit na ako sa katotohanan. Nasa bunganga na ako ng langit, Rushell. Malapit ng madiligan ang mother nature ko. Konting hagod nalang."

"Gaga. Yung ibaba ng puson mo ang pinapahagod ko sayo hindi 'yang puso mo! Yang mga ganyang, halik-halik at konting yakap-yakap, yan ang mga delikado eh. D'yan ka madadale eh."

"Exactly! Nagpapadale naman talaga ako di ba?"

"Nagpapadale ka sa puso. Kapag ganyan ng ganyan, maiinlove ka kay Cole, sinasabi ko sa'yo talaga Isabel. Maniwala ka sa akin. Mali 'yang ginagawa mo, maling-mali. Matatalo ka niyan. Hindi mo ba napapansin? Pinapahulog ka niya sa kanya. May deal kayo di ba? Ang lagay ikaw lang ang kikilos? Syempre siya din."

"Pinapa-inlove niya ako? At kapag na-inlove ako game over na?" pumasok ang realisasyon sa utak ko. Ngayon naintindihan ko na ang kinikilos ni Cole.

"Buti alam mo!"

"Kahit naman mainlove ako hindi naman ako aamin." sabi ko.

"Kaya mong pigilan? Tingnan mo 'to." Pinasa niya sa email ko ang isang kalalabas lang na article. Litrato iyon ng nagdaang gabi kung saan magkalingkis na nagsasayaw sina Naomi at Isabel. Sila pa nga daw ang couple of the night. At nakasulat sa item na childhood lovers pa ang dalawa. Nakaukit sa bato ang love story nila, itinadhana ng langit at pinagtibay ng panahon. Taray. Pang-MMK. Oh ba't hindi nila ipa-narrate kay Ms. Charo? Bakit ang sakit ng puso ko? Peste kasi 'to si Rushell eh. G na g. Gaga na gaga! Ang saya ko palang kanina, tapos ngayon biglang ang lungkot ko na? Kung mahal ni Cole si Naomi? Ano pala 'ko? Isang laro na gusto na niyang tapusin kaya ginagalingan na niya? Mobile Legends? Dota? Baka naman candy crush? Nakakadurog ang atake niya eh!

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें