Chapter 5: If I Can't Have You, I Don't Want Nobody

25 1 0
                                    

"Ate Sha.. 

Ate Sha? Bangon na. Mapapagalitan ka na naman ni Mama, 'te."

Di ko namalayan na alas-9 na pala ako nagising. Agad akong bumangon, naghilamos at nagsipilyo. Di ko na naalala pang magsuklay.

"Jessamyn, magusap tayo mamaya. Wala kang lusot sa ginawa mo.", ang siyang pagbabala ko sa pinsan ko na ang tanging nagawa na lang ay ngitian ako. Akala niya siguro di na ako magiimbestiga tungkol sa mga binabalak nila ni Alex or ni Max.

Habang ako ay nagliligpit ng mga pinagkainan nina Tita, Jessamyn at pati na rin ang pinagkainan ng alaga nilang chowchow na si Macky, nag-ring ang landline nina Tita.

RING.... RING.... RIIIIIIINNNNNNGGGGGG!!!!!

"Magandang umaga po. Pwede po bang makausap si Sasha? Mahalaga lang po at kung maari lamang po ay makausap po namin siya agad."

"Si Sasha ang kausap niyo. Sino ito?"

"Sash, si Reina ito... pwede ba tayong magkita para mas mapaliwanag ko sa iyo yang liham na matagal mo nang inaalala kung kanino galing?"


"Bakit? Sino ba nagbigay nun at dinamay pa nila si Jessamyn? Why are you using my own flesh and blood to spy on me?" Iba na yung naramdaman ko at iba na rin ang naging dating sa akin nitong biglaang pagtawag ni Reina. Minabuti ko na ring tanungin kung ano ba ang papel nila ni Jessamyn dito sa gulong kinasasangkutan namin.

"Buntis kasi ako pero..."

"Pero ano? Oo alam ko na hindi asawa mo ang ama ng batang iyan. Kilala kita noon pa. Di ba nga inagaw mo si Max sa akin? Tapos ano? Umaasa kang papatawarin at kakaawaan na lang kita na para bang hindi mo ako nasaktan sa mga kagaguhang ginawa mo?", nagsimula na akong maglabas ng saloobin at hinanakit ko sa kontrabida ng love story ko.

"Uy... wag naman nating idamay yung baby, ate Sasha. Pamangkin natin yun."

"HA??? Pakiulit nga. KANINONG PAMANGKIN???!"

"Natin. Magkapatid tayo sa ama, Sasha. Di pa matagal mo nang nais malaman ano nangyari sa amin ni Papa matapos hiwalayan ni Mama si Papa?"

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Nasaan ang pruweba o ano ang hawak mong ebidensiya na siyang magpapatunay na kapatid at kadugo kitang hayop ka?!" Siya nga naman o. Nananahimik na ako e. Bakit ka ba nangiistorbo, Reina Demonyita?

"Di bale na lang. Kung hindi mo matanggap ang katotohanan, huihingi ako sa iyo ng dispensa alang-alang lang sa pinagsamahan natin. Yan ay kung natatandaan mo pa na bago naman tayo nagkaroon ng lalaking pinagawayan, naging kaibigan mo muna ako. Sana may naitabi ka pang mga alala ng mga araw na yun."

"Hindi mo kasi naiinindihan... ang lalim ng sugat na naiwan ng pagtataksil niyo sa akin ni Max. Nasaan ba siya nang mapanagutan man lang niya ang batang dinadala mo. Alam ko na si Daniel ang ama niyan. Nagsumbong sa akin sina Aqui, Ringgo at Alex nung limang buwan mo palang yan ipinagbubuntis. Ano na balak mo sa bata?", siyang naitanong ko dahil may natitira pa naman akong awa at malasakit sa mortal kong karibal. 

Kung totoo nga na magkapatid kami, hindi nga ba tama lang na magdamayan kami imbes na mag-alitan? Bilang nakatatanda (anim na buwan ang pahgitan ng mga kaarawan namin), ako dapat ang umunawa sa pinagdadaanan ni Reina. Kailangan niya ako at ayaw ko man itong aminin, kailangan din namin siya ni Mama.

Reina, noon ka pa sana humingi ng tawad. Inantay mo pang maging ina ka para matauhan at pagsisihan ang mga mali mo.

Kaibigan Lang PalaWhere stories live. Discover now