Chapter 2: Paano Kung Ibigin Kita

26 1 0
                                    

Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuloy rin ang kasal nina Max at Reina. 'Di ako pumunta at nakisaya sa kanilang pagiisang-dibdib. Hindi ko makakayanan ang sakit na maaaring idulot ng naganap na pangyayari. Tulad ng nais ko, lumipat ako sa sarili kong tirahan na nabili ko gamit ang perang iniwan sa 'kin ng mga magulang ko bago sila naghiwalay. Pinilit ako ni Cheska na huwag ituloy ang mga ibinabalak ko.

"Sasha, bakit mo ito ginagawa sa sarili mo? Kalimutan mo na si Max at kahit sabihin mong hindi mo ito magagawa dahil isinumpa mong mananatili kayong magkaibigan, parang awa mo na. Hindi siya ang karapat-dapat para sa iyo."

Napaiyak niya ako sa kanyang mga sinabi. Ipinaliwanag ko na kailangan kong tumigil sa pagaaral upang masuportahan ang aking ina dahil magmula nang kami'y iniwanan ng aking ama, lahat ng aming ari-arian ay napunta sa kanyang pangalawang pamilya. Namasukan bilang waitress sa isang restawran ang aking ina na pagmamay-ari ng pamilya nina Alex at Daniel. Agad akong pinadalhan ng liham ni Alex na nagsasabing mabuti naman ang kalagayan ng aking ina at maganda naman ang pakikisama nito sa kanyang mga amo't katrabaho.

"Sasha,

Dito sa aming restaurant naisipang mamasukan ng ina mo. Ano'ng nangyari sa mga bahay at lupa niyo? Totoo bang binawi ito ng ama mo at ipinangalan sa kabit niya? Matagal-tagal na rin tayo 'di nagkikita. Marami kang na-miss na kaganapan. Una, ang kasal nina Max at Reina at pangalawa, anniversary ng ating pagkakaibigan. Sulatan mo naman kami ni Cheska.

Nagmamahal,

Alex."

Pagkatapos kong mabasa at maunawaan ang mga nilalaman ng liham, nagtungo ako sa tahanan ng aking tiyahin sa T.M. Kalaw upang manilbihan bilang yaya ng aking mga pinsan. Sumalubong sa akin si Jessamyn, ang onse-anyos kong pinsan, sa harap ng gate.

"Ate Sasha! Tagal ka nang hindi bumibisita ah. Pasok ka." Niyakap ko siya at tinanaong agad kung nariyan ba ang tita ko.

"Sasha, alam ko kung bakit ka naparito. Pinapahanap ka ng nanay mo ng mapagtratrabahuan. Ikinagagalak kong ipaalam sa iyo na pumapayag akong maging yaya ka ng iyong mga pinsan. Pinagbilinan ko si Manang Susie na asikasuhin ang paglaba at pagluluto. Ang kalilangan mo lamang gawin ay panatilihing malinis at maayos ang bahay at bantayan ang mga pinsan mo. Maliwanag ba?", agad na pagtanong sa akin ni Tita Delia.

"Masusunod po, ma'am.", sagot ko sa tiyahin ko.

Kaibigan Lang PalaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ