Chapter 4: Di Kita Malimot

40 1 0
                                    

Agad-agad akong tumungo sa aking silid upang mabasa at malaman ko ang nilalaman ng liham na pinadala sa akin. Kay Max nga ba ito nanggaling? O baka may nangti-trip lang sa akin?

"Ate Sasha? May kailangan bang ipabili para sa ulam natin ngayong gabi? Lalabas kasi muna si Mama. Pinapatanong niya kung may mga kailangan ka rin."

"Wala naman sa ngayon. Nakabili na ako ng mga rekado para sa sotanghon. Ba't di mo ako tulungan maghiwa ng sitaw at mag-ayos ng hapag-kainan? Di ba paborito mo ang chicken sotanghon?", ang isinagot ko sa tanong ng pinsan ko.

"Sige, ate. Mamaya magkuwento ka ha? Di ko naman ipapaalam kahit kanino na may sumulat sa iyo e.", paniniguro ni Jessamyn na noon pa man ay sinusuportahan na ang sinumang magbalak na manligaw sa akin. Siya ang taga-tanggap ko ng mga bouquet, chocolates, love letter at lingerie. Oo, may mga fuck boy kasi na nasama sa mga matitinong nanligaw sa akin noon. Eh ako naman basta gwapo pumapalag ako. Kaya rin naman nang malaman ito ng ilang kamag-anak ko kasama na ni Tita Delia ay sari-saring pagbabatikos at panlalait ang inabot ko.

"Bakit ba kasi napaka-cheap mong dalaga ka? Porke gwapo pinapatulan mo e ang nais lang naman nila e makipag-sex sa iyo? Oo, nabuhay ka at nanggaling ka sa isang inang haliparot pero kinakailangan bang tularan mo ang isang inang gaya niya?", paninisi at pangungutya sa akin ni Tita Delia.

"DELIA! Ano ka ba naman? 'Di naman niya alam na gagaguhin lang siya ng mga binatang yun. Pero teka nga, Sasha. Umamin ka nga. Hindi ba matagal mo nang boyfriend si Max?", ang siyang nais malaman ng Tito Popoy ko. Si Tito Popoy ay matandang binata. Di siya pinalad na maikasal sa first love niyang flight stewardess daw noon ng Etihad.

"Tita, tito. Magpasalamat na lang po tayo na iniimbestigahan na nila yung Koreanong nanggoyo sa akin. Naibalik na din nila sa atin ang perang naipon ko sa pagdi-dishwasher sa motel.", ang tanging naisambit ko. Alam ko din kasi na di nga naman asal ng dalagang Pilipina ang sumama na lang basta sa isang dayuhang ang nais nga lamang ay makipagtalik sa Pinay.

Nang nasiguro ko nang mag-isa na lang ako maliban kina Kuya Obet at Manang Susie na nasa dirty kitchen nanonood ng telenobela, muli kong binuklat ang liham. Ito ang bumungad sa akin:

"Mahal kong Sasha,

Kumusta na? Mabuti ka naman ba? Kailan ba tayo muling magkikita?

Nga pala, bakit naman di mo maisipang  magpakita man lang sa akin?

Na kinakailangan pang makipagkuntsaba ako kay Jessamyn na iabot sa iyo ito. - - -"

Ha???

JESSAMYN! Anong ibig sabihin nito? Magkakuntsaba saan? Ano namang trip ninyo ha? Paki-explain.

Kaibigan Lang PalaWhere stories live. Discover now