Pero hindi nakikinig sa kaniya si Havoc. Nakatingin ito sa sarong na nakapulupot sa leeg niya at ang Cardigan na suot niya.

"Its summer." Havoc whispered, his voice was cold and angry.

Napahawak siya sa Cardigan na suot. "I'm just cold and—"

Iniangat ni Havoc ang kamay saka dahan-dahang inalis ang sarong niya sa leeg. Mabilis niyang pinigilan ang kamay nito.

"Please... don't..." she begged.

Hindi nakinig si Havoc. Pinapatuloy nito ang paghubad ng sarong sa kaniya at napapikit nalang siya ng tumambad sa binata ang namamaga niyang leeg dahil sa pagsakal sa kaniya ni Monti.

At napaigtad siya ng maramdaman ang paglapat ng masuyong haplos ng kamay ni Havoc sa leeg niya.

"He did this to you?" Nanginginig ang boses nito at nagtatagis ang bagang. "How dare he hurt my Inna..."

"Havoc—"

Naririnig niya ang pagtatagis ng ngipin nito at ang mas lalong pagdidilim ng mukha. Sa kislap ng mga mata nito ay kaya nitong labanan si Monti sa mga sandaling 'yon.

Masuyo niyang sinapo ang mukha ni Havoc. "Tesoro... look at me." He was trembling in anger and she have to calm him down. "Tesoro... look at me." She was pleading, "please... look at me."

And slowly his dark deadly eyes looked at her.

"Don't do anything stupid, tesoro."

"He hurt you."

"Promise me you will not do anything stupid." Nagmamakaawa niyang pakiusap.

"He hurt you." It's like he was chanting to himself. "He hurt you. My Inna. Her hurt my Inna. How dare he hurt my Inna."

"Tesoro..." pinalibot niya ang nga braso sa beywang ng binata saka hinalik-halikan ito sa pisngi, "listen to me, tesoro, please? Ayokong pati ikaw ay madamay sa gulo. Please? Nagmamakaawa ako."

"Pero sinaktan ka niya." Pabulong nitong sabi pero nandoon pa rin ang talim niyon. "Sinaktan niya ang Inna ko. Ang Inna ko..."

"Havoc..." hindi ito puwedeng mapahamak ng dahil sa kaniya. She know Monti. He will beat up Havoc. "Please...listen to me. Monti will kill you if he ever finds out you're here—"

"I wanna see him try."

"Havoc—"

"Hindi ko siya aatrasan." Puno ng galit ang boses nito. "Sa ginawa niya sayo, mapapatay ko siya, Inna. Mapapatay ko siya." Nanggigil ang boses nito at nanginginig ang buong katawan. "Sinaktan ka niya. Hinding-hindi ko 'yon palalampasin!"

"Havoc." Hinaplos niya ang pisngi nito. "Calm down... please? Tinatakot mo ako."

Sa sinabi niyang 'yon, kumalma ng kaunti ang binata saka ilang beses itong huminga ng malalim bago maingat siyang yinakap.

"I'm sorry..." he whispered and kiss her forehead. "I'm sorry kung natakot kita. Hindi ko sinasadya."

Napapikit nalang siya at kahit medyo nananakit ang mga braso niya ay yinakap niya ng mahigpit ang binata. Kapagkuwan ay kumalas siya sa pagkakayakap dito at hinawakan niya ito sa kamay saka hinila papasok ng bahay.

"Inna—"

"Sshh..." saway niya rito habang hinihila ito patungo sa itaas kung nasaan ang kuwarto niya.

Wala siyang takot sa ginagawa dahil nakapatay naman ang CCTV ng bahay.

Dinala niya si Havoc sa kuwarto niya at isinara 'yon saka hinubad niya ang Cardigan na suot.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now