PAASA *3*

17 3 5
                                    

Criz's POV

Nasa bar ako ngayon, nakatingin lang ako sa mga tao sa dance floor. F*ck they are all wasted ayokong magaya sa kanila kaya bilang ko ang iniinom ko at tsaka wala rin akong kasama para alalayan ako kung sakali mang malasing ako.

I'm wearing a red off shoulder women bandage dress.  ( Criz's dress is in the media!)

" Another shot of tequila please" sabi ko sa bartender. Agad-agad niya naman itong sinunod at nakita kong pina-slide niya ang shot glass patungo sa direksyon ko. Ininom ko agad ito at ramdam ko ang init ng nilagok ko iyon. ang sarap sa pakiramdam.

Well nandito naman ako sa bar para mag enjoy hindi para mag mukmok.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa dance floor. Sinabay ko ang galaw ng aking katawan sa tugtog.

Nakita kong may lumapit sa akin isang lalaking may matipunong katawan. Nakipagsayawan siya sa akin kaya agad ko namang nilagay ang aking dalawang kamay sa kaniyang balikat. Nagtatalon talon kami ng lalaki at di ko manlang napansin na ang mga kamay niya ay nasa bewang ko na pala.

"Hmm, too fast I like it" sabi ko sa lalaki at binigyan ko siya ng nakakapang akit na ngiti

"Yeah? You do?" sabi niya sa akin at ang mga ngiti niya ay may pagka pilyo.

Hmm alam ko na ang mga klase ng ganitong lalaki. He want's to play? Then I'm in.

Walang sabi-sabing iniwan ko siya sa dance foor at pumunta sa girl's comfort room. Ramdam ko ang pagsunod ng lalaki kaya naging alerto ako. Hindi naman ako naparami ng inom kaya alam ko ang nangyayari sa paligid ko at alam ko rin kung ano ano ang mga pinag gagagawa ko at isa pa! mataas ang ang alcohol tolerance ko.

Papasok na sana ako ng girl's comfort room ko ng may biglang humila sa akin sa CR ng mga lalaki.

Sh*t di ko inasahan yun ah!

Sisikuhin ko na sana yung lalaking humila sa akin ng mabilis niya akong inikot at ipiniin sa pader ng CR at tinakpan niya agad ang bibig ko.

Hindi pala siya tulad ng inaasahan ko pero hindi naman ako tanga at mahina kaya agad-agad ko siyang tinuhod ng magkaroon ng onting espasyo at lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin ay agad-agad ko siyang sinipa sa sikmura.

Napaluhod ang lalaki at umikot ako papunta sa likuran niya at sinipa ang kanyang likod para mapadapa siya sa sahig, inipakan ko ang kaniyang likod at yumuko para makita ang kaniyang mukha.

"Nagbago ka na nga Criz" sabi ng lalaki.

Nanigas ako sa aking narinig. Sh*t! No way! kilalang kilala ko kung sinong may-ari ng boses na yun! Hindi maari!

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa aking magkabilang balikat. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang itsura niya! Hindi siya yung lalaking kasayaw ko kanina sa dance floor!

"I miss you Criz." sabi niya

Nangilid ang luha ko ngunit agad ko iyong pinigilan. Nakalimutan ko na siya. Wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kaniya dahil galit at hinanakit nalamang ang nararamdaman ko sa oras na ito

"Sino ka?!" yan nalamang ang nasabi ko dahil hindi ko mahanap ang mga tamang salita na maaaring ibitaw!

"Tsk tsk tsk don't pretend that you don't know me Criz. You know me too well so you won't easily forgot about me. Matagal tayong nagsama, kaya sinong niloloko mo?"

"Bitawan mo 'kong hayop ka! Sino ka ba ha?! Sabing hindi kita kilala eh! Ugh!"

"My muñeca"  saad niya

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng sinabi niya ang mga katagang iyon. Sinampal ko siya ng malakas, nanginginig ang mga kalamnan ko, kumukulo ang dugo ko puta!

"How dare you!" dinuro-duro ko siya pero hindi ko na kinayang tingnan siya kaya agad-agad akong tumalikod at mabilis na tumakbo palayo sa kaniya!

Anong karapatan niyang tawagin akong ganun?! Wala siyang karapatan! Tumakbo ako ng tumakbo, wala na akong pake sa mga taong nakakabangga ko ang importante makaalis ako sa lugar na 'to! Ayoko siyang makausap o makita manlang!

Nang makalabas ako sa bar mabilis kong nahanap ang kotse ko at tatakbo-takbong pumunta ako sa kinaroroonan non.

Pinaharurot ko ang kotse ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta! naging blank na ang utak ko! naaalala ko nanaman ang mga mapapait na alaalang matagal ko ng pilit na kinalilimutan!

"I'm sorry Criz pero hindi talaga kita minahal, sorry" Napayuko si Borg 

"Ganun-ganun nalang ba yun Borg? 2 years ang relationship natin! tapos sasabihin mong hindi mo ako mahal?! Ano bang nangyayari sa'yo ha?! May problema ba? Kung meron sabihin mo! Huwag yung ganito!" pumiyok na ang boses ko at hindi ko na kayang pigilan ang pag-agos ng luha ko, mistula itong waterfalls, walang tigil sa pagbuhos. Ang dibdib ko ay parang pinagpira-piraso at waring tinutusok ng kutsilyo. Masakit pero hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi niya! Ano! napaasa nanaman ba ako?! Letcheng buhay 'to! Kelan ba ako magiging masaya?! Lagi nalang ba sakit ang mararanasan ko sa tuwing nagmamahal ako?! Bakit ganun!?

"Sorry Criz you don't deserve me"

" T*ngina! tigilan mo ako sa ganyang linyahan na yan Borg! Laos na yan! Kingina naman oh!" Tumingin ako sa kanya ng masama habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Kahit anong punas ko sa mga ito ay wala paring tigil.

"Hindi mo ba talaga ako minahal?" muling pumiyok ang boses ko. Hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman ko. Mas mabuti ng isang bagsakan. 

"Hindi" sabi niya sa akin habang nakatingin diretso sa aking mga mata. Wala manlang akong mabasang emosyon sa mga mata niya, hindi ito si Borg na minahal ko.

Napayuko nalang ako at dinama ang sakit na hatid ng mga salitang binitawan ni Borg sa akin.

Mapait akong napangiti. Pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa aking mga mata at pinigilan ang muling pag-agos nito. Humarap ako sa kaniya at ngumiti.

"Ganun ba? sige ngayon alam ko na ang lahat, na puro lang pala kasinungalingan ang pinaramdam mo sa'kin. Akala ko totoo eh. Akala ko lang pala. Sige tutal hindi mo naman pala ako mahal at ako lang ang nagmamahal. Tama ka, tigilan na nga natin 'to para hindi na masiyadong masakit"

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Hindi pwede nakalimutan ko na si Borg. Wala na akong nararamdaman sa kaniya. Wala na.




________________________________________________________________________________

Opsss padaan! Sorry for late update naging busy kasi ako hikhok. A new character has been revealed. Hikhok. Siguro naman may idea kayo kung sino si Borg sa buhay ni Criz. Comment down below kung ano sa tingin niyo ang magiging character ni Borg sa storya ni Criz hihe..

Ms. Achuete~

Paasa (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon