"Bruce!!"

Lumingon naman agad sya sakin tapos authomatic syang nagsmile nung nakita nya ako, yung killer smile nya pa yung ginamit nya! Para naman akong papatayin nung mga babaeng nakapaligid sa kanya! whaaaa!! WRONG MOVE!!!

"Louise.. kanina ka pa ba dyan?"

Lumapit naman agad sya sakin tapos kinuha nya yung mga gamit na dala ko..

"Ako na magdadala nito.. Akin na yung bag mo."

"W-wag na.. hehe nakakahiya naman! ako na magdadala sa bag ko."

Napalingon naman ako dun sa mga babaeng nakatayo sa iniwang pwesto ni Bruce and guest what?! MUKA SILANG MANGANGAIN NG BUHAY! kung nakakamatay lang ang tingin, malamang.. isa na akong malamig na bangkay kanina pa!! T___T

"Tara na?"

"S-sige.. bago pa ako machop-chop ng mga fan girls mo. hehe"

-------

Dinala ako ni Bruce sa isang mall, di masyadong malayo mula dun sa university namin kaya naglakad na lang kami papunta dito.

"Nakakatuwa pala mga education students.. Pansin kong dominant sa course nyo ang mga babae."

"Yeah.. konti lang kasi yung lalaking gustong magtecher, yung iba sa kanila bakla pa." sabay kaming natawa dun sa sinabi ko. Hayy.. Naalala ko na naman si FRANCE!

ANO BA LOUISE! Maging fair ka naman kay Bruce! hindi ko dapat isipin si France kasi si Bruce ang kasama ko ngayon.. Tama! dapat maging Fair ako..

**

Mga usual stuffs lang yung ginawa namin ni Bruce, yung tipikal na date lang yung ginawa namin.. 

Nanuod ng sine, nag-arcade, nagfood trip at nagkwentuhan. Madami din akong natuklasan tungkol sa kanya at ganun din siguro sya sakin.. sobrang daldal pala ng lalaking to, parang hindi nauubusan ng kwento, super bait at gentleman din. Kung tutuusin perfect na sya para sa ibang babae dyan, pero hindi para sakin.

Hindi naman siguro tama kung magde-decide na agad ako ngayon, siguro nga may purpose din tong 30 date-deal namin.. at sa tingin ko naman, tama ang desisyon kong bigyan ng chance si Bruce..

"Sana nag-enjoy ka sa date natin. Sorry kung sa mall lang kita dinala.. Hindi kasi ako nakapagplano e. babawi ako next time!"

Naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng Jeep, parehas pala kami ng way pauwi kaya pala lagi nya akong nakikita.. Isang street lang ang pagitan ng mga bahay namin.

"Ayos lang yun.. Nag-enjoy ako! Alam ko namang masaya kang kasama.. Akin na yung papel mo, tatatakan ko na."

After kong tatakan yung first box sa table ni Bruce, sumakay na kami sa jeep.. Nagkwentuhan lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay.

Bekii Boyfriend!! ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon