PAKSHET!! saan nya nalaman yon??!!

"MALI KA TEH! MALI YANG NALAMAN MO. At pwede ba! Lumayas ka na! naiistorbo mo ang beauty rest ko. shoo! shoooo!"

"Sige.. ayoko namang pumanget ang future boyfriend ko.. Pero iiwan ko tong cupcakes na ginawa ko. Masarap yan. Ako nagluto.."

SAY WHAAAAAAAATT?!!!

"Whatever. Now shoooo!!"

*End of Flashback*

OH DI BA?! NAKAKALOKA?!! Ipinakain ko na lang kay Bruce yung cupcakes nya. Mahirap na baka may gayuma pa yun. PERO hindi pa dyan natatapos ang lahat meron pa!

*Flashback #2*

Uwian na namin at kasalukuyan na akong nasa parking lot para makalarga na at may booking pa ako, ang kaso lang nawindang ako sa engkantong bigla na lang sumigaw!! Nagtinginan tuloy lahat ng tao sa parking lot!! TAKE NOTE UWIAN NA KAYA MADAMING MADLANG PEOPLE!!

"Fraaaaaaannccee my loves! Ingat ka sa pag-uwi ha! Ayokong mapahamak ang future boyfriend ko!!!"

Nagflying kiss pa sya sakin bago tumakbo palayo! IMBYEEERRRNNAAAAA!!!

*End of Flashback*

TANG*NA LANG!!!!! Halos puro taga department namin yung tao nung mga panahon na yun! IMBYERNA TALAGA!!!! at dahil dun sa ginawa nya ako tuloy ang trending topic ng mga makakating dila sa department namin!! =____=+

teka meron pang isa!!

*Flashback #3*

Nasa Laboratory ako at tinatapos ko yung experiment na pinapagawa sakin ng prof ko sa Chemistry.

"Hi Franceee!!" :">

"NAKAKALOKA KA! Hanggang dito ba naman!! Tantanan mo na ko!!"

"I told you, I wont give up. *smirk* parang yung kanta lang!! gosh! pwede natin maging team song yun!!"

"Team song yer' face!! Lumayas ka na kung wala kang kailangan, cant you see Im busy here!!"

"Pagpatuloy mo lang yan! di kita guguluhin.. dito lang ako.. behave lang ako, titignan lang kita." :">

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko, wala akong pake sa kanya, maghintay sya kung gusto nya! bubuhusan ko na lang sya ng chemicals pag ginulo nya ako.

Pero true enough hindi nga sya nanggulo, ang kaso nga lang ginabi ako sa pagtapos ko ng experement kaya ginabi din sya! nakunsensya naman ako kasi kahit papano sinamahan nya pa din ako kahit hindi ko naman ginusto! At dahil binabagabag ako ng peste kong konsensya, hinatid ko sya hanggang gate ng school. HANGGANG GATE LANG TAMA NA YUN!

Bekii Boyfriend!! ❤Où les histoires vivent. Découvrez maintenant