One ;; Our Heartbreak Day

1.2K 14 2
                                    

ONE MONTH LOVE

One ;; Our Heartbreak Day

***** 

"Huhuhu! Huhu! Dude. *sniff* Ansakit lang kasi huhu!" Hagulgol ko.

Ang sakit pag nireject ka ng taong mahal mo </3

Aware na ko sa feeling na to, pero kasi di maiwasan na magmahal ako. Kaya eto, umiiyak nanaman ako </3

"Dude tahan na, makakalimutan mo rin si Gabriel. Tahan na ui! Makakalimutan mo din sya, wag kang magmahal ng manhid at tanga. Tanga lang nya nireject ka nya." Tama sya, tanga si Gabriel. Kasi nasakin na lahat ng pwedeng hanapin sa isang babae, pero nireject nya ko. Now, I feel I'm nothing, I'm useless. T_T

"Dude? Anjan ka pa?" he asked when I didn't answer back

"Ah oo , *sniff* andito pa ko. Dude thanks ha? Buti anjan ka *sniff* para magcomfort sakin." 

"Ano ka ba? Para san pang maging kaibigan mo ko kung wala naman ako sa tabi mo pag may problema ka? Basta tahan na."

"Eh kasi naman eh, hindi ko naman akalain na mamahalin ko sya. *sniff* Ang sakit lang huhuhu! Ni hindi man lang nya pinansin ung pagcoconfess ko. *sniff* Akala ko may feelings na rin sya sakin. Mahal ko sya. Huhu ansakit dude" *sniff*

"Tahan na dude ano ka ba? Gusto mo ba puntahan kita jan sa inyo?" Kausap ko kasi sya ngayon gamit phone ko, isa sya sa mga close friends ko. Sya lang kasi nakakaalam na mahal ko si Gabriel. Kaya sya lang matatakbuhan ko.

"Hindi, ayos lang, wag na. *sniff* Ayokong may makakita sakin sa gantong sitwasyon. Pero thanks na din sa concern dude *sniff*" Ayoko, ayoko talagang may makakita sakin ngayon, at ayaw ko rin may makita ngayon. Sobrang heartbreak to. Ang sakit, mas masakit kesa sa mga unang experience ko. Oo, 'mga'.

Ako kasi ung taong madaling ma-attach sa kung sinomang lalaki na nakakaclose ko. For short, madali akong mainlove, napakadali kong mainlove. Makita ko lang na may care sakin yung isang tao, maappreciate ko na yun, at pag nagpatuloy yun, naiinlove na ko.

Marami na kong minahal, madaming beses na kong nasaktan. Pero ngayon na ata yung pinakamasakit, kasi matagal ko na syang mahal. Kala ko may feelings na rin sya sakin kaya naman nagconfess na ako. Kasi akala ko nahihiya lang sya kaya ako na yung umamin. Yun pala, mahal parin nya yung ex nya. Antanga ko kasi eh, alam ko na iba mahal nya, pero di ko pa pinigilan sarili ko mahulog sa kanya. </3

"Sige, ikaw bahala. Basta pag kailangan mo ko andito lang ako ha. Tawagan mo ko, pupuntahan agad kita."

"Oo dude. *sniff* Salamat ulit. Huhu. Salamat sa *sniff* pakikinig dude ha? Maraming salamat." 

"Wala yun ano ka ba?. Teka ayos ka na ba? Tumahan ka na, ayaw kong nakikita ang dude ko na umiiyak. Tahan na." Buti pa sya, ayaw nyang umiiyak ako, hindi katulad ng iba na sya pa mismo dahilan ng pag-iyak ko :((

"Oo, tatahan na ko" Huminga akong malalim, ayaw kong marinig pa nya ang paghikbi ko. Magiging maayos din to. Pinapalakas nya ko kaya ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako. Sayang din yung effort nya noh? "Sige dude, byebye na, matutulog na ko. Goodnight nalang, Thank you ulit!" Nagpaalam na ko, kahit hindi pa naman ako matutulog. Gusto ko nalang umiyak ng umiyak.

"Ganun ba? Sige dude, himala ata maaga ka matutulog ngayon. Hehe, sige goodnight na. Tahan na ha? Wag na umiyak, papangit ka. Tsaka sige ka, pag umiyak ka pa, singkit mata mo bukas." Kapag kasi nakatulog ako galing sa iyak, singkit mata ko pag-gising. Ganun naman ata lahat eh? Hayy.

One Month Love &lt;3Where stories live. Discover now