Break 27

1.2K 34 1
                                    



Halupaypay si Margo na naka upo sa visitors couch ng opisina ko, nakatulala ito. Ilang beses ko tinanung kong okay lang ba sya pero parang wala itong naririnig..

Kaya pumunta ako sa pantry at kumuha ng malamig na tubig.. ibinigay ko ito sa kanya at mabilis naman nya itong tinanggap at ininom..

"Nahimasmasan ka na ba?" Tumango naman ito..

"So, di ka ba ginugulo ni  Brandon?"

"Di naman, actually di ko na sya nakita ulit"

"He was true to his words. Do you want to talk to him na? He said na aantayin ka lang nya kung kailan ka handang kausapin sya.."

"Wag muna ngayon, magulong magulo pa ang isip ko Sia.. iniwan pa ako ni Isaac" bakas ang lungkot nito sa huling katagang sinabi nito..

"No, hindi ka nya iniwan, actually it's hard for him to leave pero its his only way to give you the time and space you need.. alam mo naman yun, di ka nya matitiis na di puntahan kung mananatili sya dito"

"Then puntahan nya ako" wala sa sarili ni Margo na sagot"

"The last time he went at your place  nagalit ka sa kanya.. at ayaw nya yung mangyari kaya sya na ang umiwas"

"Sia masama ba ako? Kasi naman di ko naman sinadyang pagtaasan sya ng boses, wala lang talaga ako sa wistyo nun"

"Of course di ka masama, at alam kong naintindihan ka ni Isaac, you know him diba? Di ka naman matitiis nun.." lalong lumungkot ang mukha ni Margo, lumapit sya dito at niyakap ito..

"Do you missed him?"  Mahinang tumango si Margo.. napansin kong masyadong naging dependent si Margo kay Isaac, sanay kasi ito na lage itong nakikita at nakakasama.. pero ang tanong gaano nya ito kamahal? Minahal ba nya ito dahil kailangan niya o kailangan nya ito dahil mahal nya..

Si Margo lang ang makakasagot nyan...

Third person's POV

Nakatulala si Isaac habang nakaharap lumalamig na nyang kape.. naka ilang iling na ang mga pinsan nya habang tinitigan nila ito..

"Mukhang sobrang lakas talaga ng tama nito" sabi ni Rafa.. ilang araw na kasi itong ganun, actually mula ng makabalik ito ng Australia ay madalas itong wala sa sarili, sinubukan naman ng dalawang pinsan na aliwin ito pero wala talaga..

"Why don't you go back in Philippines? Sa tingin ko ay mas magiging okay ka doon". Sabi ni Rafa..

"Yeah dude, if she wanted space then give it to her. Sa tingin ko kasi di maganda sayo na malayo sa kanya.."

"She texted me" nagulat sila sa sabi ni Isaac

"Ano naman ang sinabi nya?"

"She's asking when will i come back"

"Then?"

"I didn't respond" tumango naman si Evo, siguro nahihirapan talaga si Isaac..

"Dude sa tinigin ko mahirap din kay Margo ang pag layo mo, napansin kong mas sanay ka na lage kang nasa tabi nya" sabi ni Rafa na sinang ayunan naman ni Evo..

"Till when she will need me? Paano naman ako pag di na nya ako kailangan?" Halata ang hinagpis sa bawat sinabi ni Isaac

"Yes andoon na tayo, but don't give her the chance to not need you anymore kung ayaw mong mawala sya sayo..  make her feel that you're still there kahit sa panahon na sa tingin mo na di ka nya kailangan". Napatingin si Isaac kay Evo.. he always knew the right words to say..

"Tama dude, diba doon naman kayo nagsimula? At sa tingin ko doon ka nya nagustuhan, di sa pinapaasa ka namin pero nakikita naman namin na mahalagang mahalaga ka sa kanya. Kaya tiwala lang" napangiti naman si Isaac sa sinabi ni Rafa, kung wala lang syang malaking problema ngayon ay magpapakain sya dahil sa wakay may matino ding lumabas sa bibig nito..

Break the Rules (Rule Breaker Book II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now