Break 22

1.3K 34 0
                                    


Nagkalat ang mga papeles sa table ko, tambak na ako sa trabaho pero wala paring pumapasok sa isip ko regarding my work. Ang tanging laman nito ay ang ilang ulit na tawag ni Clark sakin at ang pag iisip kung ano ng ginagawa nila sa Infanta na sila lang dalawa.

Naisip ko kung dinala din ba sya ni Clark sa lugar na napuntahan namin or usual spot naming dalawa or sa mas espesyal pa na lugar, somewhere that I haven't been to.

Kahit si Thunder ay di ko nakakausap ng matino at napansin nito, akala nya dahil ito sa natambak kong trabaho dahil sa ilang araw kong bakasyon kaya hinayaan na muna nya ako at di na kinulit which was helpful. Ayaw ko naman kasing maging grumpy towards Thunder.

"Trouble in paradise?"

Nagulat ako ng bumungad sakin si Justine, di ko man lang napansin na nandyan na sya..

"Or—- May hangover kapa sa vacation mo sa Infanta?"  Ngumiti ako sa kanya ng matipid

"Natambakan lang ako ng trabaho"  parang di ito naniwala sa sinabi ko.

"Then if that so, why don't you work your pretty ass and stop looking at the papers like they'll sign your signature on their own? Tssssss wanna join me outside and lets get some coffee, mukha ka kasing nasa puyatan hindi sa bakasyon"

Tama nga si Justine, di kasi ako makatulog ng matino kagabi kaya naman ito mukha nakong panda na pinilit itago sa pamamagitan ng concealer...

"Okay, sounds great" 

Hinila pa talaga ako ng bakla patayo.. ako naman parang isang sunod sunuran na robot kay Justine..

"Girl anong nangyari sa beauty rest sa bakasyon?. You should look fresh OMG." mataray nyang sabi sa akin..

"Nanibago siguro dahil balik condo na ako, alam mo na pag galing probinsya"  palusot ko, di ko naman kasi alam kung paano sya sasagutin.

"Ano yun? Namamahay ka sa sarili mong pamamahay? Bonga huh?"

Tumawa lang ako, kahit kailan talaga to..

"Tayo na nga at lubay lubayan mo ako sa mga pang iintriga mo, libre mo ko ngayon kasi ikaw nag aya"

"Aba to, ikaw na nga ang tinulungan kong makalabas doon sa opisina mo dahil naaawa na ako sa mga papeles mo doon baka mabutas kakatitig mo tas ako pa ang manglilibre? Kakaibang babae" may pailing iling pa ito.

"Gusto mo ituro kita doon sa babaeng hinalikan mo sa bar? Huh? Kaninang umaga nung makita nya ako sa labas ng building hinanap ka nya kaagad sakin"

Totoo kaninang umaga, natandaan nya kasi na kasama ko si Justine, She's pretty in broad daylight..  di ko kasi masyado makita ang ganda nya sa bar, alam nyo na madalas doon magaganda dahil sa ilaw at make up..

Natawa ako sa reaksyon ni Justine, namutla ba naman, ganito ba sya katakot sa babae pag di nakainom,?

"You're kidding right?"

"Nope, actually namukhaan nya ako kasi nga diba you introduced me as your friend"

"Did you tell her my well being babae ka?" He said in her worried face..

"Tssss para saan bat kaibigan kita diba? Kaya libre mo na ako, "  nakahinga ang bakla sa sinabi ko...

"Pero Bading, in fairness maganda pala sya lalo na pag malapitan" sabi ko kay Justin at tinitigan ko sya, napahinto sya sa paglakad at parang may inaalala.. mukha naman tong nagising sa iniisip nya at tumingin sakin ng masama...

"Hoy Isiah Miracle wag mo nga ako matawag tawag na bading" natawa ako sa reaksyon nya.. akala ko kasi yung kagandahan ng girl ang iniisip nya, yun palang pagtawag ko sa kanya ng bading.. hayyy nako Justine sayang na sayang...

Break the Rules (Rule Breaker Book II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now