Prologue

4.3K 77 4
                                    



May mga bagay na kahit ayaw mo ay kailangang takasan. May mga tao na kahit ayaw mo kailangan mong iwanan. May pagkakataon na kahit ayaw mong masaktan nasasaktan ka parin.

May mga bagay na mas nanaisin mo na ibaon nalang sa limot. May mga tao din na kahit gustong makalimot di parin nakakalimot.

Maraming bagay sa mundo na di natin naiintindihan, ang sabi nga nila lahat nangyayari ng may dahilan, pero bakit hanggang ngayon di parin maintindihan kung bakit nangyari ang mga bagay na yun? At bakit kailangang sa kanila pa mangyari?

Pwede naman diba na may nangyari ng di ka nasasaktan? Na wala kang masaktan? Bakit sa bawat ngiti ay may kapalit na luha? Bakit sa bawat saya ay may kapalit na lungkot?

Di lang sakit ang niwanan sa pag alis at nadala sa pag lisan kundi pati ang mga katanungan na wala pang mga kasagutan. Di lang din ang naiwanan ang lubos na nasaktan, dahil mas labis ang sakit pag ikaw ang nang iwan.

May mga taong umalis para makalimot at makatakas sa masalimoot na nakaraan, may mga tao rin na kahit naiwanan naghihintay parin kahit alam nya sa sarili nya na walang kasiguraduhan Dahil sa kabila ng sakit nandoon parin ang kakarampot na pag asa na babalikan pa sya, na maibalik ang dati na mayroon sila.

Pero paano mo mahaharap ang isang katotohanan na sa pagdaan ng mahabang panahon ay tuluyang nakabangon at nakalimot sa mapait na nakaraan ang taong hinintay mo ng matagal?

Paano mo matatanggap ang katotohanan na mayroon na syang bagong mahal?

Handa ka bang bumali ng isang relasyon makuha lang ulit ang iyong kaligayahan?

But how can you break it when you're slowly breaking inside? ..

How can you break it if it made that someone smile? How can you risks his/her happiness for your own feelings?...

Hanggang saan mo kayang lumiko makarating lang sa iyong paroroonan? Di kaya'y maligaw ka lang at tuluyan ng mawala?

Break the Rules (Rule Breaker Book II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now