Break 4

1.7K 45 0
                                    


Nagising ako isang umaga sa balitang wala na si Tito Alfonso...

halos di ako makapaniwala ng matanggap ko ang tawag ni Daddy... una nagulat ako dahil tinawagan nya ako, ilang linggo kaming di nag kita o nag usap man lang dahil sa nangyari..

di ko mapigilang mapaluha sa nabalitaan... ang pangalawang kinikilala kong ama, wala na...

may kung anong takot ako sa puso ko ng malaman ko yun...  dahil narin sa di magandang pagkamatay ni Tito... he was shot at nasapol ito kaya dead on arrival...

halos di ako magkandaugaga dahil  ang nasa isip ko ay si SIa...  mabilis kong nilipad ang Ospital kung saan isinugod si Tito...  nadatnan ko pa si Tita na umiiyak at tila may isa pa itong pinoproblema...

"SI Sia... please anak.. pick up the phone... " nilusob agad ako ng kaba, si Sia??

"Tita?" agad namang lumapit sakin si Tita at humagulhol sya... nakita ko naman si Daddy na kausap na ang mga pulis...  kitang kita ko ang pighati sa mga mata nito. Alam kong sobrang nasaktan sya, its his best friend and more like a brother for him.

"Anak si SIa... " sabi ni Tita na puno ng pag aalala

"Saan po ba si SIa? pupuntahan ko" biglang nagring ang cellphone nya at agad sinagot..

"MArgo? Thunder?... Ganun ba? please samahan nyo sya dito at siguraduhin nyong safe kayo... mag ingat kayo mga anak" sabi nya sa kabilang linga

"kasama na nya si MArgo at Thunder papunta nadaw sila dito... " tila nakahinga ng konti si Tita pero maya maya ay umiiyak na naman, at alam kong dahil ito sa nangyari kay Tito...

pinakalma namin si Tita.. kasama ko si Daddy.. at pinaimbestigahan na namin ang nangyari...  sa kaka alo ko kay Tita nakalimutan ko si Daddy.... 

nakalimutan kong nawalan pala ito ng matalik na kaibigan, na itinuturing nyang kapatid...

lumapit ako sa kanya at nakita kong namumugto rin ang mata nito.. and it broke my heart... agad ko syang niyakap at doon lumabas ang munti nyang hikbi.... di ko narin mapigilan ang mapa iyak dahil alam kong nahihirapan ang Ama ko... ...

"We will seek justice for his Death son.. at sisiguraduhin kong magbabayad sila sa pagkamatay ni Alfonso... "

"Im with you Dad... im with you"  napapikit ako... at lalong niyakap si Daddy... di ko alam kung kakayanin ko pag sakin nangyari yun.... and now nag aalala na ako sa kalagayan ni Sia. Masakit na nga sa akin at kay Daddy paano na kaya sa kanya?

after 20 mins ay napatayo kaming lahat nung dumating si SIa.. kasama si MArgo at ang lalakeng lage nyang kasama... iwinaksi ko ang inis at galit ng makita ang lalaki, this is not the right time to get angry.

hagulhol ng mag ina ang tanging naririnig namin sa hallway...  hindi ko kinaya ang  pangyayarin nung makarating kami ng Morgue... nawalan ng malay si Tita at kita kita ko kung paano manghina si Sia...

gusto ko syang yakapin I want to be there for her.. at ninanais ko na sana maramdaman nya na nandito ako at handang damayan sya... 

pero wala ehh, may iba ng dumadamay sa kanya.. she never even noticed that i was there pero okay lang  .. naiintindihan ko sya... she's still my priority in the first place. If can just take away all of her pain ginawa ko na...

Wala ng mas maisasakit pa na makita syang ganito ka nasasaktan.

dumating ang lamay ni Tito at di kami umalis ni Daddy sa tabi nila SIa... kahit di nya ako maramdaman okay lang basta nanjan ako para sa kanya...

nasasaktan man ako sa nakikita ko pero tiniis ko yun... hindi it  ang tamang panahon para sa sariling issues naming dalawa...

ginawa namin lahat ni Daddy para maresulba at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Tito...

Break the Rules (Rule Breaker Book II) COMPLETEDWhere stories live. Discover now