Chapter 18: Ang Pari at Ang Hostess

789 76 4
                                    

Patunay sa tagumpay ng Simbahan ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo ay ang paglipat ng mga tao doon mula sa iba't-ibang parokya at ministeryo sa kalakhang Dinagatan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patunay sa tagumpay ng Simbahan ng Ikalawang Pagbabalik ni Kristo ay ang paglipat ng mga tao doon mula sa iba't-ibang parokya at ministeryo sa kalakhang Dinagatan. Maging ang mga protestante ay nasuyong magpunta at pakinggan ang turo ni Manuel.

            Sa parokya na pinupuntahan ng pamilya nila Manuel, iyon nga ang nangyari.

            Linggo ng umaga.

            Lumabas ng sakristiya si Father See dala ang chalice tungo sa altar kasabay ang dalawang batang sakristan na nasa edad 11 at 12 sa pagsisimula ng misa. Pagtayo niya sa harap ng altar at pagtingin sa loob ng simbahan ay lubusan siyang nagulat.

            Siya lamang ba dahil nakasisiguro siyang noong isang linggo lamang ay puno ang loob ng kanyang simbahan. Ngayo'y halos walang tao sa loob, maliban sa anim na katao: Sina Openg at Sebyo, dalawang matandang mag-asawa na uugod-ugod, isang batang musmos na nagpapahangin sa bintilador, at isang mangingisda na mukhang napadaan lamang para ipahinga ang kanyang mga paa, ang huling isda sa maliit na batya ay nakapatong sa kanyang tabi. Napanganga si Father See.

                                                                        #

            Tapos na ang misa. Nakaupo si Father See sa unahang pew nang lumapit ang dalawang sakristan dala ang donation box at itinaob ito at nalaglag sa sahig ang kakarimpot na mga barya.

            "Ito lang?" gulat na sabi ni Father See.

            Halos kinse pesos lang kung susumahin. Pinulot ng pari ang 1 centavo Lapu-Lapu coin.    

            "Ni hindi na tinatanggap ito eh," aniya.

            Umiling ang dalawang sakristan.

            "Paano na baon namin?" sabi ng isa.

            "At 'yung sinabi mong bonus?" dugtong ng pangalawa.

            Hindi alam ng pari ang sasabihin. Nagkatinginan ang dalawang sakristan at sabay na nagtanggal ng kanilang kasuotan at nilapag sa sahig, bago naglakad paalis.

            "Anong ginagawa nyo? Saan kayo pupunta?" pagtataka ng pari.

            "Resign na kami," sabi ng mga sakristan habang papalayo.

            "Ha? Bumalik kayo dito! 'Wag n'yo kong iwan!" sigaw ni Father See.

                                                                                    #

            Matao sa beerhouse. Sa may videoke, ganado ang mga nagsisipagkantahan na mga binata. Laklak, Pagsubok at iniisa-isa ang mga awitin ng Eraserheads. Nagrereklamo sila kung kailan ba daw magkakaroon sa listahan ng kantang Mundo. Olats daw ang songlist dahil 90s pa.

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon