Chapter 13: Ganap na Messiah

968 79 6
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maliwanag, maulap ang kalangitan. At mula sa makakapal na ulap, may sinag na tila galing sa kaitaas-taasan. Ang karagatan ay nagniningning at ang mga alon nito'y mabilis ang sagasa sa baybayin.

Nakatayo si Manuel sa aplaya. Hinubad niyang sapatos at itinaas ang dulo ng pantalon sa tuhod para yapak niyang madama ang malamig na tubig alat. Maya-maya'y dumating ang iba pa. Sina Pitoy, Berto, Dumas, Siso at Ato, na nagtanggal din ng kanilang mga sapatos tulad ni Manuel na kanilang sinamahan na pinanood ang dagat.

#

Buhay na buhay pa din sa kasiyahan sa wedding reception nang bumalik sina Manuel at iba pa. Makikita nila si Isko na kausap si Rod, ang matabang ninong.

"Manuel! Halikayo!" tawag ni Isko.

Pinakilala niya si Rod.

"Manuel, ito si Don Rod Hernando. Siya ang may-ari ng tinatayong mall sa bayan."

"Mr. Hernando," kamay ni Manuel sa kanya.

"Tawagin mo na lang akong Rod," ngiti niya, kanyang mga mata't pumungay. "Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Manuel, sugo ka ng Diyos. At naniniwala ako na ang kapangyarihan niya ay dumadaloy sa iyo. Kung kaya't, sa suggestion ni Isko, ay tutulungan ko ikaw at ang iyong mga..."

Tinuro niya sina Pitoy at ang iba pa. Hindi siya sigurado kung anong itatawag ka kanila.

"Disipulo. Mga disipulo kami," hayag ni Pitoy.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa at nagsipagsang-ayon. Tanggap nila, at masaya sila na matawag na mga disipulo.

"Disipulo," nakangiting ulit ni Rod.

"Anong tulong itong sinasabi ninyo?" tanong ni Manuel.

Nagpamewang si Rod.

"May malaki akong bulwagan sa bayan na hindi nagagamit. Pwede nating gawing headquarters. Isang lugar kung saan ka makakapagturo."

"Parang simbahan?" mabilis na sabi ni Pitoy.

"Pwede nating ituring ito na simbahan," tango ni Rod, at bumaling kay Ato. "Nandiyan naman si Ato, siyang bahala sa pagaayos ng lugar kung kinakailangan."

Nasabik ang lahat.

"Salamat ng marami," sabi ni Manuel.

"Pero, anong itatawag natin sa simbahan na ito?" kamot ni Berto at sila'y napaisip.

"Alam ko na!" sabi ni Siso. "Parokya ng mga militanteng anak pawis ng Diyos."

Napailing ang lahat.

"Nasisiraan ka na ba? Gusto mo bang teargasin tayo sa unang araw pa lang?" inis na sabi ni Dumas.

"Ba't 'di nyo tawagin sa pangalang naaangkop?" mungkahi ni Rod. "Church of the Second Coming of Christ?"

Nagkatinginan ang lahat. Maganda ang tunog nito sa kanilang mga tenga.

"Manuel, okay ba sa 'yo 'yun?" sabi ni Pitoy.

Tumingin sa kanila si Manuel at nakangiting sinabi,

"Oo, naman."

#

Pumarada ang delivery truck nila Pilo na pahinante at Jayme na driver. Mula sa kalye ay tanaw nila ang kubo ni Manuel. Bumusina sila. Sa likuran, nakasakay na sina Pitoy, Berto at Dumas. At kasama na din si Jimwell.

"Kumusta ang honeymoon mo, Jimwell?" biro ni Berto.

Namumulang ngumiti lang si Jimwell.

"'Yun o! Baka naman hindi umabot?" pang-asar ni Dumas.

"Anong hindi umabot? Anong gusto mong sabihin?" galit na balik ni Jimwell.

Nagtawanan sila.

Sa harapang bakuran ng kubo, nagmamadaling bumaba ng hagdan si Manuel. Kasunod niya sina Openg at Sebyo.

"Manuel, anak, mag-iingat ka ha!" sabi ni Openg.

"Opo, 'Nay," ani ni Manuel.

Naglakad tungo sa delivery truck si Manuel. Pinanood siyang umalis nina Openg at Sebyo, magkahalong saya at takot para sa anak ang nadarama nila.

"Sebyo, paano kung siya nga ang pangalawang pagkabuhay ni Hesus?" sabi ni Openg.

Napaisip si Sebyo at, "Mapalad tayo kung ganon."

"Pero, alam naman natin kung paano natapos ang istorya ni Hesus, 'di ba?" napahawak si Openg sa braso ng asawa.

Nagkatinginan sila.

#

Isang malaking bulwagan na gawa sa bato, kahoy at yerong bubong kung saan nagbabarnis sina Isko, Siso at Ato. Si Andoy na waiter ay katulong din nila.

Pumarada ang delivery truck malapit sa signboard kung saan nakapintura ang: CHURCH OF THE SECOND COMING OF CHRIST.

Masayang nagbabaan ang mga sakay nang makita ang bulwagan, sumisigaw at pumipito pa sila. Sinalubong sila ni Isko.

"Ayos ba, mga pare? Tignan n'yo ang loob!"

Malaki na open area ang loob. Kahoy na sahig, poste't pader. Bintana ay kahoy at capiz. Napapalamutian ang paligid ng mga halaman at bulaklak. Vernacular lang ang dating. Sa kisame ay mga ceiling fans. Maraming wicker chairs ang maayos na nakahilera. May long table sa gilid at may mga donation boxes sa paligid. Sa stage ay may podium. Sa likod ng stage ay kuwarto na bihisan at tulugan at C.R. May back entrance doon.

Masaya ang lahat pagpasok. Gandang-ganda sila.

Maya-maya'y dumating si Rod.

"Nandito na kayo! Ayos ba ito?" sabi ng mayamang mataba.

"Ang ganda, sir!" sabi ni Siso.

"Panalo!" sabi naman ni Jimwell.

Inakbayan ni Rod si Manuel.

"Anong masasabi mo, Manuel?"

Masaya si Manuel pero hindi niya pinapakita.

"Tamang-tama ito. Salamat."

"O, may merienda doon! Kain muna kayo!" turo ni Rod.

May long table kung saan may mga sandwiches at softdrinks. Mabilis silang nagpuntahan para kumain, parang mga patay gutom lang. Bumulong si Rod kay Isko.

"Siguraduhin mong kikita tayo dito ha."

"Sigurado ito," ngiti ni Isko.

Pinagmasdan ng dalawa na masayang nagkakainan ang iba, at si Manuel na kanilang binibida bilang ganap na Messiah. Wala silang kaalam-alam sa tutoong nangyayari.

Ang Pagaala-Kristo ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon