7th week of school

636 12 1
                                    

7th week of school

Monday.

6:39am

"Goodmorning. Ingat sa pagpasok potchi-nna! Haha. :D"

Napangiti na lang ako sa text ng pinakamatyagang taong nakilala ko. Pot-chinna? Pauso 'tong si Red.

Sa totoo lang e buong weekend, hindi tinantanan ng texts n'ya ang telepono ko. Gusto ko mang ibalik ang effort n'ya e kaso sadyang wala lang akong load. Tinatamad akong mag-unli.

Pasensya na mister kung hindi ako maka-reply, ang bait mo pa naman.

In all fairness, "close" na nga siguro kami.

Siguro.

8:00am

"potchinna"

Ang lettering na ginawa ko rito ay 'yung classic na hand-lettering na alam ng lahat ng mga mag-aaral. 'Yung parang matatabang letra na outline lang tapos walang kulay 'yung loob. Walang kupas.

Naisulat ko 'yon sa likod ng page ng photocopied handouts namin kung saan nandoon na ang teacher namin sa lecture n'ya. Ugali ko na nga ata 'yon. Kasi kung babalikan 'yung nakalipas na pages sa handouts na ito e kung anu-ano ang posibleng makita rito. Non-sense drawings. Non-sense scribbles. Non-sense words. Mga walang kawawaang bagay na pinag-aksayahan ng tinta ng ballpen. Sinong estudyante ang hindi guilty sa pagdu-doodle habang nagtuturo si teacher? Kahit naman sino inaabot ng inip kung minsan.

8:45am

Maagang nagpalabas ang aming butihing guro! Magandang pagkakataon 'yon para makakain saglit dahil kapag ganitong kay aga-aga ng klase ko —tumataginting na 7:30!— ay wala na 'kong panahon para makapag-agahan pa.

"Si Red," biglang parang may kung anong pagkailang ang namayani sa akin nang makita kong magkakasalubong kami ni Red sa daan papuntang canteen. May kasama s'yang mga kaibigan. "Ano yon, Chinna?" pang-aasar ko sa sarili ko. "Arte?" Ano nga ba naman kasing issue kung makakasalubong ko si Red.

Magpansinan kaya kami?

Siguro naman.

Nagka-text na rin naman kami.

Palapit na kami ng palapit sa isa't-isa. Tatango ba ako, ngingiti; ano? Pa'no ko s'ya babatiin?

"Uy, Red, compshop tayo 'maya ha."

"Oo, eh."

Tanging narinig ko nang lampasan n'ya kami.

No Hello's.

No Hi's.

Wala kahit simpleng tango o pagngiti.

Siguro...hindi n'ya 'ko nakita!

Ganon?

Iniwasan n'ya siguro ako talaga.

Ayos!

May nang-deadma.

1:05pm

Lumampas si Red sa kinauupuan ko pero hindi ko naramdamang umupo s'ya sa likod ko. Nakakapagtaka, ga'no ba 'ko ka-busy noon na kahit kailan ay hindi ko s'ya napansin buong Prelim?

Umasa ba 'kong magbabatian kami? Hindi na. Buti na lang. Kasi hindi nga nangyari; naamoy ko lang 'yung pabango n'ya nang lumampas s'ya. Nakaka-disappoint din pala.

"FAKE"

Nabiktima ko na naman 'yung page ng handouts namin na binigay ng reporters sa buong klase para may notes kami tungkol sa topic nila. Nakasulat ito sa pangkaraniwan kong pamamaraan ng pagsusulat.

REDWhere stories live. Discover now