6th week of school

556 14 1
                                    

6th week of school

Monday

"Very good job, you two. I knew you'll do well together," papuri samin ni Sir Lim pagkatapos ng report namin. Ayos na rin pala itong nauna ako, kami, at least buong midterm na maluwag ang pakiramdam ko kasi tapos na 'ko.

Una akong nakabalik sa upuan ko, sunod si Red.

Nakakatawa.

Natatawa ako sa sarili ko kasi akala ko close na kaming dalawa. Hindi kami nagkausap buong weekend tungkol sa report; naging sapat na 'yung napag-usapan naming no'ng Biyernes para rito. Pero akala ko talaga close na kami dahil sa saya ng usapan naming no'ng huli.

Patawa. Patawa ka, Chinna. Patawa ka kaninang umaga kasi akala mo magbabatian kayo ni Red sa canteen nang nagkasalubong kayo.

Kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya noon habang ako ay kasama ko rin sila Joei at Cass. Ang nangyari, pagkatagpo pa lang ng mga mata namin, inialis n'ya na agad 'yung tingin n'ya sa'kin. That's...rude? Ngingiti pa naman sana 'ko. Or...awkward?

Wednesday.

May nakasulat sa board sa Physics room namin na kapag forty-five minutes na at wala pa si Sir, pwede na kaming umalis. May quiz din daw sa Friday.

"Ten minutes," isip-isip ko nang mapatingin ako sa relo ko. Sampung minuto na lang at pwede na 'kong umalis. Ako lang. Kasi absent 'yung dalawa! Bakit sabay pa silang nagkasakit, wala tuloy akong kasama.

"Uy, Chinna, nasan 'yung dalawa?" Nagulat ako dahil kinausap ako bigla ni Red nang pabalik na s'ya sa upuan n'ya pagkatapos n'yang may kausapin sa labas.

"Ah, may sakit e."

"Ganon?" tatango-tango s'ya. "Sana wala si Sir, 'no?"

"Oo nga e."

Sa loob ng sampung minuto, inabala ko ang sarili ko sa pagpilit na hindi pakinggan 'yung kwentuhan ni Red at ng katabi n'ya. Ayos lang din, hindi ako nagtagumpay.

"Orayt! Forty-five minutes na!" sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki.

"Oy, Red, una na 'ko," narinig ko mula sa likuran.

Nang makatayo na 'ko, "Pa'no 'yan? Sa'n ka?" bigla akong kinausap ni Red. B-bakit n'ya ba 'ko kinakausap?

"Ha? Ah...library?"

"Ah...sige. Una na 'ko? Ingat."

"Hmm. Ikaw din." Pagkatapos ay naglakad na s'ya palayo. Ng mabilis. Kaya bago pa lang ako nangangalahati sa may pinto ay nakalabas na s'ya, sabay "Bayayay!" ng cellphone ko. Tiningnan ko naman ito habang naglalakad, umaasang alinman sa dalawa nila Joei at Cass 'yon.

"Number lang?" naiisip ko.

Quote:

WAAH! Sorry iniwan kitang mag-isa. Nahihiya kasi 'ko sa'yo. >.<

Ano daw?

Eh eh, 'di naman siguro si ano 'to. At tsaka wala akong number do'n.

"Bayayay!"

Quote:

Haha. Nakalimutan ko palang magpakilala. Galing kay Lex 'yong number mo. Red to, Chinna. :DD

Ohhh! So binigay ni Lex no'ng nakiusap s'ya tungkol sa book? Aba'y matindi.

5:41pm

Ka-text ko sila Joei at Cass. Pagka-send ko ng huling reply ko sa kanila, ilang minuto pa ay may natanggap akong text. Inaasahan ko namang galing sa kanila 'yon pero napataas na lang ang kanang kilay ko sa pagtataka na galing 'yon kay...Red?

Quote:

Kamusta? Sorry talaga kanina ha. Good evening Chinna. Haha. :)

Napangiti na lang ako ng malinggit. Ang bait naman ng taong 'to; para 'yun lang. Hindi ko pa s'ya nire-replyan kahit na no'ng nag unlitext promo na ako e. Ewan ko ba, parang naisip ko 'wag na. E ito na naman.

"Uy Red, ayos lang 'yon no. Haha."

"Kakahiya kasi sayo e. >.< So kamusta ka naman? May quiz pala sa Friday? Di ko napansin sa board kanina. Haha! XD"

"Oo meron nga. Haha. Yakang-yaka mo yon. :D Ayos lang, ikaw kamusta?"

At kung hindi pa na-expire ang unli ko noong 10:45, siguro ay nagka-text pa kami ng matagal. Pero sabagay, antok na rin ako no'n at mga 10:30 talaga 'ko kung matulog lagi.

Masarap pala talagang kausap si Red – parang no'ng inaayos namin 'yung report namin. Ang dami agad naming napag-usapan na 'kala mo'y magkabarkada talaga kaming tunay. Siguro nahihiya lang s'ya no'ng Monday kaya s'ya nagkaganon. O kaya naman...ewan. Bahala s'ya.

Thursday.

8:04am

"Bayayay!"

Goodmorning. God bless you Chinna. :)

12:20pm

"Bayayay!"

Kain na Chinaaa. Haha.

3:14pm

"Bayayay!"

Meryenda na China! :)))

7:38pm

"Bayayay!"

Dinner na Chinna, pataba ka. Haha. :D

DI NGA, NAG-TEXT TALAGA SI RED MAGHAPON?!

Kung group message baka maintindihan ko pa. Pero hindi eh. Anong problema no'n?

Friday.

6:00am

Nagising ako sa alarm ko. Maaga pa pasok ko. Nag-check ako ng messages. Isa sa mga nabasa ko ay ang text ni Red nang mga 11:30 kagabi. Tulog na 'ko no'n.

"Goodnight Chinna. Sweetdreams. God bless you always. :)"

So buong araw 'yung text n'ya? 'Di naiwasang mapataas ng kanang kilay ko sa pagtataka. Seriously? Ano 'ko nito, girlfriend? Ang tyaga naman n'ya sobra.

REDOnde histórias criam vida. Descubra agora