14th week of school

154 2 0
                                    

14th week of school

Monday.

Holiday ang school. Super long weekend.

Mabuti naman.

Pero hindi rin.

Sana may pasok na lang ngayon.

10:10am

Tumunog na naman ang cellphone ko. Dali-dali ko naman itong kinuha para tingnan.

At parang Pavlov's Classical Conditioning lang na natutunan ko sa kinababasa ko ng libro, walang dudang "Red" lang ang binubulong ng isip ko tuwing tumatawa ang telepono ko. E pa'no, dati tuwing tumutunog yun noon, kadalasan si Red lang naman talaga ang dahilan; madalang na hindi.

Nasanay tuloy ako.

Na-condition tuloy ako.

Quote:

POTCHIII! I'm back! Tinalo ako ng trangkaso. Haha! Na-miss mo 'ko? Ako, na-miss kita. ^___^ Ingat ka lagi potchi. God bless you.

Hahahaha. I miss youuuu! :* Mwaaaah!

"I missed you," ngingiti-ngiti pa ako habang binabasa ko 'yung text n'ya...na matagal ko nang hinihintay.

Na-miss rin kita.

Hindi ako nag-unli agad-agad. Baka mahalata ni Red e masagot n'ya 'yung tanong n'ya. Tinapos ko muna itong inaaral ko.

5:00pm

"HAHA! Maka potchi naman 'to, :DD Aba at tinatablan ka pala ng sakit? Haha. Ikaw din mag-ingat ka palagi. God bless you too, Red! :))

Kasing laki ng ngiti ko kanina 'yung ngiti ko habang nagre-reply sa kanya.

Na-miss talaga kita.

10:30pm

"Waaah! Lagi na lang 'tong ang aga matulog. Haha. :( Ngayon na nga lang ulit e. Sige... Nyts, potchie. T.T *tampo na* Haha. God bless you! ^__^

Mukhang wala 'yung sakit kong pagkatamad sa pagtulog ngayong gabi; mabuti naman. Akala ko nasanay na 'tong mata ko sa ganong oras ng pagtulog.

Sayang naman...

...hindi Wednesday bukas.

Tuesday.

"Getting a text from you is my favorite part of the day."

May kasama pang doodle ng cellphone yun na may "potchi" sa loob ng bubble chat. Agad ko naming binura 'yung "potchi"---baka may makakita pa.

Hay.

Sana hindi ito 'yun.

7:12pm

"Kain na potchi. => Sabay na tayo, daliii! Haha."

Ang korni talaga nito. Pero napangiti naman ako; talaga namang.

Pero sana hindi talaga ito 'yun.

Wednesday!

Excited talaga 'ko ngayong Wednesday!

Pagpasok pa lang naming kanina sa room ng Physics, bumungad na agad sa'kin 'yung mukha ni Red. Ang aga n'ya. Nasa unahan ko no'n sila Joei at Cass no'ng naglalakad kami papunta sa upuan naming.

REDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant