Special Chapter

127 6 0
                                    

"I MISS YOUUUU!" Paulit ulit na sabi ni Reggie at Brianne sa kanya. Ang totoo ay kanina pa nakadikit ang mga ito sa kanya. Ayaw siyang pakawalan dahil namiss daw siya ng mga ito.

"Kanina niyo pa sinasabi yan. Oo na, namiss niyo na ako. Can you let me go now?" Natatawang saad niya sa mga ito.



Pero mas humigpit ang kapit ng dalawa sa kanya. "No! Dito ka muna. I know! Sa isang kwarto nalang ulit tayo matulog gaya ng dati! Right, girls?" Suhestiyon ni Brianne.

Napatingin tuloy siya kay Athan na nakamasid lang sa kanila. Ang totoo ay kanina niya pa ito gustong lapitan. She wanted to talk to him so badly. Marami pa silang dapat pag-usapan. Pero mukhang mapupurnada ang pag-uusap na iyon. She sighed heavily. "Come on, don't tell me hahayaan mo ang asawa mong matulog mag-isa, Brianne?"

"Well, they could also have a sleep over with the other guys, right, love?" Inosenting tanong nito kay Matt.




She laughed as she heard Matt, Almir and the others groan, totally against the idea. Sa huli ay di na nakapagpigil si Matt at inilayo sa kanya ang asawa nito saka binuhat. "Mauuna na kami sa inyo. Lumalalim na din ang gabi."

"Hey! What are you doing? Put me down!" Rinig niyang reklamo ni Brianne hanggang sa umakyat na ang mga ito ng hagdan. Sunod na nagsipaalam na din ang iba at isa-isang inakay ang mga kapareha.

"Mauna na kami sa inyo. Welcome back again, Mitch. It's good to see you." Bulong ni Almir nang yakapin siya nito at marahang tapikin. "I wish you happiness." Bulong nito.

"Salamat, Almir. Ikaw na ang bahala kay Reggie." Aniya dito. Nag thumbs up lang ito saka inakay si Reggie palayo, leaving her and Nathaniel behind.





Nilingon niya ito na malamlam na nakamasid lang sa kanya. Inabot niya ang kamay nitong nakalahad sa kanya saka siya nito marahang hinila at niyakap. She settled on her side and cuddled next to him as they both stared at the sea from the balcony of her room. Naglatag kasi doon kanina ang mga kasama ng ilang mattress habang nag-uusap.

"Are you feeling cold?" habang inaayos ang comforter para hindi siya lamigin.

Sumiksik siya at yumakap dito. "It's fine now."


"Hmmm." They just stayed like that for a few minutes. Just quietly looking at the night sky, listening to the waves of the sea and feeling its breeze. Just indulging in each other's presence and comfort. "Thank you, Chelle. For saying 'Yes' to me." Basag ni Nathaniel na nakamasid sa suot niyang engagement ring at marahang hinahaplos iyon.

Napangiti nalang siya't iniangat ang tingin dito. "Thank you for coming into my life again."

Tinitigan siya nito, "Thank you for loving me still."

"Thank you, for remembering me."


"Thank you, for giving me this chance to love you again."

"Thank you for loving me back." Aniya saka sila sabay na napatawa dahil sa pinagsasabi.



"I love you—"

"I love you, A—"


Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaOnde histórias criam vida. Descubra agora