Chapter 5

316 20 0
                                    

SINIPAT ULIT NI MITCHELLE ANG RELO. Hinihintay niya kasi si Nathaniel dahil may lakad sila ngayon. Simula nang magkita sila ay pumayag siyang tulungan ito upang makaalala. Kaya naman ngayon, ang itinerary nila sa oplan 'getting-the-memories' ay ang pumunta sa university na dati nilang pinapasukan.Magkapareho kasi sila nang pinapasukan pero magkaibang kurso nga lang. Architecture ito at business admimstration naman ang sa kanya. Ahead din ito ng dalawang taon sa kanya.

Marami rami na din silang napuntahan sa loob ng nakaraang dalawang linggo. Unfortunately, wala pang naaalala ni isa si Athan. Although he said that there were instances that what he's doing seemed familiar. Ayaw naman niyang pilitin nito ang sariling makaalala. Pinaalalahanan na siya ng doktor ni Nathaniel na wag ipipilit dito na makaalala ito at baka sumakit lang ang ulo nito. Pero nasisiguro naman niyang maganda ang takbo ng ginagawa nila.
Nung huling checkup kasi nito ay sumama siya't sabi nito'y may mga blurry vision itong nakikita sa panaginip. That was a good sign.
They would take it slow. Gaya narin ng payo nang doktor nito.

Napaalis siya sa pagkakasandal nang marinig ang busina. Nakangiting kumaway siya nang matanaw ito saka lumapit. "Good morning!" Bati niya dito nang maupo sa may passenger seat.

Binati din siya nito pabalik saka pinausad ang sasakyan. "Nagbreakfast ka na?" Tanong nito habang nasa daan.

Nakapokus naman ang atensiyon niya sa harap habang nakahilig sa may bintana. "Yep. Ikaw? Kumain ka na?" She asked glancing at him.

Tumango ito, "Yeah. Tapos na."

Nagkwentuhan lang sila habang nasa daan patungkol sa mga bagay-bagay sa nakaraan nito sa Amerika. Siya na rin ang nagbibigay direksyon dito papunta sa paaralan. Naging instant Google map pa tuloy siya nito.
Actually, pumunta siya sa university nung nakaraang araw para humingi ng pabor. Mabuti nalang at pumayag ang director sa pakiusap niya. Nakausap niya na rin ang instructors at dean ni Nathaniel dati. Naiintindihan naman daw nila ang kalagayan nito at bukal sa loob na tutulong sa kanila.










"We're here!" usal niya nang matanaw ang malaking gate ng school. Ipinakita niya ang I.D. sa guard nang makalapit saka sila pinapasok. Nagpark ito sa may parking lot ng Building D at excited na bumaba ng sasakyan. Dinig niya pa ang mahinang tawa ni Athan kaya nilingon niya ito. "What?"

"Hindi halatang excited ka." Biro nito.

Inirapan niya ito bago hinila. Totoo naman talagang excited siya. Matagal narin nung pumunta siya dito sa school para bumisita. Ilang taon na din iyon.

Una nilang pinuntahan ay ang building D kung nasaan ang department nito. "Dito rin ang building ng engineering department at iba pang art related courses like fine arts. Yung sa amin naman ay nasa building C. Sasakay ka pa ng jeep kung tinatamad kang maglakad. Or you can use a bike." May kalayuan kasi ang bawat buildings. Pero pwede namang lakarin kung gusto mo. Nagtaka pa siya nang tumigil ito sa paglalakad.

Halatang malalim ang iniisip nito. "Have I bothered you that much?"

"What do you mean?"




He sighed. "Palagi kang pumupunta sa building namin at halos kabisado mo na ang mga ginagawa ko. Ibig sabihin palaging kang napupunta sa building namin. Palagi tayong magkasama."

Nginitian niya ito. Halata kasi ang pag-aalala sa mukha nito. "Yeah. Tama ka. Palagi nga akong pumupunta dito. Ikaw kasi ang naghahanda ng mga pagkain ko. Ayaw mong bumibili ako sa canteen. And I don't really find it as bothersome coming here. You're my best friend, Athan. Isa pa, hindi naman naging problema sakin iyon. Look where I am now. I graduated with no fuss. Kaya wag mo ng isipin iyon." saad niya sabay tapik dito na may ngiti sa labi.

Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt