Chapter 9

271 18 1
                                    

MITCHELLE HEAVED A SIGH UPON REACHING THE DOORKNOB. Marami siyang buhat na mga libro mula sa bookstore kaya medyo nahihirapan siya sa pagbukas. Ayaw niya namang ibaba muna ang mga dala dahil sa medyo basa ang semento mula sa ulan kanina. "Whew, thank God!" aniya nang mabuksan nang tuluyan ang pinto at pumasok sa bahay. "Aaahhh!" muntik niya nang mabitawan ang mga dala nang bigla nalang may yumakap sa kanya mula sa likuran niya pagkasara ng pintuan.

"You know, you should really learn to lock your door." Nathaniel's chuckling voice vibrated inside.

"A-Athan?"

"Hmmm?" she can feel his breath at the crook of her neck.
At nang masigurong si Nathaniel nga ito ay sinikmuraan niya ito causing him to loosen his hug on hers. "What was that for?"




Pabagsak na ibinaba niya ang mga dala at sinamaan ito ng tingin. "Papatayin mo ba ako sa kaba? Akala ko na kung sino!" naiinis niyang saad dito. Eh sa kinabahan naman talaga siya sa ginawa nito. Ngayon niya na nga lang ito muling nakita matapos ang halos isang linggo pero eto pa ang gagawin nito.

"I thought that you're confident enough with the village's security."

Natigilan siya sa sinabi nito. Oo nga't sinabi niya iyon. But it's not like she still won't get scared! Naiinis na nilampasan niya ito. He doesn't need to rub it in her face! Nakakaasar! Namimiss niya pa naman ito-- pero kasi galit siya!






"Chelle. Hey, come on." tawag pansin nito at sinundan siya hanggang kusina. "Mitchell, pansinin mo naman ako. Please. I'm sorry. Hindi ko na uulitin."

Nanatili siyang parang walang narinig at nagpatuloy sa pag-inom ng tubig. She then glared at him when he took her glass and refilled it saka ito uminom mula sa baso niya. "Ano ba, Athan? Pwede ka namang kumuha ng sarili mong bas-- hmmmmm."

She immediately gulped down the water he's giving her through the kiss. Oo, ang landi landi nito! Her mind wants to push him but she just melted right into his embrace.
Hinihingal na humiwalay siya dito mula sa halik pero nakapaikot naman sa kanya ang mga braso nito kaya hindi parin siya nakakalayo ng tuluyan.






"I'm sorry. Bati na tayo, please?" he looked at her with that boyish look of his making her groan in frustration. Paano pa ako mananatiling galit kung ganyan ang mukha nito?

"Y-ou.. You can't just k-kiss me, Athan--" her eyes widened when he cut her off with a smack kiss. "Nathaniel! I just said you can't kiss--"

But he cut her off again with a kiss. Another one. And then another. And another. He showered kisses all over her face and lips. Then he cupped her cheeks and stared at her intently, "I missed you. I'm sorry at ngayon lang ako nagpakita. May mga inasikaso lang ako."






Napatitig siya dito at pansin niya ang pagod sa hitsura nito. Kaagad na nakalimutan niya ang inis dito. She unconsciously carressed his forehead. "You look tired, Athan. Okay ka lang ba? Dapat hindi ka nagpapapagod masyado."

His face softened from her concern. "I'm okay now." anito sabay yakap sa kanya.

"Are you sure? Mukha kasing malalim ang iniisip mo." paninigurado niya pa dito.
Ramdam niya ang pagtango nito habang nakayakap sa kanya. She let out a small chuckle when he guided her arms around him to hug him back. Hinayaan niya muna ito dahil sa namimiss niya naman din ito.

"Let's go out?" maya-maya ay tanong nito.

"Saan tayo pupunta? Ang mabuti pa ay dumito nalang tayo. Magpahinga ka. I know you're not okay. Kung ano man iyang inaalala mo, sana maging maayos na." Kilala niya ito. And she knows he is hiding something. Kung ano man iyon ay nasisiguro niyang magsasabi din ito kapag handa na ito.

Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaOnde histórias criam vida. Descubra agora