Chapter 10

309 17 9
                                    

A/N: P.S. mahaba habang chapter ito. Enjoy!



     RAMDAM NA RAMDAM NI MITCHELLE ANG paninikip ng dibdib dahil sa narinig. Paano nangyari iyon? Paanong si Ariela ay ikakasal kay Nathaniel?



Then she remembered Seff's words when they first met.

"One more thing. Guard your heart, Mitchelle."




Pati na ang pagtangka nitong kausapin siya sa blessing ng bahay ni Nathaniel. Was that the reason why Nathaniel was keeping him away from her? Para hindi niya malaman? Nilingon niya si Seff na nakamasid sa kanya. He had that sorry look on his face.


"I'm sorry, Mitch." Halos pabulong na saad nito. So it is true.

She clutched her chest tightly trying to ease the pain even just a little. Nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa mga luhang ayaw paawat. With a blurry vision she looked at Ariela.

Matagal niya nang alam na may gusto ito kay Nathaniel simula pa noon. Iyon nga ang naging rason nang pagkasira ng pagkakaibigan nila dahil sa galit nito sa kanya na inagaw niya umano si Nathaniel. Kung paano naging sila ni Nathaniel ngayon ay hindi niya alam.





Napatitig siya sa mga magulang nang lalaking mahal. Galit at poot ang nasa mga mata ng ina nito habang walang emosyon naman ang ama nitong nakamasid lang sa nangyayari.

And then her eyes landed on the sleeping figure of the man she has been loving for so long.







Bakit? Bakit ganon?

Hindi pa ba sapat ang mga taon at sakit na pinagdaanan niya? Was her suffering not yet enough?















Ano pa bang kulang para pagbayaran niya ang mga pagkakamali ng nakaraan?









Hanggang kailan ba siya masasaktan?











Pagod na siya. Pagod na pagod.







Sa tingin niya ay tama na. Wasak na wasak na ang sarili niya. Baka hindi niya na mabuo ang sarili.













Pinunasan niya ang mga luhang kumakawala kahit walang silbi lang iyon dahil ayaw namang tumigil sa pag iyak nang mga mata niya. "P-patawarin niyo po ako.. sa.. sa kung ano mang kapahamakan na dala ko sa anak ninyo. M-maniwala po kayong wala akong intensyon na ganon ang mangyari sa kanya. I love him so much that I don't want him to get hurt. M-mahal ko lang po ang--"

"That love you had has caused him his life." maanghang na saad ng mama ni Nathaniel.

Nakakaintinding tumango siya sa mga ito. "P-Patawarin niyo p-po ako." Mahinang saad niya saka dahan dahang tinungo ang pinto.





Calle Maganda Series: Mitchelle LaguardaWhere stories live. Discover now